“Sa ngayon maayos naman ang lagay ng issue, medyo tumatahimik dahil alam nila na yung heir ng kumpanya ay handa na mag-settle.” Nakinig lang kami sa usapan ng matatanda.Nandito rin si Azi na tahimik at hindi umiimik, hanggang sa maya-maya ay nag-aya si Zian na humiwalay muna kami sa matatanda.Pinabayaan naman kami kaya pumunta kami sa separate table for light drinks. “So how’s my sister as a girlfriend?” Tanong ni Zian kay Yeon.“Not bad, she’s just irritating.” Sinulyapan pa ako ni Yeon kaya umirap ako.“Four-eyed, malabo parang mata niya.” Asar ko.Natawa si Azi at Zian, “Oh, four-eyed.” Bulong ni Azi.“Shut the fuck up, Azi.” Malutong na sabi ng malalim niyang boses, ngumisi ako at pinandilatan siya ng mata.“If I am four-eyed, you are fish-eyed.” Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.“Anong fish-eyed?!” “Laki mata.” Ngumuso ako at pinagkrus ang braso ko.“Sama ng ugali mo, kaya wala kang girlfriend eh.” Asar ko.“Ano tawag mo sa’yo? Boyfriend? Well, not gonna lie. You look like a
Sinarado ko ang pinto at sinulyapan yung pusa ngunit tulog na siya kaagad sa sofa ko. Na-check ko naman yung phone ko.From Yuniko: Date tayo sa labas, Tagaytay if you want? I’m on my way to your condo.Nagreply naman ako kaagad sa kaniya, baka may sakit rin yung pusa kaya hindi niya maiwan? I mean si Yeon.To Yuniko: I don’t think I can go out tonight, pwede bang sa condo ko na lang tayo? I’m tired rin.Hindi na siya nag-reply after no’n baka nag-drive na, kumuha ako ng water sa dispenser tsaka ko inilagay sa gilid.Inabot ko rin ang dala ni Yeon na isang tupperware ng wet cat food tsaka ko inilagay sa tabi ng tubig tapos ay naglagay ako ng throw pillow sa pagitan namin ng pusa tsaka ako naupo sa kabilang dulo ng sofa.Sumandal ako at pumikit sandali, maya-maya ay nagising ako sa bell sa pinto kaya tumayo ako nang inaantok at binuksan ‘yon.“Uhm hi?” Napatitig ako kay Yuno.“Sorry, nakaidlip ako. Pasok.” Anyaya ko, nang makita niya ang pusa ay tumikhim siya at maingat na ibina
“Aksidente dahil sa katangahan! Hindi kayo nag-iisip! Hindi kayo nag-iingat! Wala kayong silbe dalawa!” Hindi umimik si Yeon at nakayuko lang. “Yung kumpanya natin pag bumaba ulit tayo itatakwil ko ang buong pamilya niyo!” sigaw ng lolo nila. “What the hell?” Napatitig ako kay Yeon nang sumeryoso ang buong mukha niya. “He’s on the verge of death yet company is still your priority?” sumbat ni Yeon, nakakuyom ang kamao niya at kung hindi niya siguro lolo ‘to ay sinapak niya na. “Lolo, apo mo si Azi! Bakit hindi man lang kayo mag-alala even just a little bit!” galit na sabi ni Yeon. “Dahil wala naman kayong silbe sa aking dalawa!” balik sigaw ng lolo ni Yeon. “We’ve been doing our best to protect this family, lo. We’ve been following your orders for years! Mula nang mamulat kami sa mundong ito ikaw lang ang sinusunod namin!” sumbat ni Yeon at tila maluluha na ang mata. Bigla ay naawa ako sa kaniya. “Hindi na magbabago pa ang tingin ko sa’yo, kung kaya’t ayusin mo kung gu
Pagkarating namin sa lugar ni Yeon ay tahimik lang talaga siyang nakaupo. Hindi umiimik, hindi rin siya humahawak ng kahit ano. Tanging deretso lamang ang tingin sa kapatid na walang malay, “Bro.” Naupo si Yuno sa tabi niya at inakabayan agad si Yeon. “Hmm, you’re both here,” walang ganang sabi niya, kaya naman inabot ko sa kaniya yung gamit niya. “Ligo ka muna, babantayan namin si Azi.” “Thank you, I’ll be fast.” He unbuttoned his silver silk sleepwear and grabbed the paper bag in my hand. Hinayaan naman namin siya, napahikab ako sa antok na nararamdaman dahil siguro sa masama ang pakiramdam ko kaya ganito. Pagkatapos ni Yeon ay halos 10 minutes lang siya naligo, buti at comfortable ang napili kong pamalit niya. It's cotton black trousers and a white plain tee, oversized pa. May jacket at hoodie rin akong dinala. Tapos simpleng slides in slipper niya. May towel rin and extra undies. Sobrang awkward na kinailangan kong hawakan ang mga ‘yon ngunit dahil sobran
“Siguro tulad mo mabuting lalake rin yung minahal ng mommy mo.” Nakangiting sabi ni Yuno. “Sabi ni daddy attorney raw eh, lawyer.” Sagot ko. “Oh, lawyer? Parang yung daddy ni Amora?” Tanong ni Yuno, isa ring chismoso. “Oo, pero magkapatid si Tito Kent at mommy ko eh.” Dagdag ko pa. “Sabagay.” Nagkwentuhan lang kami nang nagkwentuhan hanggang sa mapagod kami at makaramdam ako ng antok. “Uuwi na ako, Sierah. Sleep ka na.” Nang tangayin niya ako sa kwarto ko ay ngumuso ako. “Goodnight.” Malambing niyang sabi matapos akong kumutan, hindi lang. Hinalikan niya pa ako sa pisngi kaya napangiti ako at nagtalukbong ng kumot sa kilig. He chuckled. “Take care!” Pahabol na sabi ko. A week later.. Gising na si Azi at makakapunta rin siya sa family gathering, kinuha naman na ni Yeon ang kaniyang pusa sa akin. Pinadalhan ako ng mommy ko ng dress na susuotin ko, at ‘yon ang suot ko ngayon. Sa venue ay namangha ako dahil sa mahal na chandelier ang nasa gitna, nakita ko kaagad s
“Si Mr. Villamos pala ang boyfriend mo, Ms. Garcia.” Ngumiti ako at tumango. “Yes, he is.” “Congrats ate,” malambing na sabi ni Jami kaya ngumiti ako sa kaniya. “Naks,” bulong ni Zian. Nang sulyapan ko si Yuno ay bahagya lang na nakakunot ang noo niya, matapos niya i-deny? Hindi ko siya maintindihan, he gave me the right to own him pero why is he denying it now? Pinagmumukha niya akong tanga.. Naging tahimik ako dahil sa naging sagot ni Yuno, nasa gilid lang ako at tahimik na umiinom ng wine. Maya-maya ay pinili ko muna magpahangin dahil nahihilo na ako. Nang tumulala ay nasapo ko ang mukha at napahilamos, hindi ko na rin alam. Hindi ko maintindahan kung bakit niya ako ginawang girlfriend niya. “That’s your boyfriend huh? He denied that he’s taken.” I heard Yeon’s sarcastic voice behind me. “I told you, you’re digging up your own grave.” His deep voice made me feel irritated yet I didn’t complain. He’s right anyway. I’m really stupid. “He can’t lose you both
“Si Yeon na, bumalik ka na lang sa loob at bantayan yung kung sino man.” Sarkastiko man ang tinig ko ngunit ang katotohanan ay nasasaktan ako. “Sie, ako na.” Mahinahon niyang sabi at pilit na hinahawakan ang kamay ko ngunit iniiwas ko ‘yon. “C’mon, don’t act like you wanted to do this. Si Yeon na, at least Yeon is honest that he doesn’t like me.” Pabulong na sabi ko. “I’d like that better, rather than someone pretending to like me.” Bumuntong hininga si Yuno at nasapo ang noo. “That’s why I’m going to take you home so we can talk privately.” Yuno said, Napatingin ako kay Yeon. “I guess that’s better for both of you, Sie. You can go with him,” Yeon decided to say that despite knowing what I feel right now. “C’mon Sie, talk to him. Pag malabo you can come to me,” Yeon smiled and made me gulp. “Okay.” I nodded and obeyed him instantly. Nang makasakay sa sasakyan ni Yuno ay nag-suot ako ng belt at tahimik lang na hinintay umandar ang sasakyan. “Ano?” Panimula ko. “Why
A week later, nag-focus ako sa studies ko. Hindi ko siya tinawagan o ginulo, inaral ko lahat ng notes ni Yeon na binigay niya na sa akin. Pagkatapos ng klase ko ay lumabas na ako ng room pero halos bumalik ako sa loob ng room sa sahig sa malakas na tulak ni Riley na hindi ko inaasahan. Umawang ang labi ko sa sakit ng pagtama ng pwet ko sa sahig, “What the hell is your problem?” Galit na sabi ko. “Ikaw, ano pa ba?” Kumuyom ang kamao ko at tumayo sa sarili kong paa. Wala kasi ang mga kaibigan ko rito. “Naiinis ka ba sa akin dahil nalalamangan na kita sa score sheet?” Asar ko lalo sa kaniya. Gigil na gigil niya akong tinignan, “Maybe you’re making Yeon Villamos answer your school papers!” Umawang ang labi ko at natawa. “Bakit ko gagawin ‘yon?” Sumbat ko. “At first Riley, baka nakakalimutan mong ako ang nanguna sa klase noon?” Mariing sumbat ko sa kaniya upang maalala niya na parati ko siyang nasa ibaba noon. “Noon na ‘yon—“ “Ano ngayon?” Balik tanong ko, mainit ang ulo