Share

Chapter 3

"Ma'am nandito na po tayo." Nabalik ako sa ulirat dahil sa pagtawag sa akin ng driver. Masyado kasi akong natulala sa reyalisasyon ng pinasok ko.

"Manong puwede pong iikot niyo sa parking area?"

"Sige po, Ma'am."

Bago kami makapasok sa parking ay hiningian muna kami ng ID o gate pass. Nang makita ko ang employees entrance ay nagpababa ako at itinanong sa guard kung nasaan ang service elevator, malapit lang din naman iyon sa employees entrance.

I used the card that Rafael gave me, para magamit ko ang elevator.

Fourteenth and fifteenth floor lang ang availble dito. His office was on fourteenth, his house was in the fifteenth floor. I already texted him on my way here kaya alam niya na paparating ako.

Nag-reply siya at sinabing dumiretso na daw ako sa fifteenth floor, hapon pa raw matatapos ang meeting niya.

Nang makarating ako sa fifteenth floor ay namangha ako, para akong nakarating sa isang bahay, akala ko ay penthouse lang ang mapupuntahan ko. His house was like the house that you can found in the exclusive subdivisions but it was on a rooftop of a building. Bungalow style.

"Feel at home."

Natigilan ako nung binasa ko mensahe na ipinadala niya sa cellphone ko. Dahan-dahan akong ngumiti at umiling. Pero nang mapagtanto na parang kinikilig ako ay sinaway ko na agad ng sarili ko, at baka saan pa makarating ang isip ko.

May parang garden na dadaanan papasok sa bahay niya. Open ang area, may synthetic bermuda grass para magmukhang landscaped. Damang-dama naman ang ihip ng hangin kahit tanghaling-tapat dahil nga nasa fifteenth floor ito. May maliit na pool sa harap ng bahay. Nilagpasan ko iyon at tumuloy sa mismong bahay.

I used my key to open the main door. Kung anong ganda ng labas ay hindi rin naman papatalo ang loob ng bahay.

Nilapag ko muna ang mga gamit ko sa couch na nakita ko.

Well furnished na living room ang unang bubungad sa pagpasok palang. White with an accent of black colored the place. May dalawang pasilyo.

Inuna kong lumiko sa kaliwang side. There was his kitchen and the dining area for two. Mayroon ring maliit na parang bar counter.

Kumpleto ang gamit dito, napaisip tuloy ako. Marunong kaya siya magluto? Ewan ko pero parang kinilig ako sa ideya na marunong siya magluto. Pero agad ko ring pinalis iyon sa isip ko nang maalala kung anong relasyon ang meron kaming dalawa. Definitely not wife and husband, or girlfriend and boyfriend... but fuck buddies. I'm here to warm his night, that's it.

Sinalampak ko ang sarili ko sa sofa at ipinikit ang aking mga mata. Wala akong balak na matulog or umidlip, pero naalimpungatan ako ng makaamoy ako ng mabangong niluluto. Napabalikwas ako ng bangon ng mapansin kong madilim na sa glass window.

"You're awake, bakit diyan ka natulog? Malaki ang kama sa bedroom." Doon ako natauhan. I blinked my eyes several times before I remembered the situation. Nandito na nga pala ako sa bahay ni Rafael.

Sa halip na sumagot ay nagtanong ako sa kanya. "K-Kanina ka pa ba?" I asked him and checked my wrist watch. It was already six in the evening.

"No, kakarating ko lang. The dinner is served." Siguro dahil na rin sa gutom ay nawala na ang hiya ko't sumunod sa kaniya sa kusina. Halata ngang kararating niya lang dahil naka-long sleeved polo at dress pants pa siya.

"Kumakain ka ba niyan? Ininit ko lang kasi ang left over ko." He was pertaining to the red sauce fettuccine served.

"Hindi ako maselan," sagot ko sa kanya. Hindi kami mayaman kaya hindi kami pinalaki ni Mama na mapili sa pagkain. Kung anong nakahain ay iyon ang kakainin ko.

"I forgot to ask you something last time." Napatingin ako sa kanya. He was now holding a brown envelope. Nakita ko itong nakapatong kanina pa sa lamesa. "I had my annual physical exams last January pero kumuha pa rin ako nito, so that you can confirm that I am clean."

Tinignan ko ang mga results, pamilyar ako dito dahil nakakahawak din ako ng ganito sa ospital.

"And... I forgot to ask you about contraceptives... You know..." Parang matatawa ako, kasi halatang naiilang siya. "I can ask you to see a doc—"

"No need, I'm on a pill." Pagputol ko sa kanya. Nagpi-pills talaga ako, para ma-regulate ang menstruation ko, irregular kasi ang cycle ko noon pa man.

"That's good, I hate condoms." Hindi ko alam kung matatawa ako sa sinabi niya. Kaya naiiling-iling na lang ako habang pinapanood siyang lumabas ng kitchen.

Niligpit ko na muna ang pinagkainan namin bago ko binalikan ang gamit ko sa couch. Itatanong ko pala kung saan ko iyon puwedeng ilagay. Pero mali pala ang pagpasok ko sa kwarto, dahil saktong labas ni Rafael sa bathroom, at tanging ang tuwalyang nakatapi sa bewang niya ang suot niya. Kaya mabilis akong napatalikod.

Kahit naman marami na akong nakitang hubad sa ospital ay naiilang ako sa kanya. Iba kasi talaga. Our relationship will be physical. Sexual. Kaya naiilang ako, pakiwari ko ay nag-init ang mukha ko. Tatalikod sana ako nang mag-salita siya.

"Hey, are you going to fix your things?" Natigil ako sa akmang pagtalikod.

"S-Saan ko puwedeng ilagay 'tong mga gamit ko?" I asked without looking at him. Kinakabahan pa ako dahil alam kong malapit siya sa akin.

"Here," bulong niya sa ulonan ko sabay bukas ng kabinet sa harap ko.

Pakiramdam ko ay nagtaasan ang mga balahibo ko dahil sa ginawa niya. At ramdam na ramdam ko rin ang singaw ng katawan niya sa bandang likuran ko. Damang-dama ko dahil nga natatakpan ako ng malapad niyang katawan. Sa liit ko kasi ay hindi man lang ako umabot sa balikat niya, hanggang dibdib lang niya talaga ako.

"T-Thank you..." Mahinang bulong ko, pero hindi pa rin siya umaalis sa likuran ko. Inilapag ko na lang ang bag ko doon, mamaya ko na lang siguro ito aayusin.

Kailangan ko muna ng space. I need to go away from him. Pero maling move ang biglang pagharap ko sa kanya, dahil tuluyang nasubsob ang mukha ko sa dibdib niya. Ang tigas at ang bango ng dibdib niya. I was seeing his perfectly carved abs,right now—and that V-line, kitang-kita ko ito dahil sa nakatingin lang ako sa baba sa takot na makatitigan siya.

"Look at me." Napapitlag ako sa pagkarinig ko sa husky niyang boses. Pero tumingin pa rin ako sa kaniya. "What are you doing to me?" Nangunot ang noo ko sa tanong niya. At nakumpirma ko lang kung ano ang tinutukoy niya noong hapitin niya ako sa katawan niya. I felt his erection on my tummy over the towel.

Wala akong ginagawa pero na-turn on siya. That was something. Nagbaba ako ng tingin dahil sa hiya. Pakiramdam ko ay namumula ang buong mukha ko.

Honestly speaking. Siya pa lang ang lalaking nakalapit ko ng ganito. Yes, I had boyfriends before, pero hindi kami umabot ng ganitong ka-intimate, make-out na ang pinakamalayong narating ko sa ex ko. At 'yon, ay sa pinaka-seryosong relationship lang. Kaya hindi ko alam kung saan ko nahugot ang tapang kong ipambayad ang katawan ko. Ni wala nga akong experience—and worst a virgin. Matuwa kaya siya pag nalaman niya iyon? Hindi ko na kasi pinaalam, kasi nahihiya ako sa kanya. I was a 25-year-old-virgin. At isa pa baka mamaya hindi siya pumayag sa agreement na ito.

Nagulat ako nang itingala niya ang mukha ko at yumuko siya. Big height difference, parang mahihirapan siya. Pero hindi ko na iyon naisip noong siilin niya ng halik ang labi ko. Mapusok ang ginawa niyang paghalik.

Nanatiling nakatikom pa rin ang labi ko, pero napasinghap ako noong kagatin niya ang ibabang labi ko. Nakapikit na ako at hinayaang pasukin ng dila niya ang bibig ko. Maya-maya lang ay namalayan ko na lang na tumutugon na ako sa ginagawa niyang paghalik.

Hindi ko alam kung ito na ba ang tinatawag nilang masarap humalik. Basta gusto ko ang ginagawa niya sa akin, kaya tumutugon na rin ako.

Hindi ko na rin mapigilan ang sarili kong mangunyapit sa leeg niya dahil pakiramdam ko ay matutunaw na ang mga tuhod ko.

We were still kissing when I felt him carried me, my legs were around his waist now. One of his hands was on my head pulling me closer to him, while the other one was cupping my buttocks. Napasubsob ako sa leeg niya nang pareho kaming tumigil sa pinagsasaluhan naming halik. Pareho pa kaming hinihingal at naghahabol ng hininga. Matagal kami sa ganoong posisyon bago niya muling nilapit ang mukha niya sa akin.

"Are you ready now, Megan?"

Marahan akong tumango sa kanya. Nagsimula naman siyang pagapangin ang mga daliri niya sa mukha ko at huminto iyon sa labi ko.

"Answer me," husky niyang sabi. Sa titig pa lang niya ay parang hinuhubaran na niya ako.

"Y-Yes..."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status