Share

Chapter 219

NABAHALA ang kambal dahil sa sinabing iyon ni Vivian at nagsimula na silang hindi mapakali sa kanilang upuan.

“Mayroon kasing malaking utang ang pamilya Moon sa boss namin.” Tila pabulong na sabi ni Vivian sa kanila na tila nang chichismiss lamang at tumawa pa.

“Now, ang gusto namin ay kayo ang maging daan para makuha namin si Luna. Sa madaling salita tatraydorin niyo ang pamilya Moon, ganon lang kasimple at mabubuhay kayo.”

“And paano mo nasiguro na susunod kami sa’yo?” tanong ni Kate na ikinangisi naman ni Vivian na ikinatayo ng balahibo nila.

Mayroon itong pinindot sa kaniyang laptop at muling nag appear ang magulang nila sa screen katulad ng nakita nila bago sila sumuko.

“Mommy! Daddy!” sabay na tawag nila sa mga ito at nagsimula na silang magwala sa kanilang kinalalagyan ngunit hindi naman sila makaalis doon.

Natawa si Vivian sa kaniyang nakikita at tinignan ng tila nakaka-awa ang mga ito.

“Poor you guys. Kapag hindi niyo kami sinunod siguradong puputok ang ulo ng magulang niyo.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status