“Bakit ang daming seats tapos two lang tayo?” I asked.“I rented this just for the two of us.” Ngumiwi ako at kinakabahan na sumulyap sa baba at halos mapapikit ako because we’re ten feet higher and hindi lang nasa mabundok na nga kami tapos may itataas pa.Well the view is fantastic, city lights, tall building sa ibaba that’s great and new for me.Pinanood namin yung chef magluto, nang tumunog yung cellphone ko ay awtomatiko kaming napatingin doon kaya tinignan ko.Nagtaka ako nang mag-message si Yeon sa akin.From Four-Eyed: Have you told him already? My warning?“What about his warning? From me?” Kunot noo na tanong ni Yuno kaya tumikhim ako.“Wala, kalokohan niya lang ‘yan.” I chuckled.“Seriously? Ano nga?” Yuniko stated it so serious kaya nangunot ang noo ko, huminga ako ng malalim.“He’s just joking, don’t take it seriously.” Medyo kinakabahan ako, why tho? Will he be jealous? I don’t think so.That’s not how he is.Jealous my ass.He’s not the jealous type naman, so how wou
Matapos ko mag-palit ay lumabas na ako, “Samahan mo ‘ko mag-grocery. Kailangan ko ng taga-buhat.” Umawang ang labi niya sa sinabi ko.“Sa mukha ko na ‘to? Taga buhat?” Ngumiwi ako sa reklamo niya.“Ah oo nga pala payatot ka at walang muscles unlike Yeon—““What the fuck, Sierah?” Sumeryoso ang mukha niya kasabay ng pagsalubong ng kilay at deretsong lapat ng labi niyang mamula mula pa.“Oo, okay lang—““Bubuhatin ko naman, tinawag mo lang akong taga-buhat tsk.” Naging tunog nagtatampo ‘yon kaya hindi ako makapaniwalang natawa pero hindi na nagbago ang hitsura niya.“Tara na.” Masungit niyang sabi at parang bakla akong inirapan, ginagaya niya ba ako?Sumakay kami sa sasakyan niya at nag-drive siya sa pinakamalapit na grocery store na hindi na sa loob ng mall, nang kumuha siya ng push cart ay ngumisi akong pinanonood siya.Hindi umiimik ‘to kanina pa, baka nagtatampo? Habang umiikot kami sa loob ay natigilan ako at nagulat sa biglaang pagtakip ng mata ko.“What the—“ Kinapa ko ang kamay
“Sobra naman yung lolo no’n, sukdulan ng pagiging makasarili.” Ngumuso ako sa sinabi ni Yuno tsaka ko siya tinignan, “Sinabi mo pa.” Pagkarating sa condo ko ay inayos niya ang groceries kaya dumeretso ako sa kwarto ko at kumuha ng damit upang makapag-shower at makapagpalit ng damit. Hinayaan ko si Yuno na ayusin ang gusto niya ayusin, matapos ay nakita ko na siyang nakahilata sa sofa ko. “Sana mahanap na si Kuya Laze.” Wika ko. “Mahahanap rin ‘yon, maraming buhay ‘yon eh.” He joked. Nanood muna kami ng kung anong movie hanggang sa sumakit yung puson ko ay napanguso ako. “Masakit ba?” Tanong niya bigla, “Medyo.” Pagsagot ko. “C’mon, rest ka na sa room mo.” Nang tumayo siya at ilahad ang kamay ay mahina akong natawa at tinanggap ‘yon. Nang nasa kwarto ko na ay kinumutan niya pa ako, niyakap ko ang unan tsaka ko siya tinitigan. Minamasdan niya ang mukha ko bago siya ngumiti, “Good night.” Yumuko siya at hinalikan ako sa noo. “Good night.” That routine repeated, parati
“Anong idadahilan mo sa akin ngayon?” Sarkastikong kwestyon ko sa kaniya. Bahid ang pag-aalala sa kaniyang mukha, “Yung yakap mauunawaan kong kailangan sa ganitong sitwasyon, pero yung halik?!” Napayuko siya at napaghawak ang kamay. “Did that kiss make her tears stop? Huh?!” I raised my voice as I’m having a hard time breathing. “Sorry S-Sierah, hindi ko alam, nabigla lang ako—“ Malakas ko siyang sinampal dahilan para mas mabigla siya, “Nabigla ka rin ‘di ba? Hindi ka naman nanghalik?” Sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Binalot ako ng kalungkutan at sakit, “Sorry.” Pabulong niyang sabi. “Sorry lang?! Bakit ‘yang sorry mo walang katapusan? A-Akala ko ayos na eh, akala ko ako na yung gusto mo. P-Pero bakit?” Sabi ko habang tumutulo ang luha. “Bakit mo naman kailangang paasahin pa ako ulit para saktan lang ulit? Kung wala talagang tyansa na gustuhin mo ‘ko sana hinayaan mo na lang ako!” Galit na sigaw ko. “Sana— s-sana pinabayaan mo na lang ako at hindi mo na sina
Nang madalhan namin sila ng coffee and food ay tahimik lang ako, nakatulala sa kung saan. Hanggang sa wala ako sa sarili na naglakad ay bigla akong may nakabangga at natapon ang mainit na kapeng hawak niya sa damit ko. Mainit ‘yon kaya medyo na-angat ko kaunti yung shirt ko palayo sa balat ko, “Careful, Sie.” Natigilan ako nang lumapit si Yeon ngunit mas nagtaka ako ng lumapit si Yuno. “Nasinit ka?” Tanong ni Yuno at halos iiwas ko ang sarili noong hawakan niya ako. Kunot noo ko siyang tinitigan, “Huwag mo akong hawakan.” “Magbibihis lang ako,” Paalam ko kay Yeon na nakahawak sa balikat ko tsaka ko iniwan ang dalawa. Kagat labi kong pinigilan ang sarili sa pagtangis dahil sa simpleng ganoon ni Yuno ay nasasaktan ako. Kung kailan mas napamahal ako sa kaniya tsaka gugustuhin kong sumuko dahil sa isang paghalik niya kay Jami. Akala ko kasi ako na lang, pero pag kaharap niya si Jami hindi pa rin pala niya kayang hindi gawin ang mga bagay na ‘yon. Matapos magbihis ay bumaba
“Okay. Sama ka sa office? May kukunin lang ako.” Anyaya niya kaya tumango ako habang kumakain ng ice cream habang naglalakad. “Kumusta kayo ng lolo mo? Cruel pa rin ba siya sa’yo? Gusto mo ba laitin natin? Joke.” Bawi ko agad, sumeryoso kasi mukha niya. “Let him realize everything he did wrong.” Matipid niyang sabi, sumakay na kami sa sasakyan niya habang kumakain ako ng ice cream. Kaka-kain ko ay hindi ko namalayan na nakalimutan ko mag-seatbelt dahilan para siya ang mag-lagay no’n kaya halos bumaon ang likod ng ulo ko sa sinasandalan. Pagkarating sa office niya ay naubos ko na yung ice cream, “Watch me, so you’ll get used to this soon.” He reminded me and I walked beside him. Nang salubungin ang malakas na hangin ng aircon ay naamoy ko rin si Yeon dahil nasa harapan ko siya. Bango. Pagkarating sa office niya ay naupo ako sa gilid, may ilan lang siyang pinirmahan at may kinausap rin siya na employee niya. “Do you have plans today?” Biglang tanong niya habang tutok sa
Nagmumukha na naman akong kaawa awa. “You’re still my girlfriend Sierah, please? I’ll make it right—“ “I’m breaking up with you, Yuniko. Tama na.” Naestatwa siya nang sabihin ko ‘yon habang nakatingin sa kaniya. “S-Sierah.” “Yuno, this is enough for the both of us. H-Habang buo pa tayong dalawa, h-habang mahal na mahal pa kita. Itigil na natin.” Sobrang hirap para sa akin na sabihin ang mga ‘yon dahilan para masapo ko ang mukha nang umiyak ako ng sobra. Ang sakit sakit. “Sierah.” Sa muling pagtawag niya sa akin ang pinakamasakit dahil nakita kong lumuha na rin siya. “Yuno, let’s just end this.” Napayuko siya at nasapo ang mukha niya gamit ang isang palad niya. Sumisikip ang dibdib ko dahil sa nahihirapan ako makahinga kakaiyak. “C-Can I not agree?” He asked, tearing up. “No, Yuno. Let’s end this relationship. You don’t love nor like me, and there’s no reason for me to hold on.” I tried to stifle my sobbing but I’m having a hard time. “S-Sierah.” “Please Yuno, p-pag
Itinago ko ang sulat na ‘yon, maya-maya ay may nag-bell sa condo ko kung kaya’t lumapit ako doon para buksan. “Hangout?” Napatigil ako nang nasa harapan ko si Yeon na may dalang plastic bag at isang paper bag na itinaas niya pa. “Pasok.” Anyaya ko, parati namang nandito si Yeon. Siya lang yata yung dahilan kung bakit ako kumakain three times a day. Parati siyang may dalang pagkain, baka nga ay tumaba na ako. “Dapat nagdala ka ng alak.” Reklamo ko. Sumeryoso ang mukha niya kaya naitikom ko ang bibig. “Wine.” Turo niya. “Ah, wine.” Bulong kong sabi. Pinanood ko siyang alisin ang salamin niya at isabit sa shirt niya sa dibdib, “Masakit na ba mata mo?” I asked, I was curious if his eyes hurt whenever he removes them. “Kind of.” Ngumuso ako ngunit tumigil siya sa pag-galaw at tsaka niya ako tinignan, “Tsk you cried again?” Ngumuso ako at iniiwas ang tingin ko. Namumugto ba mata ko? “Oh tara i-inom natin.” He opened the wine for me and gave me a glass, sobrang tahimik ko