The Impatient Husband - Chapter 4
"Ooh!" Napaungol muna si Eliza bago nakapagsalita uli. "O-oo. Magpapakasal na ako sa iyo," sambit niya, halos pabulalas.
After her hoarse acceptance, Rafael had made a small miracle in the preceding wedding preparations. Para bang walang kahirap-hirap sa paghahanda ng lahat ng mga detalye sa isang kasalan.
"Nag-iisang anak ka, Eliza. You deserve to be married in church," pahayag ng lalaki na ikinatuwa naman nang husto ng mga bibiyenanin.
Puting traje de boda ang binili mula sa isang exclusive boutique. It was very expensive but Rafael didn't even bat an eyelash as he paid for it. Para bang sanay na sanay nang bumili ng mamahaling damit para sa babae...
"I've made reservations for our reception in the hotel where I've been staying."
Naliliyo si Eliza sa dami ng mga bisitang nagawang imbitahin ng mga magulang, in such short notice. Halos punuin ang sim
The Impatient Husband - Chapter5"B-bitiwan mo ako, Rafael," utos niya. Her shaky voice lacked the authority and her trembling flesh lacked the strength to fight him.She was not expecting him to put her down kaya hindi agad siya nakakilos nang makatayo na uli siya sa sariling mga paa."This sulking has gone on long enough, Eliza," pahayag ng lalaki. "You're right, we must talk. But, we'll eat first."Inakay siya nito sa kinaroroonan ng dining table. Walang lakas ang mga tuhod ni Eliza kaya napilitan siyang maupo."I'll get you a robe," anito bago muling lumabas ng pinto. May dala nga itong roba nang magbalik. "Wear this."Hindi siya tumalima. She stared back at him until he was forced to turn his back."Okey na?" he mocked her as he faced her again.Hindi umimik ang dalaga. Kumakalam ang sikmura niya. Hindi siya nakakain sa reception kanina...&
The Impatient Husband - Chapter 6Umiling si Eliza. Gising na gising siya nang mga sandaling iyon. Hindi man niya aminin, naghihintay siya sa susunod na mangyayari sa kanila ni Rafael.Instinctively, she knew that the steamy bath scene was just a prelude to more sensual explorations. She was just being confused with her reactions. Should she be openly delighted? Or should she be more demure and restrained?Tila nababasa ng lalaki ang mga kaguluhan sa isipan at kalooban ni Eliza. "Just relax, sweetheart. I'm not gonna hurt you anymore. I will give you only pleasure, from now on..." he whispered as his eyes caressed her warm cheeks and beckoning cleavage. "I desire everything about you." Her heart stopped beating for a long second, then started beating again — in a rush. Maliwanag ang mensaheng nasa mga salita ni Rafael.Ginagap ng lalaki ang mga kamay niyang nan
The Impatient Husband - Chapter 7"You shut up, Vina! Pati ba naman dito, nakabuntot ka sa anino ni Mama?" angil ng lalaki sa babaeng may maanghang na pananalita. "Gusto ko nang manahimik. Puwede bang lubayan mo na ako?"Namula sa pagkapahiya ang babaeng tinawag na Vina. Ngunit nanlilisik naman sa galit ang mga mata nito. "Sinabi ko na sa iyo na akin ka lang, Rafael. Hindi ka mapapakinabangan ng iba, kahit na anong gawin mo," panunuya nito, habang nakatawa nang nakakaloko.Kumuyom ang mga palad ng lalaki. Nakita ni Eliza na tinitimpi nito nang husto ang nagpupumiglas na poot. "Mama, ilabas n'yo dito ang babaeng iyan. Baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya!"Bumalasik din ang anyo ng matandang babae. "At bakit si Vina ang pinalalabas mo? Siya ang mas may karapatan sa iyo. Asawa mo siya!" Pinanlisikan nito si Eliza. "Ang babaeng kasama mo rito ay isang kerida la
The Impatient Husband - Chapter 8Nang magbalik sa Maynila sina Eliza, nagkulong sa kuwarto niya ang dalaga. Hindi niya matagalan ang mga nagtatanong na tingin ng kanyang Mama at Papa.Nagmistula siyang ermitanya sa loob ng kanyang workroom. Hinahatiran siya ng pagkain ng kanyang Mama at pinipilit naman niyang kainin.She was functioning through subconscious effort only. Her conscious mind was being bombarded with big questions with no answers.Ang kanyang damdamin ay puno pa ng mga sariwang pilat nang dumalaw si Rafael. A month had already passed.Ngunit nang makita niya si Rafael, parang ilang taon na nagdaan. Their separation was not very kind to Rafael. Namayat ito nang husto. Nahumpak ang mga pisngi. But the dangerous glint in his deep-setted eyes was still there.He looked like a man determined to fight for what he owned."A-ano ang kailangan mo, Rafael?" tanong ni El
The Impatient Husband - Chapter 9There was a hushed excitement in the Quizon household while waiting for the doctor's diagnosis.Nakaupo ang mga magulang sa mahabang sopa na hinila sa tabi ng kama. Samantalang si Rafael ay hindi mapakali sa pagkakatayo habang naghihintay ng pagtatapos ng examination ng family doctor.Only Ester Quizon wore a smug expression. Bilang babae, alam na nito kung ano ang kahulugan ng mga sintomas ng anak. "Sa palagay ko, alam ko na kung ano ang dinaramdam ni Eliza, oy," pagmamalaki nito sa asawa."Naku, huwag muna tayong maghaka-haka, oy," awat naman agad ni Jun Quizon. "Hintayin na lang natin ang sasabihin ng duktor."Ngunit interesado si Rafael. "Ano ba sa palagay ninyo, Mama?" tanong nito.Bumuka ang bibig ng ginang ngunit nauna pa ring magsalita ang manggagamot."She's pregnant. Approximately eight weeks. There's nothing to worry
The Impatient Husband - Chapter 10MATULING lumipas ang mga buwan. Wala nang aberyang dumating sa pagsasama nina Rafael at Eliza.Tanging si Elizabeth Torres lamang, ang unang supling na bunga ng matamis na pagtitinginan ng mag-asawa."Sige na naman, iha," pang-aamuki ni Lola Ester. "Sa amin na muna si Elizabeth. Three months old na naman siya at puwede nang mawalay sa iyo paminsan-minsan."Tumingin si Eliza sa kanyang asawa. Bahagya namang tumango ang ulo nito kaya napapayag na rin siya. "Nag-aalala lang naman ako sa inyo, Mama. Baka mapagod kayo nang husto sa pangungulit ng apo ninyo. Malikot na iyan sa kuna niya. Marunong na ding maggapang nang paunti-unti.""Isasama naman ni Mama si Lita, sweetheart. I'm sure, masisiyahan si Papa kapag kasama na ni Mama si Elizabeth," salo naman ni Rafael, sabay kindat sa biyenang babae.Indecisive pa rin si Eliza pero napagtulunga
The Ardent HusbandSYNOPSISAng puso daw ay bulag sa pag-ibig. Katulad ng puso ni Honey… Matagal na siyang umiibig sa pinakasimpatikong lalaking nakilala niya – si Robert. Ngunit wala naman siya sa kalingkingan ng maganda at modelong girlfriend na ‘Honey’ rin ang palayaw.Nang tugunin ng tadhana ang sikretong hiling, sinunggaban ng dalawang kamay ni Honey ang atensiyon na iniukol ni Robert sa kanya… kahit na siguradong masasaktan siya bandang huli!* * *The Ardent Husband - Chapter 1ANG pag-ibig, kapag dumating sa puso, ay hindi alam kung saan at kung kailan. At ni walang dahilan. Basta nararamdaman na lang na umiibig na nang lubos.Ganito ang dinanas ni Honey. Ngunit ang pag-ibig na nararamdaman niya ay agad ring binahiran ng lungkot. Hindi pa man ay kaagad na siyang nabigo. Pag-aari na pala ng ibang babae ang lalaking napusuan niya.
The Ardent Husband - Chapter2Nakalipas ang dalawang araw nang halos di namamalayan ni Honey. Lunes pa lamang ng umagang-umaga ay nasa Balintawak na siya upang humango ng mga sariwang gulay at prutas.Maging sa Divisoria ay nagtungo rin siya. Dumayo pa nga siya sa Bulacan upang kumuha ng sariwang karne at itlog sa mga suking farm ng hayop. Ang mga delikadong gulay na katulad ng asparagus ay sa supermarket na niya binili.Maging ang mga mamahaling prutas na katulad ng strawberry, ubas, at iba pang imported fruits.Gabi ng Martes pa lamang ay nakaparada na sa harap ng kanilang puwesto ang inarkila niyang refrigerated van-truck. Doon na itinutuloy ang bawat naglalakihang cooler chest ng iba't ibang klaseng salad na ipinrepara nang ayon sa maraming recipe books ni Honey.Umupa rin siya ng mga ekstrang tauhan upang magsilbing waiters. Kahit na wala sa usapan ang alak, nag-provide din siya. Anupa't pati an