Grey’s POV
“Mukhang maganda ‘to!” sambit ni Kuya Dominic at inakbayan ako. “No’ng batch natin ang nanalo sa Bloody Stages ay si Damon. Tapos ang pumapangalawa si Sean tapos Ako. Sino naman kaya ngayon?” nagpatuloy kami sa paglalakad papasok sa loob ng Devil’s Pentagon.
“Malay mo si Arthryn or si Ja-Jared?”
“Hmmm… puwede ngang sila ang manalo,” napahinto kami sa paghakbang dahil sa paghinto ng mga nasa harapan naming mga Initiates.
“MAKINIG KAYONG LAHAT. ISANG BESES KO LANG ITONG SASABIHIN AT AYOKONG PAULIT-ULIT. MALIWANAG BA?” si Prince Marvin na pasigaw kung magsalita mula sa pinakamataas na bahagi
-Bloody Red door-Jared’s POVInilibot ko ang paningin ko. Padagdag nang padagdag ang usok sa paligid, ang kakaibang init sa lugar at pati na rin ang mga pulang likido na dumidikit sa paanan ko ay umiinit na rin. Dumagdag din ang init mula sa itaas, marahil ay mga ilaw na napakatingkad ang kulay at epekto sa mga mata ng tao. Mukhang dinagdagan nila ng Emotional Test ang Bloody Stages bukod sa Mentality test, kung saan ay kakaiba ang mga nakikita namin sa paligid, isang ilusyon lamang.Lakad-takbo na ang ginawa ko dahil sa init na nararamdaman ko. Painit nang painit ang mga dugong narito na talagang nakaka paso sa balat. Kailangan kong mahanap sila Arthryn, Aldrin, at ang triplets, lalo na ang prinsesa, dahil sa’kin siya ipinaubaya ni King.
-Devil’s Pentagon, Bloody Stages-Third Person’s POV“DA SILVA BROTHER’S IS NOW OUT OF THE GAME”“What? Wait. Why?”“Bro, what happened? Why are we out of the game?!”“I don’t know… I’m just following you”“Fuck!”Halos magtaka naman ang triplets dahil sa narinig nilang anunsyo. Hindi rin makapaniwala ang mga Royalties sa nangyayari kung bakit sunod-sunod ang mga lumalabas sa Bloody Stages at hindi na matutuloy pa sa laban. Si Prince
Arthryn’s POV“Reign…” tinaasan ko ng kilay ang lalaking hinaharangan ang dinadaanan ko. Ugh! Kanina pa ako iniinis nito, ah? Simula nung nasa Bloody Blue pa kami, sinundan niya ako sa Bloody Green at ngayon ay papasok na kami sa Bloody Black and White, hindi ako nilulubayan nito at kanina pa niya akong tinatawag na Reign!Sino ba ang babaeng ‘yon?Tapos tinutulungan niya rin akong kalabanin ang mga Initiates na pinupuntirya ako. Ugh! Nakakainis lang kasi sa’kin niya pa binibigay ang mga flaglife na iyon imbes na sa kanya.“Hindi mo ba ako titigilan, ha?”“Reign…”
Aldrin’s POVNagpakawala pa ako ng round kick pero kaagad naman niyang nadepensahan ng pagpunta sa ilalim ko at kasabay no’n ay ang pagsuntok niya sa sikmura ko. Bigla naman akong bumagsak sa lupa at nagsuka ng ilang dugo. Napangiwi ako. Talagang nababasa niya ang mga gagawin kong aksyon.Ipinagpatuloy ko pa ang pag-atake at ang tanging ginagawa lamang niya ay umiwas o hindi kaya ay tapatan ang mga aksyon na ginagawa ko.Napahinto naman kaming pareho nang biglang magdilim ang buong paligid. Ang kaninang pumapatak na ulan na tila asido ay nawala na. Ang mababahong amoy ay naglaho na. Ang maingay na ungol ay nawala na rin at ang bangkay na nagkalat… nawala na rin.Anong nangyayari?
Timothy’s POVNapapikit ako nang mahinahon nang muling gumagana ang kuryente ng Devil’s Pentagon. Unti-unti na ring nagsibukasan ang mga monitor. Una kong nakita ay ang monitor na kung saan katapat ni Prince Justine. Ang monitor na ipinapakita ang mga Initiates na mga nakahiga na sa lupa sa loob ng Bloody Black and White.Sunod na bumukas ay ang mga monitor na kung saan wala nang katao-tao sa pinto ng Bloody Orange, Bloody Green, Bloody Blue at Bloody Red.In-adjust pa ni Prince Justine ang buong lugar ng Bloody Black and White at nakita namin sina Zylan, ang nobya nito na buhat-buhat niya at si Jared na pabagsak sa lupa.“Shit!” si Prince Justine at mabilis na kinuha kay Prince Marvin ang Illusi
Sean’s POVAno ba ‘yong nakita ko kanina? Nakadroga ba si Prince Raymond?” napailing ako sa naisip. “Imposible…” hindi kasi kami gumagamit ng droga. Oo, nagdedeliver at nagbebenta kami ng mga ito, transaction sa iba’t-ibang Mafia saka sa mga Hospital International, pero ang maging user ay malabong mangyari.Napatayo ako sa kamang kinauupuan ko nang bumukas ang pinto. Iniluwa no’n sina Damon at Agatha na buhat-buhat ni Damon. “Anong nangyari sa kaniya?” pagtatanong ko pero tinapunan lang niya ako ng tingin saka inilagay niya sa kama ang kaniyang nobya.“Nabalitaan kong nanalo si Arthyn. Ito ang unang beses mong matalo sa mga trainings. “ Hindi na naman niya ako pinansin. Naupo lang siya sa tabi ni Agatha saka hinaplos-h
Dominic’s POVNoong mga nakaraang araw narito kami sa bloody maze ay hindi ko sukat akalain na masasabi kong nakakaligtas kami sa mga creatures na lumalabas sa pader. Ang agawan ng armas noon ay patayan para mapatay o mapaslang din ang mga sumusugod na mababangis na hayop sa kada pagpapalit ng puwesto ng maze. Mabuti na lamang at mayroon kaming doctor dito, syempre ako lang naman. Ilan ng initiates ang ginamot ko at tinahi mga sugat nila sa katawan. Kahit pala na holographics ang mga nakikita sa paligid kahit na mga creatures ay kapag inatake ka nila, masusugatan ka talaga ng mga ito kaya dapat ay maunahan nga sila.ISANG linggo na rin ang lumipas nang malagay kami rito sa Bloody Maze. At sa tatlong araw, halos pagod ang nararamdaman namin minu-minuto. Hindi namin akalain nila Sean na malaki ang pagbabago na ginagawa rito sa bloody
Jared’s POVGusto ko mang sumipol pero hindi ko magawa. Gusto ko mang mang-asar pero ibubuka ko pa lang ang bibig ko, parang kinikilabutan na ako sa atmospera na nandito. Nakailang lunok na ba ‘ko? Basta, simula nang bumukas ang pader at niluwa no’n ang dalawang member ng Ice Breakers ay tahimik na kami. Parang may kakaiba sa dalawa. Hindi ko alam kung ako lang ba ang nakakaramdam ng kakaiba rito o talagang OA lang ako?Pero hindi eh… parang may mali lalo na nang kasunod ng dalawa ay bumukas ang gitnang parte ng bloody camp at niluwa non si King Arthur at ilan pang prinsipe.Ngayon ay nakaluhod kami. Hindi lang basta luhod kundi sa niluluhuran namin ay may mga bubog, pako, at iba’t-ibang matutulis na bagay ay narito. Nakapalibot sa amin ang sampung blood