Share

Kabanata 31

Halos isang lingo na ang lumipas mula noong naki tuloy siya sa bahay ni Alexander at para kay Nicole ay wala namang nag bago.

May kasungitan pa rin ang kanyang boss pag dating sa trabaho na agad din namang nababawi ng pag lalambing nito kapag sila na lamang dalawa ang magkasama.

Tatlong araw lamang siyang nawala sa trabaho, labis na rin kasi ang ginawa niyang pag tutol nang sabihin ni Alexander na isang lingo siyang hindi mag ta-trabaho at kung iniisip daw niya ang masasayang na sweldo ay ibibigay na lamang daw nito iyon.

Para kay Nicole ay masyado naman nang pag mamalabis iyon at tila hindi na maganda.

Mabuti na rin at na intindihan naman agad ni Alexander ang gusto niyang iparating dito at wala na ring nagawa kundi ang payagan siya.

Ilang araw na rin siyang nag tatago sa tuwing pumapasok siya sa opisina, nauubusan na siya ng dahilan na sasabihin kay Alexander kapag pipilitin niyang sa isang kanto bago makarating sa opisina siya baba, kasabay kasi siya ni Alexander sa pag alis sa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status