Chapter 13 (11) His Sweet Wife
(Angie POV)
Nang maimulat ko ang aking mga mata… Sumalubong sa aking ilong ang pamiliar na amoy. Saka sa paningin ko ang Chandelier na matatagpuan lang sa silid nito na ibig sabihin… Napabalikwas bangon ako. Nasa silid ako ni Sayruz!
Andito nga ako.
“Good Morning Angie.” At parang nanaginip ako ng makita kong nakangiti siya. Ang mapuputi niyang ngipin, at ang mukha nitong parang lalong nahubog ang kagandahan dahil nga sa ngiti nito. Nanaginip na ako?
Naalala ko kagabi… na naghihintay nga akong maluto ni Sayruz ang niluluto niya, ngunit sa kakamasid ko sa kanya, parang nabusog na ako at komportable na nasa paligid siya upang makatulog na nga ako ng mahimbing. Bakit naging ganito yung takbo ng kwento… Di ko aakalain na pag-gising ko… May hawak siyang tray, ibig lang sabihin may pa-breakfast in bed.
Nanaginip lang ba talaga ako?
Chapter 13 (12) His Sweet Wife(Sasa POV)“Dra. William may naghahanap sa inyo sa labas.” Napatango naman ako sa kasamahan ko, at bago ako sumunod, tinapos ko na muna yung check-up ko sa isang batang babae. Sa mga isinulat ko sa papel, alam na ng team ko ang gagawin dito. Sa sobra akong nanabik na makita nga kung sino itong naghihintay sa akin sa may temporary lounge na ginawa dito sa lugar.Alam kong si Sayruz ang naghihintay sa akin.Ngunit nagulat ako kung sino ang naghihintay sa akin. Si Dr. Cabredo, Jr. “Anong kailangan mo? tapos na ba kayo sa mission niyo? Diba ikaw yung namumuno sa kabilang team?”Ngumiti lang ito sa akin. “Ang sabi, di kalayuan dito may lugar na pwedeng magpalipas ng oras. Hindi kalayuan dito, at exclusive member lang ang nakakapasok doon Dra. William. Ayaw mo ba?”“Hindi ko kailangan niyan sa ngayon. Gusto ko na tapusin ang Health Mission na ito.”
Chapter 14 Officially Madam Choi(Sasa POV)Nagmadali ako pabalik sa aking apartment. Mga mata ng mga kasamahan ko kaagad ako tinignan mula ulo hangang paa. Oo, luhaan ang aking mga mata dahil nga sa nangyari sa akin. Kailangan ko na umuwi para kay Sayruz. Aayusin ko ang lahat nang ito, at ipapaliwanag ko na naki-alam talaga sa pagitan namin si Grandma. Maiintindihan niya ako. Mas pipiliin niyang maniwala sa akin kaysa nga kay Grandma. Mahal niya ako, at narealize ko din sa nangyayari ngayon sa akin na mahal ko siya.Isa siyang malaking kawalan kung patuloy ko ngang hinahayaan na masaktan siya ng dahil sa career ko. Sa panahon ngayon, sa situation ko ngayon, hindi dapat ang career ang siyang maging priority kundi ang mga taong mahal natin.Kaagad akong pumasok sa aking silid. Kinuha sa drawer ang Visa ko, at ilang mahahalagang papelis sa pag-alis. Tumawag ako sa airport para i-reserved ako ng upuan. Nang bumukas ang pinto
Chapter 14 (2) Officially Madam Choi(Sayruz POV)Sa totoo lang naghintay ako sa pagbabalik ni Sasa sa buong araw pero wala namang balitang dumating o kusa man lang na pumunta dito sa Mansion. Pinagbawalan ko nga na magkaroon ng kuminikasyon ang mga tauhan sa pamamay-ari ng pamilyang Choi, ngunit sa huli kung nandito man nga si Sasa sa bansa, at kung gusto nito ako maka-usap willing din naman ako uli. Pero negative… Walang Sarah Williams ang umuwi ng bansa.Pinaglalaruan na lang ba talaga ni Sasa ang nararamdaman ko?“Aww.” At umangat ang paningin ko kay Angie na abala nga sa kakaburda. Hindi mapagsabihan, gusto talaga magpagod sa ginagawa niya. Naibaba ko ang papel na hawak ko, at kaagad naman nagsalubungan ang titig namin. Halatang ililihim pa niya na nasaktan siya ng karayom dahil ngumiti lang ito sa akin na para bang walang nangyari. Tss. Di mo ako madadala sa pagpapa-cute mo Angie.“Si
Chapter 14 (3) Officially Madam Choi(Angie POV)Di na nga napigilan ni Sayruz na maiyak. Napalingon na lamang ako sa kanya ng pumunta siya sa gilid at napatitig sa labas. Nakita ko yung bulaklak na nilapag ni Sayruz sa puntod ng mga magulang niya… Inayos ko ito, at yun lang naman ang magagawa ko.Sa kwento ni Sayruz, alam kong mahal na mahal ng mag-asawa ang bawat-isa. Nasasaktan lang si Sayruz dahil iniwan siya, pero hindi naman totoo na mag-isa siya. Naririyan si grandma… Na labis din Mangungulila kung nagkataon na… Napabuntong-hininga ako.Nahaligilap ko ang kandila… At mayroong posporo… Sinindihan ko ang kandila sa bawat puntod. Ipinikit ang aking mga mata para nga magdasal. Saka… di ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanila… Pero kailangan.‘Hello po. Di ko po alam kung bakit isinama ako ng anak niyo dito… Alam ko kasi, hindi po ako ang mahal
Chapter 14 (4) Officially Madam Choi(Angie POV)Agad naman naging casual ulit ang damit ko, at tinali ang aking buhok na nahirapan sila kanina na i-unat. Nang humarap ako kay Mr. Choi ulit… Nagulat ako kasi… “Casual ba yan?” Para siyang natataranta bigla. Kaya bumalik kami ulit sa closet. Naghanap sila ng mas ikaka-casual pa. Ngunit pagharap namin ulit…“Wag niyo ako hihintayin na ako mismo ang magbihis sa asawa ko.” Ibig lang sabihin hindi parin casual sa paningin niya ang suot ko. Muli kaming bumalik at meron nang kunot sa mga noo ng mga stylish. Challenge sa kanila kung ano ang gustong casual ang nais ni Mr. Choi.Hangang sa nakapagbihis ulit ako. Dahan-dahan na kaming pumunta sa kinalalagyan ni Mr. Choi at kanina pa nga siya nakapagpalit ng casual.“Tsk.” Yun lang ang reaction niya. Tumayo siya at iniwan sa may upuan ang binabasa nito. Lumapit s
Chapter 15 Angie’s Mistakenly Family Background(Catherine POV)“Sinasabi mo ba sa akin Sir Michael na comatose ngayon si Miss Sarah?!” Hindi ko mapigilan na mapalakas ngunit sinigurado ko naman na nag-iisa ako. Tumawag ako sa kanya kasi nga wala namang umuwing Sarah para nga tuluyang durugin ang mundo ng isang kagaya ni Angie na isang basura nga lang.“Oo.”“Sino ang may gawa niyan?”“Ako.” Na lalong ikinanlaki ng mga mata ko.“Baliw ka na ba?! Muntikan mo na siyang mapatay dahil sa ginawa mo.”“Hindi niya maari sa ngayon sabihin kay Sayruz ang tungkol sa mga sinabi ko sa kanya. Narealize ko na mali at hindi maganda ang taktikang ito. Dapat na makuha muna natin ang sympatya ng Chairwoman, hindi sympatya ni Sayruz.”“Anong ibig mong sabihin?”“Nadatnan lang naman ni Sayruz ang kanyang pinakaka
Chapter 15 Angie’s Mistakenly Family Background(Angie POV)Sa nangyari kagabi, malaki na ang ipapasalamat ko na nakatulog ako ng mahimbing kahit paano. Siguro dahil nga sa pregnancy hormones. Pero yung katabi ko, ewan ko kung nakakuha ng sapat na tulog. Kasi kagabi, bago ako nakatulog… parang mababaliw na si Mr. Choi… Palagi niyang tinatawag ang pangalan ko, hangang sa nakatulog na nga ako.Nang magmulat ako ng aking mga mata, napa-unat ngunit kontrolado kasi nakakahilo. At napalingon ako sa aking katabi, mahimbing pa itong natutulog. Lumapit ako sa kanya para ayusin yung kumot, at dahil wala namang pagkatao, hinalikan ko ito sa pisngi.“Good Morning Sayruz.” Ewan at parang namumula ang mukha ko.Dahan-dahan akong bumangon at lumapit sa walk-in closet. Napakalaki, at hinati nga sa dalawa… Yung kay Mr. Choi… at yung sa kanan naman yung akin. Kagaya ng dati, mga damit na
Chapter 15 (2) Angie’s Mistakenly Family Background(Catherine POV)“Ipinagluto tayo ni Mrs. Reblando, at natitiyak ko na masarap, kasi kanino pa ba magmamana si Angie?” Sinabi ng Chairwoman na parang nakaligtas ako sa talas ng titig na ibinibigay ni Dr. Senen sa akin. Parang alam niya na hindi maganda sa paningin ko ang kinikilalang Madam Choi sa pamamahay na ito.Naupo ito sa harapan ng mag-asawa, at bahagyang ngumiti lang si Angelica kay Dr. Senen habang si Master Sayruz, hindi pinansin ang pagsulpot nito. Imbes naging abala ito upang subuan bigla si Madam Choi… na parang masusuka ako sa nakikita ko. Ano to… Tsk.Sige lang, baka ikaw mismo Master Sayruz ang papatay sa sarili mong anak, kung yun tunay ngang dinadala nito ang anak mo. Mas mabuti ngang mawala na ng tuluyan rin ang basurang yan.Ngunit tinitigan lang ni Angelica ang pagkain na isusubo sa kanya ni Master Sayruz. &ldquo