Share

The Ardent Husband - Chapter 8

The Ardent Husband - Chapter 8

Katulad ng sinabi niya, pumayag nga ang kanyang Inay nang magpaalam siya na magbabakasyon. Hindi ito nagtatanong pero parang humihingi ng paliwanag ang mga mata ng butihing matanda.

Ayaw na niyang magdagdag ng kasinungalingan, pero hindi niya kayang tiisin ang pagkalito at pagtataka ng ina.

"May celfone naman po ako, Inay. Matatawagan ko po kayo ng madalas," wika niya. "A-at babalik din po ako agad--kung hindi ko magustuhan ang probinsiya ni, er, Dollie." Maliksi siyang nag-isip ng pangalan ng kaibigan. Pinili niya iyong nasa Japan pa.

"A, si Dollie pala ang kasama mo," sambit ni Aling Modesta. Para bang nagluwag ang kalooban. "O, e, kailan pala siya dumating galing sa Japan? Hindi ba't may kontrata pa siyang tatlong taon pa nung umuwi ka?"

Hindi napigil ni Honey ang mapangiti dahil humanga sa malinaw na memorya ng kanyang ina.

"Matandain ka pa rin talaga, Inay,"

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status