Share

Twelve

Galit na galit ako at hindi ko alam kung anong gagawin. Paano ko sasabihin sa magulang ko na wala na akong trabaho? Bukod kasi sa malaki ang kita sa kumpanya ni sir Kyler ay marami ding benefits doon.

Hindi ko alam kung saan na naman ako maghahanap ng trabaho.

Mag-iisang buwan na mula nang matanggal ako sa trabaho at sa awa ng diyos ay nakapasok ako sa isang kumpanya. Maliit lamang iyon at hindi ganun kalaki ang sweldo kumpara sa kay Sir Kyler ngunit okay na rin iyon kesa sa wala. Isa iyong clothing line na nagsisimula palang at hindi pa ganun karami ang empleyado. Sakto lang naman ang kita para sa akin at nakakapagpadala pa rin ako sa probinsya, hindi nga lang kasinglaki ng dati.

Hindi nakakatulong sa akin ang araw araw na pag sama ng pakiramdam ko. Nabago bago ko palang sa trabaho ngunit nakakailang absent na ako dahil hindi ko kayang tumayo tuwing umaga.

Sana naman ay wala akong malalang sakit.

Wala sa sarili akong napalingon sa kalendaryo sa tabi ng kama ko at halos mapasingh
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status