Share

Kabanata 5

Kabanata 5

"I can't imagine that I'm going to live alone now, Mapple." Bakas sa boses ni Jianette ang kalungkutan ng sabihin niya iyon.

Ipinatong ko ang handbag ko sa maleta pagkatapos ay tumabi sakaniya at inakbayan siya.

"You can visit me anytime naman sa Villa since wala pa rin naman akong trabaho," ani ko.

Kumunot ang noo ni Jia kaya naman napataas ang kilay ko. Why? Did I said something wrong?

"Magta-trabaho ka pa?" tanong niya at maya-maya pa'y tumawa. "Mapple, asawa mo si Aciel... si Aciel na isa sa pinaka-mayaman na tao sa buong Pilipinas at Asia. Kaya na niyang ibigay ang lahat ng gusto mo in just a snap. Baka nga kung sabihin mo na bilhan ka nya ng condo unit, buong building pa ang ibigay sa 'yo, e," pagpapaliwanag nya.

Inalis ko ang pagkaka-akbay ko sakaniya at hinarap siya ng maayos.

"Jia, gusto ko pa rin naman maranasan yung magka-trabaho at tumanggap ng unang sweldo. Gusto ko maranasan yung i-lilibre kita, magpapadala ako ng pera sa probinsya kasabay nung mga pinamili ko na regalo para sa kanila kahit simple at maliit lang. Gusto ko rin ng remembrance."

Bigla akong nalungkot noong maalala ko na yung mga kaklase at kaibigan ko noong college ay nakakuha na ng trabaho, ako na lang ang hindi.

"...atsaka, lahat sila, pati ikaw, may trabaho na... ako? Wala. Hindi ko alam kung may problema ba sa akin kaya ayaw akong tanggapin."

"Stop worrying about that, Mapple. Hindi mo na dapat problemahin 'yan ngayon. Remember how influential your husband is? You can use that. Tandaan mo, may matibay na pundasyon ka na ngayon at madali na lang para sa 'yo ang bagay bagay."

"No, Jia." umiiling na saad ko. "Ayokong gamitin si Aciel. I want to do this on my own to prove myself na kaya ko at natanggap ako sa trabahong gusto ko kasi karapat-dapat ako."

Mas gusto ko 'yon at isa pa, mas feel ko yung achievements ko. Mas masaya i-brag yung ganoon sa iba kasi ibig sabihin, katulad nila ay kaya ko rin. Kung hindi man ako matatanggap ngayon, marami pang next time.

"Hindi mo dapat tinatanggihan ang grasya pero sige, ayan ang gusto mo, e. May mas madaling way pero gusto mo pahirapan."

"Alam mo 'yan!"

Nagtawanan kami pareho dahil sa sinabi ko.

"Sandali... 'wag mo kakalimutan ang bilin ko sa 'yon, 'ha? Sabi nila sa A club, never daw nagka-girlfriend 'yan si Aciel kaya naman nati-tsismis na baka daw bakla. You need to guard your heart para hindi ka luhaan bandang dulo."

Napa-ngiti ako dahil sa sinabi ni Jia at tumango. Napag-usapan rin kasi namin kanina pagdating niya na baka kaya ako inalok ng kasal ni Aciel ay para pagtakpan ang rumors sa kaniya. Syempre, kapag nagka-gipitan na at maiipit siya, sasabihin niya sa lahat na may asawa siya at boom! Tapos ang issue.

"Oo na. Sige na, aalis na ako. Kanina pa ako hinihintay nung driver." Tumayo na ako at ganoon rin si Jia. "Mag-iingat ka dito, 'ha? Always lock the door lalo na mag-isa ka na lang dito."

Ngumiti si Jia at tumango.

"Bye, Mapple! Ingat ka, 'ha! Just call or text me if you need help."

"Ikaw rin. Lalabas na ako. Ba-bye!"

We hugged each other and after that ay lumabas na ako. Hindi na ako nagpahatid kay Jianette dahil alam ko naman na pagod siya at hindi naman mabigat ang dala ko.

Sinalubong ako nung tauhan ni Aciel at kinuha ang maleta na na dala ko. Pinagbuksan niya ako sa backdoor at noong ayos na ako sa loob ay nilagay niya sa compartment ang maleta ko pagkatapos ay tumuloy na sa driver's seat.

Inilabas ko ang cellphone ko para aliwin ang sarili ko since wala rin music sa loob.

"Nandito na po tayo, Mrs. Lu."

Pakiramdam ko ay mabilis lang ang byahe dahil naka-focus ako sa pagsi-cellphone. Inilibot ko ang tingin sa paligid at hindi nga ako nagkamali, malaki ang villa ni Aciel.

Hindi ko na hinintay pa na pagbuksan ako kaya lumabas na rin ako kaagad habang kinukuha niya ang maleta ko. Nginitian ko siya at kinuha iyon sa kaniya.

"Mrs. Lu!"

Napalingon ako noong may biglang nagsalita sa gilid ko at nakita ko ang isang babae na may edad na.

"Maligayang pagdating sa Villa, Mrs. Lu!" masayang bati niya. Alanganin akong ngumiti at tumingin sa paligid.

"Mapple na lang po ang itawag niyo sa akin."

Hindi ko kasi type yung Mrs. Lu. Super formal atsaka parang hindi ako ang tinatawag nila. Hindi rin ako sanay.

"Sige, walang problema Miss Mapple..." naka-ngiting saad niya. "Ako nga pala si Glenda pero ang tawag nila sa akin dito ay Manang Glen."

"Hello po, Manang Glen."

"O siya, tara na sa loob. Ihahatid na kita sa kwarto niyo ni Aciel."

Natigilan ako noong marinig ang sinabi niyang ihahatid ako sa kwarto namin. 'Namin' at ibig sabihin ay magkasama kami sa iisang kwarto. Bakit ba nakalimutan ko ang bagay na 'yan? Sana pala ay nai-open ko 'yan kanina noong nag-usap kami. Hindi rin kasi sumagi sa isip ko na sa iisang kwarto kami mag i-stay.

"Miss Mapple?"

Napatingin ako kay Manang Glenda noong tawagin niya ako at alanganin ko siyang nginitian.

"Ah... t-tara na po."

Pumasok na kami sa loob at hindi ko naman mapigilan ang sarili ko na igala ang paningin ko sa buong bahay. Kahit sobrang laki at iilan lang ang tao ay sobrang linis ng paligid at wala akong makitang maalikabok na part. Kahit ang mga lamesa o cabinet ay walang takas na alikabok kahit katiting.

Pumanhik kami sa second floor. Kanina pa pala salita ng salita si Manang Glen pero hindi ko na maintindihan since nasa buong bahay ang atensyon ko.

"Dito ang kwarto niyo." Itinuro ni Manang Glen ang kwarto na katapat namin. "Pumasok ka na sa loob para makapagpahinga. Ipapahanda ko na ang hapunan."

Muli kong tiningnan ang pinto na nasa katapat namin pagkatapos ay ibinalik ko ang tingin kay Manang Glen para nginitian sya at magpasalamat. Pagkatapos ng pag-hatid niya sa akin ay bumaba rin siya.

Dahan-dahan kong binuksan ang kwarto ni Aciel. Gumawa ako ng maliit na puwang na kakasya ang ulo ko at dumungaw doon. Iginala ko ang tingin sa loob, walang tao. Ibig sabihin ay hindi pa nakakarating si Aciel.

Binuksan ko na ng malaki ang pinto at itinulak papasok ang maleta pagkatapos ay isinara ang pinto. Iginala ko ang tingin ko sa buong kwarto niya. Katulad ng kulay ng opisina niya at black, gray, white rin ang makikita rito pero hindi pangit tingnan. Ngayon ko lang napagtanto na mahilig sa monochrome colors si Aciel.

Malaki ang kama niya at sigurado akong ang kwarto na ito ang master's bedroom. Naglakad ako papalapit doon. Siya lang talaga ang natutulog dito? Sa laki ng kama niya, hindi ba niya naisip minsan na baka may tumabi sa kaniya na hindi naman tao katulad sa mga horror movies?

Umiiling ako para tanggalin ang kung ano man na naiisip ko. Hindi naman ako dito mag i-stay dahil makiki-usap ako kay Aciel na sa guestroom na lang ako matutulog.

Nagpunta ako sa walk-in closet at lumapit sa may cabinet, dahan-dahang binuksan 'yon. Doon ay maayos naka-sabit ang mga coat niya na ginagamit sa trabaho. Sa pangalawang bukas ko naman ng cabinet ay nandoon naman ang mga polo niya na plantsado at naka-hanger. Maayos naman pala sa gamit si Aciel at hindi siya makalat. Pansin ko rin na maayos ang kwarto niya.

Isinara ko na ang cabinet at napatili ako noong may nakita akong kamay sa may gilid ko na nakalapat sa may cabinet ang palad. Bago pa ako tuluyang maka-alis sa pwesto ko kanina ay nagawa na niya akong kornerin ng isa pa niyang kamay.

Kailan pa pumasok dito si Aciel at bakit hindi ko namalayan?

Dahan-dahan akong humarap sa kaniya at nanlaki ang mata ko sa nakita ko. Basa ang buhok niya at tumutulo pa pababa sa dibdib niya. Naka-takip ang kalahating part ng katawan nya ng towel nung ibaba ko ang tingin ko. I can smell his fresh scent at para akong nahiya dahil kanina pa akong pawis na pawis sa apartment pa lang at hindi na ako nag-abala pa na maligo bago magpunta dito.

Hindi ko rin naman kasi akalain na may ganitong sasalubong sa akin atsaka akala ko ba may meeting siyang aattendan ngayon?

Gamit ang dalawang hintuturo ko ay unti-unti kong tinulak si Aciel pero syempre, hindi siya natinag. Ayoko naman din idikit ang palad ko sa chest niya, nakaka-hiya.

Tinangala ko siya at alanganin na nginitian noong nagsalubong ang tingin namin.

"A-andyan ka p-pala? H-hindi ko n-napansin na p-pumasok ka d-dito..."

Pigil na pigil ko ang paghinga ko habang nagsasalita kaya naman nahihirapan din ako. Hindi rin kasi ako nag-toothbrush bago ako nagpunta dito sa bahay niya kasi nga hindi ko naman alam na may paganitong encounter kaming dalawa.

"You're home," sabi niya. Muntik pa akong mapa-pikit noong maamoy ang mint nyang hininga, mabuti na lang at napigilan ko ang sarili ko.

Hindi na ako nagsalita at dahan dahan na lang na tumango. Napalunok ako noong bumaba ang tingin niya sa may labi ko at tinintigan 'yon. Lumingon ako sa kung saan at hindi ko napigilan na basain ang ibabang labi ko sa hindi malamang dahilan.

Bakit ba ganito si Aciel? I know naman na hindi katulad ko ang type nya pero bakit ganito niya ako tratuhin? My gosh! Pakiramdam ko ay lalabas na ang puso ko sa sobrang lakas ng kalabog.

Kita ko sa peripheral vision ko ang unti-unting paglapit ng mukha ni Aciel sa akin kaya naman pabigla akong umupo para maka-alis sa pagkakakulong niya sa akin at tumakbo palabas ng walk in closet. Ramdam ko ang init ng pagmumukha ko at ang mabilis na tibok ng puso.

Oh gosh! That was close!

Gamit ang kamay ko ay pinaypayan ko ang sarili ko. Pakiramdam ko ay sobrang init dito sa kwarto niya kaya naman nagdesisyon akong lumabas na lang muna. Pagbukas ko ng pinto ay natigilan ako ng may isang magandang babae na nakatayo at bakas ang gulat sa mga mata niya noong magtama ang tingin namin. She looks like an angel.

"Who are you? What are you doing at Aciel's room?" masungit na tanong niya. Ngayon ko lang napansin na nakataas na pala ang isang kilay nya at matalim na tingin ang ipinupukol niya sa akin.

"I'm asking you, who are you?!"

Halos mapatalon ako dahil sa pagsigaw niya. Hindi ko mapigilan na mamangha. Hindi ko akalain na sa likod ng maamo niyang mukha ay kaya niyang sumigaw. Ako kasi ay hindi ko kaya, nababasag ang boses ko kapag sumisigaw pero sakanya ay buo at ang cool ng dating nya sa akin.

Ngumiti ako para ipakita sa kaniya na wala naman akong masamang intensyon at magsasalita na sana ako pero natigilan ako noong maramdaman kong may humawak sa bewang ko. Hindi ko na kailangan pang lingunin kung sino 'yon dahil si Aciel lang naman ang nandito sa loob. Hinila niya ako papalapit sa kaniya at tumama ang katawan ko sa katawan niya.

"Antoinette, don't shout at my wife. Don't scare her."

Nanlaki ang mata ko na napalingon kay Aciel. 

Did he say that I'm his wife in front of other person? Nakalimutan na ba niya ang usapan namin?

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status