Share

Kabanata 13

Halos mamula na ang pisngi ni Nicole dahil sa pag ubo, dahil kasi sa nerbyos niya sa biglang pag lapit at pag kausap sa kanya ng kanyang boss ay walang pag dadalawang isip na agad niyang kinuha ang inaabot nitong akala niya ay beer iyon pala ay isang matapang na alak ang laman.

“Come on Lorenzo it’s just a beer.”

Tila inis pang sabi nito sa kanya, ngani ngani niya naman itong kaltokan ng malaks lakas sa ulo at sigawan ng ‘beer lang? Eh halos mamatay matay na ako sa sama at tapang ng lasa niyan eh’ kaya lang syempre hindi niya pwedeng gawin iyon. Dahil una, boss niya ito at alalay lamang siya nito, magka trabaho lamang sila ni hindi nga sila mag kaibigan, pangalawa siya naman din talaga ang may kasalanan.

Siya ang kusang kumuha ng ibinigay nitong alak sa kanya at hindi din naman siya nito pinilit na uminom.

“A-ang tapang ng-ng l-lasa.”

Hindi pa rin maituwid ang salitang sabi ni Nicole, wala na siyang pakialam kung tunog pag ri-reklamo man iyon para kay Alexander Montefalco, hindi naman niya ito sinisisi, mas naiinis pa nga siya sa kanyang sarili dahil bakit nga ba kinuha kuha niya pa ang alak na iyon eh hindi naman talaga siya umiinom? At bakit ba naman kasi biglang sumusulpot itong boss niya, na taon pa kung kailan siya nag dadrama.

“Psh, weak. Here drink this.”

Sabi pa nito at kahit hindi tignan ay alam niyang umiirap nanaman ang kanyang boss.

Tinapunan ng tingin ni Nicole ang CEO para tingnan ang kung anong inumin nanaman ang inaabot nito sa kanya, baka mamaya ay kung anong alak nanaman iyon hindi niya na kayanin.

Napa hinga pa siya ng maluwag nang makitang isang bote ng mineral water iyon, nag pilit ng ngiti si Nicole saka iyon inabot para kunin sana mula sa kamay ni Alexander kaya lamang ay binawi nito ulit ang tubig para buksan na para sakaniya.

“S-salamat po.”

Nahihiya pang sabi niya bago iyon kunin nang muli nitong inabot iyon.

“Bakit ka ba nag da-drama Lorenzo? Hindi mo dapat iniiyakan ang mga taong naging pasakit lang sa buhay mo, if they are hurting you, you need to fight back.”

Biglang pangaral nito sa kanya, parang bata namang napa nguso si Nicole saka matamang tinitigan ang kanyang boss na ngayon ay may hawak na lata ng beer at sa malawak na lawa naka tingin.

“Hindi naman po kasi ganon kadali eh, parte sila ng pamilya ko at kahit na anong mangyari malaki pa rin ang utang na loob ko sa kanila, kinupkop nila ako, binigyan ng tahanan, hindi man maganda ang trato nila saakin pero tinatanaw ko pa rin na isang malaking utang na loob ang ginawa nilang pag kupkop saakin nang mamatay ang mga magulang ko.”

Seryoso ngunit bakas sa pananalita ang lungkot na sabi ni Nicole, pinili niya na lang din na sa lawa ibaling ang tingin. Naiilang pa rin kasi siya sa kanyang boss.

Wala naman itong naging sagot sa pag o-open up niya, napa simangot pa si Nicole nang walang sabi sabing tinalikuran lamang siya nito at iniwang naka upo sa tulay na iyon.

Base sa derekyon ng pag lalakad nito ay pa balik si Alexander sa cottage.

Kibit balikat na hinayaan na lamang ni Nicole ang kaniyang boss na abnormal na nag ayang mag swimming tapos iiwan lang pala siya, o well baka naman kasi na bwisit lamang sa kadramahan niya, sino ba naman kasi ang may sabi na pwede siyang mag open up sa isang CEO?

Ilang minuto rin ang lumipas at abala si Nicole sa pag tanaw sa mga nag gagandahang mga bituwin sa kalangitan nang agawin ang atensyon niya ng kaniyang boss na kaka balik lamang mula sa cottage, bahagya pa siyang nagulat nang makita itong may dalang isang hindi naman kalakihang kahon na sa tanya niya ay alak ang laman.

Hindi naman kasi niya inaasahan na babalik pa ang kaniyang boss matapos siya nitong iwan kanina lamang.

“May beer na hindi gaanong matapang diyan, pwede kang kumuha kung gusto mo.”

Alok nito sa kanya, nalipat naman ang tingin niya sa kahon saka napa ngiti, hindi naman siguro masama kung titikim siya ng beer ng isang beses.

Agad na kumilos si Nicole at binuksan ang kahon, kumuha siya ng isang can ng beer na pamilyar sakaniya ang itsura saka iyon binuksan.

Uminom pa siya ng kaunti saka muling tumingala sa kalangitan.

“Your parents…”

Naagaw muli ang atensyon ni Nicole nang mag salita nanaman ang kaniyang boss.

“Paano sila namatay? I hope you don’t mind my question, I’m just curious.”

Seryosong tanong nito. Saglit namang natigilan si Nicole saka bahagyang nag isip kung tama bang mag kwento siya ng tungkol sa kanyang personal na buhay sa kanyang boss.

Sa huli ay nakita na lamang ni Nicole ang sarili na sumasagot sa tanong nito.

“They died in a car accident bata palang ako, ang sabi nina tiyang wala na daw akong ibang kamaganak bukod sa kanila kaya sa kanila ako na punta.”

Tipid at malungkot niyang kwento, napa tango tango naman si Alexander.

“Sorry.”

Sabi pa nito, agad namang napa ngiti si Nicole dahil doon.

“Ayos lang, limot ko na rin naman, ni hindi ko na nga maalala ang itsura ng mga magulang ko eh.”

Mapait niyang sabi.

“You don’t have their photographs?”

“Meron naman, kaya lang sinunog ng mga pinsan ko noong minsang hindi ko agad nasunod ang utos nila eh. Mga tamad kasi yung mga yun kaya lahat saakin inuutos.”

Nakuha pang pag bibiro ni Nicole na sinamahan pa ng mahinang pag tawa, wala namang naging epekto iyon sa kanyang boss, seryoso lamang itong naka titig sa kanya.

Agad namang natahimik si Nicole saka pilit ding nag seryoso, hindi yata magandang mag joke sa ubod ng seryosong CEO.

“Your bruises, they were the ones who did that to you right?”

Sabi nito at alam ni Nicole na hindi iyon pag tatanong.

Dahil hindi maka sagot ay napa yuko nalang siya, ano ba naman kasi ag dapat niyang isagot sa tanong na iyon ng kaniyang boss?

“Pwede po bang mag swimming?”

Para maka iwas ay iyon nalang ang nasabi niya, napa irap naman ang CEO saka tipid siyang tinanguan, kikilos na sana si Nicole at handa nang tumalon sa tubig nang pigilan siya ng CEO.

“You surely can’t swim in that dress.”

Ay oo nga pala bigla niyang naalala, naka suot nga pala siya ng isang mahaba at bulaklaking dress, nahihiyang napa yuko si Nicole para tingnan ang damit niyang suot.

Hindi malaman ang gagawin na muling nalipat ang kanyang tingin sa CEO, may suot naman siyang pang swimming kaya lang alangan namang mag hubad siya sa harap nito.

‘Pwede kayang sabihing hindi ko na pala gustong mag swimming?’

Bulong niya sa sarili, wala naman siyang nakikitang mali kung huhubarin niya ang suot na dress dahil talaga namang naka suot siya ng two poece sa ilalim niyon, isa pa kanina pa nga din siyang naiilang sa itsura ni Alexander Montefalco dahil san aka balandra nitong hubad na katawan at tanging truns lang ang suot.

Narinig ni Nicole ang mahinang pag buntong hininga ng kaniyang boss saka siya inirapan bago tumalikod, nahalata marahil nito ang kaninana niya ang pinu-problema.

Napa ngiti naman siya saka mabilis na hinubad ang suot na dress at maingat na isinampay iyon sa may hawakan ng tulay saka siya lumusong sa tubig, ramdam niya ang pag balot ng malamig sa pakiramdam ng malinis na tubig ng lawa, kay sarap niyon sa pakiramdam, nakaka relax.

Napa pikit si Nicole habang unti unting inilulubog ang ulo sa tubig, ilang minuto rin siyang nag lagi sa ilalim niyon, kung hindi pa nga siya kapusin ng pag hinga ay hindi pa siya aahon.

Bahagyang nanigas ang kaniyang katawan ng maramdaman ang pag lapit sa kanya ni Alexander kasabay ang malakas na pag kabog nanaman ng puso niya.

Ano ba naman kasi itong boss niya, hindi ba nito nararamdaman ang parehong pag ka ilang na nararmdaman niya sa tuwing malapit sila sa isa’t isa? O kaya sana naman ay ma alam ito sa saltang privacy.

“I own this place.”

Biglang sabi nito, napa lingon naman dito si Nicole, may halos isang dipa lamang ang layo nila sa isa’t isa at mabuti nalang din at natatakpan ng tubig ng lawa na umabot hangang sa leeg niya ang kanyang katawan na nababalutan lamang ng dalawang pirasong tela ang maselang parte ng kanyang katawan.

At ano daw? Ang boss niya ang may ari ng lugar na ito? Hindi na nag taka pa doon si Nicole, kaya lamang dahil sa nalaman ay tila mas lalo lamang siyang nanliit sa kanyang sarili, sobrang yaman nito, sobrang taas na kahit yata tumuntong pa siya sa ilang bango na pinag patong patong ay hindi niya pa rin magagawang abutin ang taas nito.

Saglit pa siyang napa isip, ano nga ba ang karapatan niyang magustuhan ang katulad ni Alexander Montefalco, ang CEO, ang kanyang boss na kahit yata napaka ganda niya ay hindi siya papansinin, alam niya at ramdam niya na isang empeyado, isang sekretarya lamang ang tingin nito sa kanya.

Hindi napigilan ni Nicole ang maka ramdam ng inis sa sarili, bakit ba naman kasi siya umaasang gugustuhin din siya ng Alexander Montefalco na ito?

Oo na at aminado siyang crush niya nga ang kanyang boss pero pinipilit niya ang kanyang sarili na simpleng pag hanga lamang iyon, dahil gwapo ito, macho, mayaman at mabait din naman kahit pa palaging parang galit, naka simangot at naka kunot ang noo.

Pinipilit niya ring ipaalala sa sarili na kung ano man ang nararamdaman niya para dito ay hindi na tama. Kailangan niya nang pigilan.

“G-ganon po ba? Ayos tong lugar niyo sir A-Alexander, napaka ganda dito.”

Kaswal lamang na sagot niya sa binata, wala naman kasi siyang maisip na sasabihin kung pwede nga lang na huwag niya nalang itong pansinin na hindi siya matawag na bastos ay iyon ang pipiliin niyang gawin.

“It is, marami pang magandang lugar dito na hindi mo pa nakikita. One of these days for sure ay makikita mo din.”

Sabi pa nito saka katulad ng ginawa niya kanina ay inilubog din nito sandali ang ulo sa tubig.

Sa hindi malamang dahilan ay hindi maalis ni Nicole ang tingin sa kanyang boss, kulang nalang ay mapanganga siya sa ka gwapohan nito.

‘Shit ang gwapo…’

Bulong niya sa sarili nang mag ahon ito ng ulo, magulo ang basa nitong buhok na bahagya pang nag kalat sa noo nito, Pinigilan ni Nicole ang sarili na lapitan ang kanyang boss at siya mismo ang mag hawi ng buhok nitong nag kalat sa mukha at noo, hindi niya rin malaman kung bakit ba tila bumabagal ang takbo ng oras habang naka titig siya sa kanyang boss.

Marahas na napa iling si Nicole para sawayin ang sarili sa pag iisip ng sa tingin niya ay hindi naman dapat.

“You alright?”

Pa cool na tanong nito, tanging pag tango lamang naman ang naisagot nya dito.

Ilang minuto rin silang nag babad sa tubig, kung ano ano lamang din ang napag usapan nila, tungkol sa trabaho at tungkol sa meeting nila sa mga ka business kuno nila bukas, wala namang naintindihan masyado si Nicole dahil panay lang din ang iwas niya sa kanyang boss.

Mayamaya pa ay siya na ang naunang mag paalam na aahon na, pumayag naman agad ang kanyang boss kaya mabilis din syang kumilos.

‘Hala, ano na ba talagang nangyayari sayo Nicole? Umayos ka nga.’

Muli niyang bulong sa sarili nang sa wakas ay maka ahon na rin mula sa lawa, bahagya niya pang niyugyog ang kanyang dibdib sa pag babaka sakaling pakalmahin ang malakas na tibok ng kanyang puso, hindi pa man tuluyang humihinahon ang abnornmal na pag tibok niyon ay muli nanaman niyang narinig ang tinig ng papalapit na kanyang boss.

Madali pa siyang kumilos para kunin ang dress na isinabit niya kanina para lamang ma dismaya nang makitang wala na sa pagkaka sabit ang kanyang damit.

Inilipad marahil ng hangin dahil hindi niya na mahagilap sa kung saan.

Dahil wala nang choice ay mabilis na niyakap ni Nicole ang sarili sa pag babaka sakaling kahit papano ay matakpan ang kanyang katawan lalo pa at naka lapit na sa kanya si Alexader na kunot noo lamang na naka tingin sa kanya.

“You never need to do that you know? You look beautiful.”

Kaswal lamang na puri nito sa kanya, agad namang mamula ang pisngi ni Nicole dahil sa hiya. Ano nanaman ba ang isasagot niya ngayon sa kanyang boss? At bakit ba kailangan pa nitong sabihin iyon sa kanya?

“Ah eh, nakaka hiya po kasi, hindi po ako sanay na mag suot ng ganito.”

Nahihiyang sabi niya rito.

Muling napa irap ang kanyang boss saka mariin siyang tinitigan. Dahil sa pag ka ilang ay tumalikod na lamang si Nicole.

“Hey Lorenzo.”

Tawag nito sa kanya, bigla naman ang pag lingon niya dito na sana pala ay hindi niya na lamang ginawa.

“Forgive me but I can’t hold this back anymore.”

Iyon lamang at masuyo ngunit biglaan siya nitong hinila, wala nang nagawa si Nicole kundi ang man laki na lamang ang mga mata dahil sa gulat nang bigla siya nitong halikan sa labi.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status