Share

The Ardent Husband - Chapter 6

The Ardent Husband - Chapter 6

Hindi na nakauwi si Honey ng gabing iyon. Halos magdamag silang nagniniig ni Robert. Makakatulog sila sandali. At magigising na nagsisimula na naman ang isang maalab na pagtatalik.

Tila walang pagkatighaw ang uhaw ni Robert.

At tila wala ring pagkasawa sa pagiging martir si Honey.

Kahit na palaging ang pangalan ng ibang babae ang numunulas sa bibig ng mangingibig, patuloy lang siya sa pagbibigay.

Paano'y sa gayong paraan lamang siya makakaamot ng ligaya.

Nang sumikat ang araw sa silangan, nakadilat na siya pero wala pa ring tinag sa pagkakahiga. Ayaw niyang maistorbo ang lalaking natutulog habang nakayakap sa kanya.

'Paano si Honey?' Iyon ang tanong niya kay Robert kagabi.

'Malalaman mo ang sagot kapag bumalik siya.' Matalinhaga ang sagot ng lalaki.

Ngayong tapos na ang mga hibang na sandali ng pagnanasa, inaasahan ni Honey na manunumbalik na

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status