Pagkatapos sabihin iyon ni Vanadium ay wala na ulit nagsalita sa kanilang dalawa. Nanatili lamang siyang nakahiga at nang mag alas otso na ng umaga ay pinaliguan siya ni Vanadium. Ayaw pa nga niyang magpatulong pero hindi talaga niya kayang bumangon o miski man lang ay maglakad. Pulang-pula ang buong mukha ni Olivia dahil sa hiya pero parang wala lang ito kay Vanadium kaya hanggang sa matapos siyang paliguan ay tanging pasasalamat lamang ang nasambit niya.
Nandito na sila ngayon sa ospital na malapit sa bahay ng Senyorito niya. Ito pala ang dahilan kung bakit pinaliguan siya nito kanina. Tapos na siyang icheck-up ng babaeng ob gynecologist. Hinintay niya na lamang na pumasok ulit si Vanadium dahil siya na daw ang kakausap sa doctor.
Makalipas lamang ang ilang sandali ay pumasok si Vanadium pero nakasunod naman sa kaniya ang doctor ka
Kinahapunan ay nakalabas naman kaagad si Olivia sa hospital. Nandito siya ngayon sa kusina ng bahay ni Vanadium dahil gusto niyang kumain ng kanin saka ulam. Gusto niya nga sanang mag drive thru na lang kanina sa Mcdo pero hindi pumayag si Vanadium. Kalalabas niya lang daw sa hospital at bawal pa sa kaniya ang kumain ng fast food kaya wala naman siyang magawa kung hindi sumang-ayon na lamang. Ipagluluto na lang daw siya ni Vanadium para sure raw na masustansya ito. Muntik na nga siya kaninang mabilaukan sa sariling laway dahil hindi niya alam na marunong palang magluto ang kaniyang Senyorito. Unang beses niyang mapanood kung paano magluto ang isang Vanadium Abejero kaya hindi niya talaga ito palalampasin. Minsan lamang ang ganitong pagkakataon kaya susulitin na talaga niya.Nagsuot na muna ng apron si Vanadium saka hinugasan ang mga gulay na kaniyang lulutuin. Hinanda niya na rin pati ang kar
Bumangon na siya sa kaniyang higaan at kaagad na lumabas ng kaniyang silid. Tahimik niyang binabagtas ang daan patungo sa kusina ngunit kaagad siyang napatigil nang makitang nakatayo si Vanadium sa harapan ng kanilang wedding picture ni Isabel na nakadisplay sa sala ng bahay. Klarong-klaro kasi na si Vanadium iyon dahil bukod sa silang dalawa lang naman ang nakatira rito ay nasisinagan din ng buwan at ilaw na galing sa kanang bahagi kung saan nandoon ang front door ang mukha ni Vanadium. Napangiti ng palihim si Olivia at napagdesisyunang batiin si Vanadium. Nang medyo malapit na siya ay agad niyang napagtanto na kinakausap niya pala ang litrato ng namayapang asawa. Kahit na medyo mahina ang pagkakasabi nito ay malinaw pa rin niya itong narinig,“I love you, hon...” Bigla siyang napatigil sa paghakbang at unti-unting nawala ang ngi
Bumangon na siya sa kaniyang higaan at kaagad na lumabas ng kaniyang silid. Tahimik niyang binabagtas ang daan patungo sa kusina ngunit kaagad siyang napatigil nang makitang nakatayo si Vanadium sa harapan ng kanilang wedding picture ni Isabel na nakadisplay sa sala ng bahay. Klarong-klaro kasi na si Vanadium iyon dahil bukod sa silang dalawa lang naman ang nakatira rito ay nasisinagan din ng buwan at ilaw na galing sa kanang bahagi kung saan nandoon ang front door ang mukha ni Vanadium.Napangiti ng palihim si Olivia at napagdesisyunang batiin si Vanadium. Nang medyo malapit na siya ay agad niyang napagtanto na kinakausap niya pala ang litrato ng namayapang asawa. Kahit na medyo mahina ang pagkakasabi nito ay malinaw pa rin niya itong narinig,“I love you, hon...”Bigla siyang napatigil sa paghakbang at unti-unting nawala
Matapos niyang kumain ay kaagad din siyang bumalik sa pagkakahiga. Parang pagod na pagod ang buong katawan niya at gusto niya na lang humiga buong maghapon. Pinabayaan niya lang rin sa tray ang pinggan na wala nang laman at ang isang basong orange juice. Ayaw niya kasi sa lasa nito at buti naman may tubig rin na hinanda si Vanadium para sa kaniya.Malalim siyang napahinga at tamad na bumangon, gusto niya kasing magbasa ng kahit ano at bigla niyang naalala na may binigay pala sa kaniyang pocketbook sina Moly no’ng minsang nag-usap sila kung ano ang kanilang paboritong gawain at nagkataon namang parehas sila ng kinahihiligan kaya agad na pinahiram nila si Olivia. Hindi na ito kinuha ng tatlo sa kaniya kaya naman hinayaan niya na lang hanggang sa nakalimutan niya na ang tungkol dito.Nang makuha ang mga pocketbooks at nalagay sa k
Ilang linggo na rin ang nakalipas at bumalik naman kaagad sa dating sigla ang kaniyang katawan, ‘yon nga lang madalas siyang inaantok at gutom. Napansin naman ito ni Vanadium kaya nag stock siya ng maraming pagkain sa ref. Ipinagpasalamat naman iyon ni Olivia dahil nahihiya siya na magsabi sa kaniyang Senyorito at ang kaniyang sweldo ay ipinadala niya ng buo sa kaniyang mga magulang. Mabuti na nga lang at patuloy pa rin siyang sinasahuran ni Vanadium kada huling linggo ng buwan kaya hindi nagtataka ang kaniyang mga magulang. Madalang na rin naman kasi silang nag-uusap sa telepono dahil anihan ngayon ng mga pananim nila.“Gutom na naman ako,” buntong hiningang sambit ni Olivia sa sarili. Agad siyang tumayo sa pagkakasalampak sa sahig at nagpunta sa kusina. Nang makarating sa tapat ng ref ay kaagd niya itong binuksan. Bumungad naman sa kaniya ang sari-saring pagkain ngunit wal
Kinabukasan ay maaga siyang gumising upang ipaghanda ng almusal si Vanadium. Nang makapasok sa sala ay agad siyang napangiti nang makitang mahimbing na natutulog ang lalaki. Tahimik siyang pumunta sa kusina para hindi maistorbo ang huli. Kaagad naman niyang inihanda ang dapat na gagamiting gamit saka nagsimulang magluto. Isinabay niya na rin ang kanin para makakain agad silang dalawa ni Vanadium. Nagluto lang siya ng simpleng scrambled egg at hotdog. Nagtimpla na rin siya ng black coffee para kay Vanadium at gatas naman ang para sa kaniya. Ayaw niya na kasi sa lasa ng kape at nasusuka siya kung matiktikman niya ito. Nang matapos maluto ang lahat ay agad naman siyang naghain. Akmang gigisingin na sana niya ang kanyang Senyorito nang makita niya itong nakatayo sa may pintuan at nakatitig lang sa kanya. “A-Andyan na ho pala kayo, Senyorito.” Utal na sambit ni Olivia “Yeah,” tango naman ni Vanadium. “Actually, kanina pa ako rito.” “Ho? Bakit hindi ho kayo pumasok?” takang tanong ng dal
Chapter XXIIMatapos ang pangyayaring iyon sa sala kahapon ay higit na naging maingat sa kaniya si Vanadium. Konting kilos lang niya ay kaagad siya nitong alalayan na ipinagtaka naman ng dalaga. Ano’t naging ganito ang kinikilos ng kaniyang Senyorito? Pero dahil gusto naman niya ang mga kinikilos nito, hindi na siya nagreklamo at binalewala na lamang ito.“Olivia,” napaigtad ang dalaga at narinig ang katok sa pinto ng kaniyang silid.Nakapakunot ang noo ni Olivia dahil akala niya ay naka-alis na ang lalaki. Dahan-dahan siyang tumayo mula sa pagkakahiga sa kaniyang kama, dahil balak sana niyang matulog ulit.Nang makarating siya sa tapat ng pinto ay agad niya rin itong binuksan. Nakita niya si Vanadium na nakakunot ang noo habang may dala-dalang brief case at nakasuot ng kaniyang common na office attire.“Bakit ho?” takang tanong ni Olivia.“Go to the kitchen. Eat your breakfast,” may halong lambing at pag-alala ang boses ni Vanadium.“Wala ho akong gana, Senyorito.” “Just a little b
Chapter XXIII“You ready?” tanong ni Vanadium ng makitang nakalabas na siya sa kanyang silid.Ngayon kasi ang napagdesisyunan nilang araw na pupunta silang ospital para raw magpa check up. Hindi naman alam ni Olivia kung bakit babalik na naman sila doon. Parang naging suki na ata siya ng hospital ah?Bumuga naman muna siya ng hangin bago ngumiti at saka dahan-dahang tumango. Eh ano pa nga ba ang magagawa niya ‘diba? Si Vanadium pa rin naman ang masusunod dahil para rin naman daw ito sa kabutihan niya.Mabilis naman silang nakarating sa ospital dahil wala pa masyadong traffic sa daan. Matapos ma-park ni Vanadium ang sasakyan ay dali-dali siyang nagpunta sa may shotgun seat para pagbuksan ng pi