Chapter 15 (3) Angie’s Mistakenly Family Background
(Angie POV)
Nang magising ako, umiikot ang aking paligid kaya ipinikit ko ang aking mga mata ulit. Ayokong magsuka… Ayokong makaramdam ng ganito, para na din sa maayos at malusog ko ngang pagbubuntis. Anong nangyari at nakakaramdam ako ng panghihina? Hindi ito maari.
Kaya ng muli kong umulat ang aking mga mata… ang hilo nilabanan ko. Kikilos na sana ako ng biglang pinigilan ang kamay ko.
Si Dr. Senen…
“Kailangan mo munang magpahinga. Hindi maganda kung pipilitin mo ang iyong sarili.” Napatango ako sa kanya.
“Anong nangyari?” Bago ako nito sagutin inalis nito ang paningin sa akin saka napabuntong-hininga.
“Muntikan ka nang malason.”
“Malason?” At napapikit ako dahil nga sa hilong nararamdaman ko. Hindi ito maganda, lalo na kung magmamatigas ako sa harapan ng isang doktor
Chapter 15 (4) Angie’s Mistakenly Family Background (Sayruz POV) “Ligtas na ang inyong asawa sa kapahamakan, Master Sayruz. Mamaya lang magkakaroon na siya ng malay. Mas makakabuti na ipaghanda niyo siya ng makakain at inumin.” Sinabi ng doktor bago nga lumabas sa silid. Nakahinga ako sa sinabi nito. Tinitigan ang mukha ng aking asawa at makikita sa kanyang palasingsingan ang singsing na isinuot ko sa kanya ng ikinasal kami. That ring is meant for her. Puso ko, hindi ko maintindihan kung bakit kinakabahan, at mabilis ngang tumitibok. Pakiramdam ko tuloy para akong magkakasakit sa puso nito. Kailangan ko ba magpatingin, Angie? Simula kasi ng dumating ka sa buhay ko, ganto ang dala mo sa akin. Kinakabahan. Inayos ko ang kumot niya. Napatitig sa noo nito, at bago nga ako lumisan sa harapan nito, hinalikan ko siya sa kanyang noo. Labis akong pinag-aalala ng babaing ‘to. Hindi ko aakalai
Chapter 15 (5) Angie’s Mistakenly Family Background Natagpuan ko si Miss Cath na umiiyak at kasama ang ilang kasamahan niya na parang kaibigan nito. Narinig kong nakarating na sa kanya ang balitang tatangalin nga siya ni Sayruz sa kanyang trabaho. Na ayokong mangyari. Lahat tayo merong pinagdadaanan. Lahat tayo may dahilan kung bakit ginagawa natin ang isang bagay, at yun ang nais kong marinig na dahilan ni Miss Cath. “Madam Choi.” Nakita ako ng isang babae… at napayuko ito sa akin, agad naman nagsilingunan ang grupo ni Miss Cath sa akin. “Ayan na yung babaing walang awa para mawalan ng trabaho si Catherine.” Na meron ngang pangungutya sa mga mata ng kasamahan ni Miss Cath. “Sa narinig mo magsusumbong ka kay Master Sayruz at Chairwoman? Edi mas mabuti nang mawalan kami ng trabaho, kesa kami ang nagiging apakan mo. Magsumbong ka na!” Gigil na sabi ng isa. Ngunit pinigilan siya ni Miss Cath. “Madam Choi, ngayon niyo ako makikitang nagka
Chapter 16 The Great Lost(Sayruz POV)“Eh, kailangan natin mas lalong i-double-check. Kasi baka may chemical iha na na-ihalo ka na hindi mo sinasadya.” Nagulat ako sa sinabi ni Grandma. Dahil ba nag paniniwala ni Grandma, ang katangahan ng ina ni Angie, na ang paghalo ng ibang sangkap upang magsanhi ng lason ang dahilan kung bakit nga nalason si Angie.“Grandma.” Hinawakan ni Angie ang kamay ko para pigilan ako.“Mas makakabuti nga po Grandma.” Pagpapakumbaba ni Angie. Ngunit sa tingin ko hindi maganda ang nangyayari sa paligid ko. Tinikman nga muna ng mga ilang katulong ang pinaghirapan ng asawa ko. Pati yung tsaa, hindi nakaligtas. Hangang sa naghintay nga kami ng ilang minuto, walang nangyari.Nakatitig lamang ako kay Grandma.“Kumain na tayo. Sa tingin ko, hindi naman nagkamali si Angie.”Kumain na lamang ako ng tahimik. Ngunit si Grandma hala
Chapter 16 (2) The Great Lost (Angie POV) Dahil sa nangyari, hindi nga napa-alis si Miss Cath at Dorothy, kundi inilipat sila sa pagiging general na katulong. May bagong P.A ako, pero sinusubukan ko na lamang na hindi masyado maging close dito. Dahil baka magaya siya sa dalawa. Naalala ko pa ang sinabi ni Miss Cath sa akin na mas mabuting malayo nga ang loob ng katulong sa isang kagaya ko. Saka tungkol nga sa nangyari, nakumpirma ko na talagang nakuha yung diamante sa bulsa ng kapatid ko at yung pinaglalagyan ng lason. Gusto ko man tumawag para tanungin kung bakit gagawin nila yun sa akin, ngunit iniisip ko si Mama. Alam ko naman kasi na wala kaming ugaling ganoon. Kaya lang may sakit si Papa. At nangako nga ako sa kanila na Ipapagamot ko si Papa, pero di ko alam kung saan ako kukuha ng pera. Nakakahiya naman na hingin ito ng tulong sa pamilyang Choi. Thankful nga ako na limot ni Mr. Choi ang kagustuhan ko sanang matulungan a
(Angie POV)May naghihintay sa akin sa labas para nga ihatid ako sa kinalalagyan ni Sayruz. Nang hinatid ako nito sa napakagarang restaurant sa loob ng gusali. Alam ko sa oras na ito marami ang kumakain ng kanilang hapunan… Sana maiwasan kong maging clumsy para iwas kuha ng pansin nang ilang tao sa loob. Hindi ako sanay na binibigyan nga ng attention. Sino naman ang may gusto? Lalo na hindi naman ako isang artista o performer man lang? Mas maganda parin namumuhay na mayroong privacy at simple lang.Nakita ko kaagad si Sayruz. Nakaupo siya, at parang kanina pa niya akong tinititigan. Agad siyang tumayo para lumapit sa akin. May ngiti sa labi nito. Ngiti na parang hindi ko naman sana deserve. Lalo na malakas na naman na kumakabog ang puso ko dahil sa nangyayaring ito. Inilahad niya ang kamay sa harapan ko ng makalapit siya. Waa naman akong magagawa kundi ibigay ang kamay ko dito. Hindi ko na lang talaga namalayan yung mga taong napalingon sa amin.
Chapter 16 (4) The Great Lost(Angie POV)Nagising ako na parang sapilitan ngang binubuksan ang pinto hinihigaan ko ngayon. Bumangon na ako para buksan ito, ngunit ng mabuksan ko, nagulat ako kasi… Mga tauhan dito sa penthouse at may mga kasamang tauhan na parang ang uniporme nila, tutulong sila sa pag-iimpake.“Pasensya na Madam. Kanina pa kasi kaming kumakatok. Hindi rin namin matawagan si Sir Sayruz. Andito kami para nga kunin sa kanya ang unit na ito. Nasaan po ba siya?” Gaya ng dati, hindi ko alam ang sasabihin ko ngunit… Bakit nila ito ginagawa? Halos malalim na ang gabi para gawin nila ito. Saka nasaan nga si Sayruz.“Ma-maupo muna kayo. A-ano…” Kung hindi nga nila makita sa labas si Sayruz, ibig sabihin umalis ito ng hindi ko namamalayan. Nakatulog kasi ako at nagiging antukin nitong mga nakalipas na araw. “Baka umalis po siya. Maari po bang hintayin na muna natin
Chapter 16 (5) The Great Lost(Sharmaine POV)Hindi naman ako nagtagal sa lunga ng pinagtataguan ng pamilya ko. Dahil alam kong kailangan ako ng husto ni Grandma. Ako lang ang masasandalan nito, sa panahon ngayon na labis siyang nalulungkot dahil nga ang apo niya mas pinili siyang talikuran. Magandang stratehiya kung ginagamit na nga ang emotion ng isang tao sa labanan na nangyayari. Panalo na ako Sayruz Choi. Panalong-panalo.Speaking, tumatawag sa akin si Grandma. Malungkot ang boses nito. Nastress dahil nga sa kagagawan ng maldito at spoiled niyang apo. Dapat lang Grandma na ako ang maging tagapamana mo. Alisin mo na sa listahan ang apo niyong wala naman talagang silbi/“Uuwi na ako Grandma. Tinapos ko lang kaagad yung naka-schedule na operasyon ngayon.”“Sige Iha. Pasensya na kung kailangan ko nga ang presenya mo. Abala din si Senen sa trabaho niya. Kailangan ko lang ng kahit sa isa sa inyo. S
Chapter 16 (6) The Great Lost(Sayruz POV)Kamutik nang saktan si Angie ng isa sa tauhan na magliligpit ng gamit namin kung hindi nga ako dumating. Si Senen naman ang umagaw ng pamalo dito, at kagaya ko na di din nagustuhan ang nadatnan pinalipad ni Senen kung saan ang pamalo. Nangyari itong kamuntikan ng masaktan si Angie, dahil pinaghinalaan ng asawa ko na kinuha nito ang aking relo. Tsk. Hindi importante ngayon ang mga material na bagay, ang importante sa akin ngayon, ang maging ligtas at maayos lang ang mag-ina ko.Sa nangyayari ngayon sa pagitan namin ni Grandma, heto bang ginawa kong pag-protesta sa kanya, ay mas lalong ginalit ko siya? Mali ba ako sa aking ginagawa para sa aking asawa?Grandma, totoong wala na akong nararamdaman kay Sarah. Di ko namalayan ang may-ari na pala ng puso ko ay ang babaing ito. Kaya mahirap na ipagpilitan niyo ako sa bagay na hindi ko naman panindigan.“Talaga bang sa oras n