Share

The Ardent Husband - Chapter 3

The Ardent Husband - Chapter 3

"HI!" bati ng isang tinig-lalaki mula sa likuran ni Honey.

Nagitla ang dalaga at papitlag na luminga sa direksiyong pinagmulan ng boses. Isang matangkad na lalaking naka-dinner suit at naka-pomada ang buhok ang nakangiting nakatingin sa kanya.

"Hindi ko alam na may kapatid pala si Honey," patuloy nito. "Ako nga pala si Jerry Rosales. Isa sa mga kaibigan ni Robert," pagpapakilala nito sa sarili.

"G-good evening," wika niya, sabay ngiti ng matipid. "Er, hindi ako kapatid ni Miss Mendrez," dugtong niya.

Halatang hindi makapaniwala ang kaharap. Sinipat nito nang mataman ang mukha niya.

"Really?" sambit nito kapagkuwan. "Pero sa biglang tingin ay halos magkakambal kayo, Miss--May I know your name, please?"

Muli siyang ngumiti ng matipid. Gasgas na ang istilo at paraan ng pakikipagkilala ng lalaki. Ilang ulit na niyang narinig ang ganito nung nag-aaral at nagtatr

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status