Share

The Ardent Husband - Chapter 4

The Ardent Husband - Chapter 4

Hindi na nawawaan ni Honey kung paano natapos ang gabing iyon. Ngunit ang kirot at hapdi sa kanyang dibdib ay nanatili nang matagal. Sinugatan at pinilatan ang kanyang puso.

Natagalan niya ang sakit ng pagkabigo. Nabubuhay siya sa bawat araw na nagdaraan lamang. Nawalan siya ng interes tumingin sa kinabukasan.

Hanggang isang buwan na pala ang nakalipas.

Unti-unti na sanang bumabalik ang sarili niya sa normal, kung hindi siya nakabasa ng artikulo sa isang ligaw na magasin. Tuloy, muling umantak ang sakit sa kanyang dibdib.

Nagbabasa-basa siya noon upang malibang nang mahagip ng mga mata ang titulong: 'Star Model Leaves Rich Beau for Paris'.

Si Honey Mendrez ang tinutukoy. Diumano, umalis ito kamakailan upang magtrabaho sa Paris, France.

"Love can wait but my career won't," pahayag ni Honey sa interview. "My fiancee is very understanding. That's why I fell in

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status