Share

The Impatient Husband - Chapter 7

The Impatient Husband - Chapter 7

"You shut up, Vina!  Pati ba naman dito, nakabuntot ka sa anino ni Mama?"  angil ng lalaki sa babaeng may maanghang na pananalita.  "Gusto ko nang manahimik.  Puwede bang lubayan mo na ako?"

Namula sa pagkapahiya ang babaeng tinawag na Vina.  Ngunit nanlilisik naman sa galit ang mga mata nito.  "Sinabi ko na sa iyo na akin ka lang, Rafael.  Hindi ka mapapakinabangan ng iba, kahit na anong gawin mo,"  panunuya nito, habang nakatawa nang nakakaloko.

Kumuyom ang mga palad ng lalaki.  Nakita ni Eliza na tinitimpi nito nang husto ang nagpupumiglas na poot.  "Mama, ilabas n'yo dito ang babaeng iyan.  Baka kung ano pa ang magawa ko sa kanya!"

Bumalasik din ang anyo ng matandang babae.  "At bakit si Vina ang pinalalabas mo?  Siya ang mas may karapatan sa iyo.  Asawa mo siya!"  Pinanlisikan nito si Eliza.  "Ang babaeng kasama mo rito ay isang kerida la

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status