Share

Chapter 2

Akala ko masakit na, pero may mas isasakit pa pala. I genuinely believed that he would take back his words after having a dinner with me. Pero nagkamali ako. Masyado akong umasa, gayong ang totoo ay pinagbigyan niya lamang ako dahil tuluyan niya na akong iiwan pagkatapos nito.

“M-Magpapakasal din ba kayo ni Blaine?” I asked after a while. Hindi ko alam kung gusto ko ba talagang malaman, o na-e-enjoy ko lang ang pagtotorture sa sarili ko. 

“No,” he replied, his tone suddenly changing into a gentle one. Parang sampal iyon sa akin dahil kung hindi disgusto ay parating malamig na tono ang gamit niya sa akin, malayong-malayo sa ginagamit niya kapag si Blaine ang pinag-uusapan. “Not yet.”

Tumango-tango ako at nakuha pang ngumiti na para kaming magkaibigan lang na ang pinag-uusapan ay kung anong plano namin sa buong maghapon. Napakagaling ko talagang magpanggap. “Why not?” I faked a smile and played with the remaining food in my plate. Hindi ako maktingin ng diretso sa kanya. “She’d make a good wife. I bet she can cook, clean the house… She’s perfect.”

TInitigan lamang ako ni Mikhael na para bang nasisiraan na ako ng bait. Perhaps, I am. Magkakrus ang mga braso niya at ang makakapal na kilay ay salubong na salubong. 

Pero nagpatuloy lamang ako sa pagsasalita. “She’d be the perfect wife, perfect mother. You’d make good children--”

“Enough of these,” mariin niyang sabi kaya muli akong napayuko at napahagulgol.

“I hope she’d take good care of you..” bulong ko sa hangin. Hindi ko alam kung para pa ba ‘yon sa kanya, o ibinubulong ko na lang talaga para marinig ng langit at tuparin man lang. Kahit iyon na lang…

Pinanood ko siyang tumayo kahit pa malabo ang imahe niya sa paningin ko dahil sa mga luha. Slowly, he started walking away. Habang tinatanaw siya palayo ay may mga boses na bumubulong sa akin. Hindi ko alam kung susundin ko ba ang sinasabi nila, na kunin na ang pagkakataon bago pa siya tuluyang mawala sa akin. In the end, I stood up and ran after him. Hinarangan ko ang dadaanan niya at hinawakan siya sa magkabilang pisngi, dahilan para mas lalo pang magsalubong ang mga kilay niya. He was just about to speak when I pulled his mouth closer to mine and kissed him deeply.

Ngayon ko na lamang ulit siya n*******n-- kahit pa gabi-gabi kong hinihiling na mahagkan ang labi niya. He tasted sweet from the cake we’ve shared, but there’s also his manly scent. Malalambot pa rin ang mga labi niya, samantalang ang mumunti niyang balbas ay kinikiliti ang baba ko. This feeling, these tastes… they were the exact same thing when we first shared our first kiss in our wedding.

“Francesca,” Mikhael called out, trying to pull me away, but I resisted and continued kissing him until he has no choice left but to kiss back. He kissed my lips fast and rough, as though fighting back. Pero nang haplusin ko ang dibdib niya, tila ba nahimasmasan siya bigla. Naramdaman ko ang paghinto niya. “Francesca!” He pulled me away, his face contorting in anger. “Ano ba? Sa tingin mo ba mababago pa nito ang isip ko?!” 

Saglit akong natahimik at pinagmasdan siya. Namumula, magulo ang buhok, basa ang mga labi… Pakakawalan ko pa ba ang pagkakataong ‘to? “No…” I slowly shook my head. A lone tear fell from my eye. “But let me have this, Khael. Bago mo ako iwan, lokohin muna natin ang isa’t-isa. Kahit kunwari, maging mag-asawa tayo nang isang gabi. Please…”

He stared at me in disbelief, but I didn’t give him any more chance to speak. Muli kong inabot ang pisngi niya at h******n siya na para bang wala nang bukas.

We’ve been married for 3 years, but we never had sex. There were times where I almost threw myself at him, like tonight, but he wouldn’t give in. Magagalit lang siya sa akin, tapos kinabukasan ay kakausapin at muling ipapaalala na hindi niya ako mahal… na hindi niya ako kayang mahalin. So we never had sex. Ni minsan ay hindi niya ako hinawakan kahit pa nagkaroon ng mga pagkakataon na magkasiping kaming natutulog. He never even kissed me during those 3 years. Ang tanging pagkakataon lamang na nagdikit ang mga labi namin ay noong ikasal kami. 

But tonight, as he squeezed almost every part of my body, he might finally give in and fulfill my last wish.

Patagal nang patagal ay mas lumalalim pa ang mga halik na ibinibigay sa akin ni Mikhael. My left hand is on his hair, ruffling and pulling, while the other is pressed against his chest. While both of his are roaming all over my upper body, his kisses became deeper each passing second. He took a few steps forward, taking me with him, hanggang sa dahan-dahan akong mapahiga sa sofa sa living room. Bumaba ang mga halik niya sa leeg ko, paakyat sa tenga at pabalik sa mga labi. Paulit-ulit, pero hindi ako nananawa. But then at once, he stopped the kiss and pulled back with his eyes sewn shut. 

Dumagundong ang puso ko sa magkahalong emosyon; saya, excitement, maging pagkapahiya. He hovered above me for a while bago niya ako tuluyang tiningnan sa mata. His eyes were dark and misty, with a slight ghost of lust. “After this,” humahangos niyang bigkas. “This marriage is over, Francesca.”

Muling nagbagsakan ang mga luha mula sa mata ko. I closed my eyes and bit my trembling lip, then slowly nodded my head. Talagang pinagbibigyan niya lang ako. Pinagbibigyan niya lang ang kabaliwan ko sa kanya. Tumitig siya sa ‘kin nang matagal na para bang inaaral niya ang bawat detalye ng mukha ko. But then, he attacked my lips with rough and wet kisses like a predator to his prey. 

Sinabayan ko lamang ang bilis niya, bagaman hindi nakalampas sa akin ang naging pagpahid niya sa mga luha sa 

pisngi ko sa kalagitnaan ng halik.

That night, as I lost myself to him, I made myself believe that we’re making love… that we’re happy and contented, and that we’d live together ‘til our heads turn white. But when I woke up the next morning, a blanket wrapped around my naked body, reality had slapped me hard in the face. Mikhael had finally left me.

Now, I’m alone.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status