"Okay, class dismissed." Tumayo na ko sa aking kinauupuan pagka-alis ng prof namin.
Lunch break naman na at mamaya pa ang susunod namin na klase.
"Hoy, Manang! Saan ka kakain?"
May isa na naman na paepal ang tumatawag sa akin. Hindi ko ito pinansin, hinihintay ko lang si Venuz na matapos sa pagliligpit ng kaniyang gamit.
"Aba, suplada ka ha."
"Sis, ikaw ata tinatawag ni Steve?" Siko sa akin ni Venuz pagtapos nitong isukblit sa balikat ang kaniyang bag.
&nb
Lumabas na ko sa kwarto pagkatapos kong magpalit. Sakto namang dumating si Dexie na dala-dala ang basurahan na gawa sa metal. "Oh Dexie, para saan 'yan?" sambit ni Venuz. Nginitian siya ni Dexie at pinwesto sa harap ko ang basurahan na bitbit niya. Nilagyan niya ito ng mga uling na sakto lang para sa gagawin kong pagsunog sa damit kong suot kanina lang. "Ito ba? Susunogin daw ni Boss Angelica 'yong damit niyang suot dito e." Nanlalaki ang mata ni Venuz at napatayo. "Hoy, gaga ka, sis! Bakit mo naman susunugin? Puwede naman 'yan labhan!" singhal nito sa akin. "Oh, edi labhan mo."
Nasa harap ako ng aking salamin at nakatitig sa repleksyon ko. Hindi ako natutuwa, kahit kailan ay hindi ko ginusto ang ayos na ganito. Pakiramdam ko ay sobrang linis ng pagkatao ko pag wala ang mga pekeng freckles at wig kong bangs, lalo na ang malaki kong salamin. Hindi ko talaga nakikilala ang sarili ko sa ganitong ayos. Ngayon ko lang sinubukan pagmasdan ang sarili ko ng matagal sa salamin na ganito ang aking hitsura.Napapikit ako ng mariin at saka tumayo sa aking kinauupuan. Nagsuot lamang ako ng black formal dress dahil kahit sana ay may makitang maitim sa pagkatao ko sa ayos kong 'to ngayon. Napatawa na lang ako sa naisip ko at napa-iling.Tumungo na ako sa pintuan pagkatapos kong masuot ang aking heels na kulay itim din. Pagkabukas ko ng pintuan ay nakita ko si Steve na pakatok na sa aking kwarto. Napataas ang
"May pupuntahan muna tayo bago kita ihatid sa inyo." Nagtataka akong napalingon kay Steve dahil sa sinabi nito."Sira ba ulo mo? Gusto ko ng umuwi," walang gana kong usal sa kaniya.Gabi na at gusto niya pang umalis? Gusto ko na magpahinga. Gusto ko rin muna mapag-isa pagtapos ng dinner na iyon."Basta, mare-relax ka doon.""Siguradohin mo lang at pag hindi, asahan mo bukas ay wala ka nang masisilayang sikat ng araw."Tumawa lang ito sa akin at nagpatuloy siyang magmaneho, ilang kilometro lang ay huminto siya sa isang convenience
"Hayy, grabe. Napagod ako sa mga sinakyan natin," usal ni Mama habang nag-iingat pala ng katawan.Pumwesto si Dad sa likuran niya at hinilot ang likod nito. Napangiti si Mom maging ako ay napangiti rin dahil parehso lang din naman silang napagod pero nagawa pa niyang hilutin si Mom. I just find it cute."Hon, sa tingin ko mas mage-enjoy tayo kung papasukin natin iyon." Napatingin ako sa tinuro ni Dad.Natawa ako sa hitsura ni Mom ng mapatingin ako sa kaniya. Kung si Dad ay takot sa mga heights, siya naman ay sa mga multo. Paano ba naman, gustong pasukin ni Dad ang horror house. Sa akin naman ay walang problema, at saka hindi naman sila mga totoo kaya bakit ako matatakot?&n
Third Person POVNarinig ni Steve ang paghikbi ni Angelica kung kaya't napatingin siya rito. Nakatingala ito ngunit nakapikit at hinahayaan lamang na bumagsak ang mga luha niya. Hindi alam ni Steve ang gagawin dahil ngayon niya lamang nakasama si Angelica at lumuluha pa.Gusto niya yakapin si Angelica, pero nag-iisip siya na baka magalit lamang ito at magulat na lamang na nakabulagta na siya. Ayaw naman niya iyon mangyari."Hoy, Manang! Pangit mo naman ka-bonding, ako 'tong dapat magda-drama, e," pabiro niyang usal.Pinunasan ni Angelica ang kaniyang mga luha at matalim na tumingin kay Steve. Tila hindi ito galing sa iyak dahil wala man lang bakas ng pamumugto ng kaniyang mga mata. Imbis na matakot ay natawa
Tahimik na naglalakad si Venuz papunta sa mini gazebo nila sa kanilang eskwelahan, sa katanuyan ay ngayon niya lamang ito napuntahan at nakita niya lamang ito habang naglalakad siya'y naglilibot-libot muna. Hindi naman kasi siya madalas maggala sa kanilang eskwelahan."Ang tagal naman ni Angelica," turan niya sa kaniyang sarili.Pagkarating niya sa gazebo ay nilabas niya muna ang kaniyang laptop at umupo na. Tahimik lamang siyang nagtitipa sa kaniyang laptop."Hoy!" Halos malaglag ang puso niya sa biglaang pagsulpot nila Trixie sa lugar."Sira ka! Bakit naman kayo nanggugulat?!"
"Please...don't cause any trouble here."Agad na napatingin si Angelica sa kamay na humawak sa kaniya, marahas niya itong tinanggal sa pagkakakapit sa kaniyang bewang. Para sa kaniya ay wala siyang panahon sa mga ganoong eksena."Really? Right in front of me?! Nice, Kurt," sarkastikong usal ni Alex sa dalawa."Why? We don't have any feelings for each other, remember?" Hindi makapaniwalang napatingin si Alex kay Kurt.Hindi niya akalain na magagawa nitong isiwalat ang tunay nilang nararamdaman sa isa't-isa. Tanging alam ng mga estudyante sa buong eskwelahan ay engaged at gusto nila ang isa't-isa. Halos malaglag ang panga ng kanilang mga kak
Isang malaking pagsabog ang nangyari sa field ng kanilang unibersidad. Buti na lamang ay walang mga estudyante ang nakatambay sa lugar ng mangyari iyon pero hindi pa rin nakaligtas ang mga ibang malapit sa pagsabog.Ang mga bintana ng mga silid ay nabasag, break time nila ng mangyari ang aksidente. Kaniya-kaniyang takbuhan ang mga estudyante, ang mga iba rito ay gusto ng makalabas ngunit hindi sila pinapayagan ng mga lalaking hindi nila kilala. Hindi rin nila magawang umakyat ng bakod dahil sa taas ng pader nito. Marami na ang nagsisi-iyakan at nagwawala.Ang grupo ng Vermin kasama si Venuz ay tumakbo papunta sa pinanggalingan ng pagsabog. Nagulat na lamang sila dahil may mga kalalakihan na nagsisidatingan, may mga hawak itong baseball bat. Ang iba sa mga kasamahan nito ay nakikipagbuno sa