“Jayzee!” tawag ng ama sa kanya. Hindi niya ito pinansin at tuloy-tuloy lang na lumabas ng ospital. Bumalik ang ama sa loob at siya ay sa waiting area ng emergency naghintay. Galit na galit siya sa nakita.
Naiintindihan niya kung bakit kailangang bumalik si Anikka sa Camarines Norte. Pero ang makasama at makasal sa Benedict na ‘yon ang hindi niya matanggap kahit pa isang huwad na kasalan lang iyon.“Anikka loss her consciousness,” narinig niyang wika ng ama na papalapit sa kanya. Gusto niyang puntahan si Anikka pero puno ng galit ang dibdib niya.
“Nandoon naman si
Pauwi na mula sa club si Jayzee nang mapansin ang isang pamilyar na mukha na kapapasok lang sa club. Inikot nito ang mga mata bago nagtungo sa bar counter at umorder sa bartender ng inumin. Sandali niya itong pinagmasdan; like Anikka, she also has a pretty face and slender body. Dark brown din ang buhok nito na mapapansin mo lang kapag tinatamaan ng ilaw na umiikot sa ceiling. Pero kung titignan mo ito’y laging nakataas ang noo while Anikka was always shy and fearful.Lumakad siya patungo sa dereksyon nito at umupo sa katabing bar stool. “What are you doing here?” tanong niya na ikinagulat ng babae. “To drink,” tip
“Ana…” Tumayo mula sa hospital bed si Agusto at agad niyakap ang anak-anakan. Nanatili lang si Ana sa wheelchair habang pinupunasan ang mga luha. Lumapit siya kaagad at ipinaalala ang sinabi ng doktor.“Baka makakasama sa’yo ang labis na pag-iyak. Don’t forget what the doctor told you.”“Anong nangyari sa’yo?” nagtatakang wika naman ni Agusto nang humiwalay sa pagkakayakap kay Ana.“I’m pregnant, Pa,” mahina nitong sagot. “Sino ang ama?”Hindi na sumagot si Ana sa tanong na iyon. “Kumusta kayo?
Alas nueve na ay hindi pa rin umuuwi si Jayzee. Binuksan niya an dating teleponong gamit at tinawagan ito. Sumagot naman ito pero narinig niya ang ingay sa background at may babae itong kausap. Nasa Zenclub ang asawa. Kung sino ang kasama nito doon ay wala siyang ideya. Must be Cindy, or Lolly o kung sino pa man. At nagsabi itong hindi uuwi dahil pinapatulog nito si Ana sa tabi niya.She was lost for a moment. Ipinikit niya ang mata para pigilan ang paglandas ng mga luha. Lumabas si Ana mula sa silid at inabutan siya sa ganoong ayos.“Diyan na lang ako matutulog sa sofa, komportable din naman d
Nakatitig pa siya sa kawalan nang biglang pumasok si Ethan at Marga sa opisina niya. Hindi pa niya gustong harapin ang dalawa pero wala ng panahon para umiwas. “Birthday bukas ni Elize at gaganapin ang salo-salo bukas ng gabi. Bring your wife and her sister dahil nasa poder mo daw siya sabi ni Dad,” wika ng kapatid. Napamura naman siya ng lihim dahil kapag mga ganoong okasyon ay hindi siya puwedeng gumawa ng dahilan para hindi pumunta. Sabado rin bukas kaya wala siyang maidadahilan. Hindi rin niya gustong malaman ng ama na hindi pa sila nagkakaayos ni Anikka dahil alam niyang makikialam ito.
Nagising si Anikka na madilim ang buong paligid. Kahit paano’y gumaan ang pakiramdam niya. Lumabas siya ng silid pero wala doon si Ana. Naisip niyang baka nag-grocery ito tulad ng suhestiyon nito kaninang umaga pero dahil gusto niyang matulog ay uminom siya ng sleeping pill na binili niya kanina sa botika.Hindi sana niya iinumin ang tabletang iyon. Sa katunayan ay tinapon niya ang una niyang binuksan. Pinagbawalan na siya ng Nanay Lucila niya dati ang ganoong tableta dahil may side effects daw. Noong high school siya kung kailan madalas siyang hindi makatulog ay palihim siyang umiinom niyon, pero nalaman din kalaunan
Hindi pa sila nakakalabas ng silid nang muling may kumatok sa pinto. Nagkatinginan sila ni Marga na parehong walang ediya kung sino ang nasa labas. Ikinagulat niya ng pagbukas ay mabungaran ang naroon na si Benedict kasama ang Papa Agusto at Nanay Lucila niya.“Papa!” Mabilis siyang yumakap sa ama at hindi napigilan ang muling pag-iyak, gayundin sa Nanay Lucila niya. “Anong ginagawa niyo dito?” tanong niya habang papasok sila ng sala. “Ipinaalam ni Benedict sa amin na buntis daw si Ana at gusto niyang makausap. Gusto ka rin naming madalaw kaya sumama na rin kami. Kahapon naman ay naaayos na ang pakikipag-usap namin
Sa halip na umuwi ay sa isang five-star hotel nagtungo sina Anikka at Papa’t Nanay Lucila niya. Nahahati ang puso niya sa kagustuhang makasama ang ama at makausap si Jayzee, pero sa huli ay inisip na mas tama ang sumama siya sa mga magulang. She needed time to think and to rest. Pagod na siya kaiisip kung paano sila maaayos ni Jayzee – o kung may maaayos pa ba. Wala silang naging pag-uusap kung hindi ang isang beses na pagpunta niya sa opisina ng asawa na hindi rin naman naging maayos.Lumapit ang ama sa kanya habang nakatanaw siya sa bintana ng suite ng hotel. Ang Nanay Lucila niya ay nasa likod lang din ng ama at ang mga mata’y puno ng pag-aalala.
Hindi mapakali si Jayzee sa opisina kaya nagtungo siya sa silid ng ama na kasalukuyang nasa meeting kasama ang isang kasosyo sa negosyo. Naghintay pa siya ng sampung minuto bago umalis ang bisita. “Anong kailangan mo?” seryosong tanong ng ama nang makita siyang hindi mapakali sa kinauupuang sofa sa silid ng ama. “Uncle Agusto took her daughter away from me last night. Ang sabi ni Ana ay wala pa sila Anikka sa bahay nila sa Camarines.”“Why did he?” tanong nitong muli. Nakakadagdag sa inis niya ang pagiging kalmado ng ama samantalang siya’y nagpupuyos ang kalooban.