BivianneIlang saglit pa bago nag-sink in ang sinabi niya sa ‘kin. “Mom, hindi pa ako pumapayag sa kasal na ‘to.”“Did I give you a choice?” Tinaasan niya ako ng kilay bago minuwestra ang pinto. “Now, go out there, and wait for me. Lalabas na ako mayamaya lang.”“Mom, I can’t marry a guy I just met!” bulalas ko. “I don’t even know him. Paano kung masama pala siyang tao? Paano kung saktan niya ako?”“Do you think I’ll choose him if he’s a bad guy? Of course, I did a background check on him. He’s decent. At least more decent than your monkey.”Pinigilan ko ang sarili ko na sigawan siya at sabihing hindi unggoy si Oxem. She won’t listen to me. She didn’t before, and she wouldn’t ever.“Now, go out there, and do as I say. Hear me?”Wala akong nagawa kung hindi ang tumalikod at sundin siya. So much for dinner tonight. So much for fitting a wedding dress. Sa oras na i-announce ni mom sa lahat ang tungkol sa kasal, alam kong wala na akong ibang choice kung hindi ang pumayag. Dahil kung hindi
BivianneI wasn’t sure what happened for the next couple of weeks. Bahay-school-company lang ang pinupuntahan ko at paminsan-minsan ay pumapasok ako sa academy. Nagpupunta pa rin si Ma’am Cynthia gaya dati pero hindi na gaya noon ay tahimik na kami. Puro aral na lang ang ginagawa namin.Inaaral ko na ang pasikot-sikot sa kompanya ni mom. Tinuturuan ako ni Sofie, the secretary mom hired for me. Gaya pa rin noon ang relasyon namin ni mom. Hindi pa rin niya ako kinakausap kung hindi kailangan pero alam kong nagbago ‘yon. She’s telling me about everything that’s going on with the company now, but through the papers Sofie is giving me.I know that this is a huge leap in our relationship. Ngayong sinasabi na niya sa ‘kin ang nangyayari sa kompanya niya ay isa lang ang ibig sabihin. She trusts me. May tiwala na siyang tutulungan ko siya para maisalba ang kompanya.And it was worse than I expected. Maraming shareholders ang nag-pull out sa company dahil sa isang project ni mom na nag-fail. A
BivianneI mustered all my courage and dialed Oxem’s number. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang nakahawak sa phone. Ilang linggo kaming hindi nagkita at nag-usap. Ni hindi ko pa nga alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya.Pero nangako akong mag-uusap kami. At sa pag-uusap na ‘to, kailangan kong sabihin sa kaniya na hindi kami pwedeng magsama at buo na ang pasya ko.Tumunog ang phone ko hudyat na sinagot na niya. Pero walang sumagot ni isa sa ‘ming dalawa. Para bang naghihintayan lang kaming dalawa kung sino ang unang magsasalita. O baka pareho kaming natatakot kung ano ang maririnig namin sa isa’t isa.Kaya naman naisipan ko nang mauna. “Let’s break up.” Natawa ako nang marinig ko na mismo ang boses ko. “Hindi nga pala tayo pwedeng mag-break dahil wala pa namang tayo.”He didn’t find my joke funny, though, dahil hindi siya natawa. Kung tutuusin, parang sobrang lamig pa ng boses niya mula sa kabilang linya. “Is it because of that guy? Totoo ba ‘yong sinabi niya? Ikakasal na kayo?
BivianneI convince myself na kaya lang ako pupunta ay para panoorin ang kapatid ko. Wala siyang kinalaman sa pagpunta ko sa game. I just want to support Khaianne at alam kong magpupunta rin si Leo. Parang sila pa nga ang magkapatid at hindi kami.Mom is now happily married with a guy named Keam, Juanito’s brother, her first love. Masyadong mahaba ang story, pero Keam is a good guy. Noong una ay hindi ako payag sa relasyon nila. Pero nang makilala ko sila ng anak niya, wala na rin akong nagawa.And Khaianne is my twenty-year-old brother. Bata pa siya noong una kaming magkakilala kaya agad kaming napalapit sa isa’t isa despite having different dads and moms. Sobrang sweet niyang kapatid kaya nga nahulog ‘tong si Yeshua.And I can’t believe these two had history two years ago. Ayon kay Yeshua ay masyado pa siyang bata para sa kaniya kaya sila naghiwalay, but I wonder about that.Hindi ko maalis ang tingin ko sa kaniya nang magsimula ang game. I played this game before kaya kahit papaano
BivianneHuminga ako nang malalim bago kumatok. I know that there’s a 50-50 chance na makita ko siya rito pero hindi ko pa rin maiwasan ang hindi kabahan. This is where he leaves, after all. Kapag may mahalaga silang game ay natutulog siya rito kasama ang mga player niya.I’m not a stalker. Alam ko lang ang mga ganitong detalye dahil isa ako sa mga sponsor ng team nila. Hindi ko maiiwasang malaman sa tuwing may game sila na may involved na pera. Doon din kumikita ang company namin.Nang magbukas ang pinto, nahigit ko ang hininga ko. That 50-50 chance just became a hundred.“How may I help you, Ma’am Cordova.” Ma’am Cordova. Great. Just like how my employees call me.“Is Khaianne here? I got a delivery for him.” Inangat ko pa ang box para ipakita sa kaniya.Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa hawak ko. “Dapat ay pinadala mo na lang sa isa sa mga tauhan mo. No need to deliver it yourself.”Agad akong nag-isip ng dahilan. “This is a gift for my brother. Kaya natural lang siguro na
PrologueHingal na hingal si Yeshua Tada nang makarating sa kinauupuan ni Bivianne Cordova. Hindi pa siya nakahahabol ng hininga nang magsalita siya sa garalgal na boses, “Totoo ba? Manonood ka talaga ng competition?" Kahit hindi siya nito tingnan ay alam niyang kumikinang ang mga mata niya dahil sa balitang dala. Sa halip na magpakita ng anumang senyales ng emosyon, hindi inalis ni Bivianne ang tingin mula sa mga papeles na ginagawa mula nang umagang iyon. "Can you please hand these over to the R&D as soon as possible?” Inilagay niya ang dalawang hanay ng mga papel sa mesa at nagpatuloy, “And this should be handed to the finance.”Saglit niyang tiningnan ang mga papel, pinag-iisipan kung ano ang gagawin niya rito. "Of course." Aalis na sana siya ng kwarto pero pinili niyang tumalikod at bumalik sa mesa. "So, pupunta ka ba talaga?" Tumingin si Bivianne mula sa kaniyang computer at bumuntonghininga. “Alam mo na ang sagot. Ano pang silbi ng pagtatanong?” Lumawak ang ngiti niya sa ba
Bivianne"Please! Please, Bivianne, minsan lang. Hindi na kita guguluhin pagkatapos nitong laro." Pinagdaop ni Yeshua ang mga palad niya habang sinusundan ako na naglalakad papunta sa classroom namin. Hindi ko siya nilingon para ipakita kung gaano ko kaayaw gawin ang hinihiling niya sa ‘kin. More like, I couldn’t.Bago ako makapasok sa room, hinampas ni Yeshua ang kaniyang palad sa pinto at humarang sa daraanan ko. Isa sa mga katangian niya na kaniyang ipinagmamalaki ay ang kaniyang determinasyon. Nakakainis man sa iba ay wala siyang pakialam. Kung may gusto siya, gagawin niya ang lahat para makuha iyon.Wala akong choice kung hindi tingnan siya with my usual poker face. Kailan lang kami naging magkaibigan, pero alam ko na kung gaano ka-persistent ang babaeng ito. Wala nga lang akong magawa kahit na alam ko na ‘yon. Hindi ko pa rin siya mapigilan kahit anong mangyari."Ano ang mapapala ko sa pagsali? Maaari akong masugatan o tuluyang masaktan sa paglalaro lang ng larong iyon. Pananagu
BivianneNakasimangot akong sumakay ng kotse nang walang sinasabi. Alam kong napansin ni mang Kiko na wala ako sa mood nang umagang ‘yon pero hindi na siya nagtanong. Alam kong nang makita niya si mama kanina ay sapat na ‘yong paliwanag. No need for a verbal one.Maagang umalis si mama at ni hindi na niya ako nasabayan sa agahan. That’s better for me, though. Dahil ayokong makasabay siya at kung ano-ano na namang sermon ang matanggap ko. I don’t want to get slapped again.Nang makarating kami sa school ay bumaba na ako ng sasakyan. Papasok na sana ako sa loob nang pigilan ako ni mang Kiko. Hinarap ko naman siya.“Kunin mo ‘to.” Napatingin ako sa inabot niyang lunch box na may isa pang maliit na box. “Hinanda ng asawa ko para ibaon mo. Iyang isang box naman ay may gamot para sa sugat mo sa labi.”Dahan-dahan ko ‘yong inabot at napaiwas ng tingin. “Maraming salamat po.”Isang tipid lang na ngiti ang ginawad niya bago ako hinayaang umalis. Napabuntonghininga ako nang makarating ako sa ro