"Paano mo nalamang andito ako?" Tanong ko kay Diego. Andito na kami sa tabi ng kalsada. Pareho kaming nakaupo dito matapos ang muntik na disgrasya. Nagawa pang tumigil ng sasakyan na muntik na sumagasa sa akin. Lumabas doon ang isang lalaking may edad na, mukhang businessman, pero halatang hindi siya iyong klase ng tao na iiwan lang sa ere ang biktima. He is not the kind of man na may bokabularyong hit and run. He worriedly asked us kung okay lang ba kami at wala bang nasaktan sa amin.
"Okay lang po, kuya." Sagot ko dito. He let out a sigh of relief and apologized na para bang siya ang may kasalanan.
"You don't have to apologize. Ang importante, okay na si Rora." Diego said and tapped my back. I looked at him who's beside me and smiled.
"Thank you for saving my life, Diego."
"I can't bear losing you, you know. I must save you. Even if it includes risking my own life." He smiled genuinely. Ang bait-bait ni Diego, no traces of impure expressions on his face
Tahimik lang kaming nakaupo dito sa mesa. Katabi ko si Diego at kaharap namin si Art. We're in a long rectangle table kaya naman maraming mga upuan dito na walang taong nag-o-occupy. Wala ring mga maids dito. Malamang ay sina Art at Sebastian lang ang nakatira dito."Kumain na kayo." Si Sebastian ang nagluto para sa amin. I never thought na magaling pala siya sa gawain sa kusina. He placed the dishes on the table. Marami rin ang naluto niya. Mukhang mga pangmayaman pa at hindi pamilyar sa akin. Matapos niyang ilagay lahat ay pumwesto siya sa tabi ni Art.Ni minsan ay hindi ko sinusulyapan si Art dahil pakiramdam ko ay kanina pa niya ako tinitingnan. Nakakaramdam ako ng pagkailang pero pinipilit ko ang sarili kong balewalain siya."Rora, kain ka na." Nginitian ko si Diego nang lagyan niya ng kanin ang plato ko. He smiled back."Why the hell are you there?" Biglang nagsalita si Art. I gulped. I felt the coldness of his voice. Mukhang nagdadalawang-isip tulo
Hindi ako makatulog. I've been staring at the ceiling for how many hours as I lay down on the bed. Nakapatay ang ilaw sa kwarto. I only hear the sound of the clock and the noises of insects that just appear only at night. Hindi ko rin naririnig ang tatlo sa kabilang kwarto. Maybe because the wall is heavily thick for the noise to pass through.I heaved a sigh and stood up. Parang gusto ko tuloy uminom ng tubig. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina. May naririnig akong boses galing doon kaya nagdahan-dahan ako sa paglalakad. May magnanakaw kaya dito? Imposibleng may papasok na magnanakaw dito. Hindi kaya—My eyes widened when I remembered I left Glutton alone in the house. Naaalala ko kasi siya kapag may naririnig akong mga ingay sa kusina. Kailangan ko siyang kunin bukas!"Sino ang andyan?" Tanong ko. Nakapatay lahat ng ilaw dito sa mansyon kaya naman ay madilim talaga dito. Hindi naman masyadong madilim dahil may liwanag rin naman kahit kaunti galin
"Saan ka pupunta?" Tanong ni Art nang maglakad ako palabas. Nasa dining table sila at naghihintay sa niluluto ni Sebastian para sa almusal. Si Diego naman ay nasa sala at nakaupo sa couch habang naka-tsaa. Kasama ni Art sa mesa ay sina Felicity at Dustin. Hindi ko alam kung saan natulog ang dalawang iyan dahil no'ng makita kong niyakap ng babae si Art kagabi, bumalik na agad ako sa kwarto at naglock ng pinto. Naba-badtrip ako sa hindi maipaliwanag na dahilan."Kukunin ko si Glutton sa bahay—"Nanlalaki ang mga mata ko nang makarinig ako ng nagmeow na pusa. Hinanap ko iyon pero wala akong nakita. Nasaan na iyon? Ako lang ba ang nakarinig o talagang may pusa dito?"Anong ginagawa mo?" Tanong ni Art pero hindi ko siya sinagot. Hinanap ko talaga ang pusa. I looked under the chairs, tables, the floor, everywhere. Hindi kaya patay na si Glutton at minumulto na niya ako? Char lang."May narinig ba kayong pu
"Nasaan na kaya si Diego? Bakit hindi na siya bumalik?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatanaw sa labas, hinihintay ang pagdating ng sasakyan ni Diego. Andito ako sa terrace. It's cold tonight and I can't help but hug myself. Nasaan na kaya ang lalaking iyon? Ang sabi niya, babalikan niya ako dito."Ror?" I turned around to face Art who's at the door. He's rubbing his eyes, clearly someone who just woke up from his sleep. They're drunk at nakatulog sila. Ngayon lang sila nagising, I can't believe it! Naabutan pa talaga sila ng gabi? Ni hindi nga sila kumain ng tanghalian. I tried to wake them up pero napakahimbing ng tulog nila."Naghanda na ako ng hapunan plus pananghalian." Sabi ko rito."Thank you, but I'm not hungry." Naglakad siya palapit sa akin. Napatingin siya sa itaas, sa langit. Ginaya ko na lang din siya. It's a beautiful night. Ang daming mga bituin na nagkikislapan. I even saw an unknown thing that glows red and blue. Is it an airplane? I don't kno
Kasama ko na siya ngayon, abot-kamay ko na. Pero hindi ko masabi sa kanya ang dapat kong sabihin. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya. Will he despise me? But why would he? Sasabihin ko lang naman sa kanya ang totoo.Nasabi ko na sa kanya kagabi ang pagiging kuya niya. Pero parang nakalimutan na ata niya dahil ngayon, umaasta na siyang boyfriend ko. Medyo masaya rin naman ako dahil hindi ko pala siya kadugo, kaya talagang pwedeng maging kami. Hindi ko alam kung magpapasalamat ba ako dahil dito o magiging malungkot dahil sa katotohanang ampon lang pala ako nina nanay at tatay na talaga namang nagpalaki sa akin."Ror?" Art snapped his fingers to bring me back to reality. I heaved a sigh and decided to help. Nasa park kami ngayon dahil naisipan nilang lumabas kami. They decided that we should have a picnic dahil boring daw doon sa mansyon. Nag-aalala rin ako dahil baka bumalik si Diego doon at hanapin kami. Pero bahala na nga. Baka hihintayin niya lang kami doon.
I woke up with a headache. Napamasahe na lang ako ng sentido ko habang nakapikit pa rin ang sariling mga mata. Bumangon ako mula sa pagkakahiga. Ano bang nangyari sa akin? Ang pagkakaalam ko...Napadilat ako ng mga mata sabay libot ng paningin sa paligid. Where am I? Bakit nasa ibang lugar na naman ako? Kanino ito?I heard a knock on the door kaya napunta ang tingin ko doon. Hindi ako nagsalita dahil hinihintay ko munang ang kakatok mismo ang magsasalita.Binuksan nito ang pinto kaya mabilis akong bumalik sa pagkakahiga at ipinikit pa ang sariling mga mata. Nagpapanggap akong tulog.I heard the person's footsteps going to my direction. Akala ko gigisingin niya ako pero parang nakatayo lang siya dito. Hindi ko alam kung ako ba ang tinitingnan nito. But seconds have passed, ngunit parang walang balak na umalis ang tao. Nakapikit pa rin ako kaya hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya. Hindi kaya pinagnanasa
"Kumain ka na, Rora. Nagluto ako para sa 'yo." Diego handed me something. Nakatulala lang kasi akong nakatingin sa plato kong walang laman. Hindi pa rin nawawala ang takot at kaba ko dahil sa nangyari kanina. Maraming tumatakbo sa isip ko. Paano kung nakita ako ng dad ni Diego? Ano na kayang nangyari sa akin ngayon? Ano ba kasing kailangan nito sa akin? Bakit gano'n na lang ang galit nito sa pamilya namin?"Rora. Kumain ka na, please."Dahan-dahan kong tiningnan si Diego. Nag-aalala itong nakatingin sa akin. I tried to smile."Ang bait mo talaga sa akin, Diego. Paano ko kaya masusuklian ang kabutihan mo sa akin?" Walang gana kong sabi dito.Nabigla ako nang hawakan niya ang kamay kong nakapatong sa mesa. He gently held it habang hindi pa rin nawawala ang tingin niya sa mga mata ko."I just want you to give me a chance, Rora. Give me a chance to love you."Dahan-dahan kong inalis ang kamay ko mula sa mesa dahilan para mabitawan niya iyon. Nap
"Nasaan na tayo?" Tanong ko rito. Hindi ko na talaga alam kung nasaan na kami. Hindi ko naman kasi kabisado ang lugar dito. Hindi pa ako nakapagtravel around Philippines. Maging sa lungsod namin, may mga hindi pa ako kabisado."Hindi ko alam kung kailan ako mawawala sa mundong ito. So I will treasure each moment. Susulitin natin ang araw ngayon." Nakangiti niyang sabi pero hindi niya inaalis ang tingin sa daan. I can't help but stare at him. Anong sinasabi niya? Bakit parang may gusto siyang iparating sa akin? Parang nagpapaalam na siya sa akin.Napaiwas ako ng tingin at itinuon ang atensyon sa labas ng bintana. Hindi ko kakayaning pati si Diego ay mawawala sa akin. I already lost my parents, my kuya, si Justin, pati ba naman siya?Tumigil kami sa harap ng isang malaki at mataas na building. Napatitig na lang ako sa pagkalaki-laking building na ito. Bakit ba ang sosyal ng mga taong ito? Dahil sa kanila, nakakapunta ako sa