Share

Chapter 21

Kinabukasan ay maaga siyang gumising upang ipaghanda ng almusal si Vanadium. Nang makapasok sa sala ay agad siyang napangiti nang makitang mahimbing na natutulog ang lalaki. Tahimik siyang pumunta sa kusina para hindi maistorbo ang huli. Kaagad naman niyang inihanda ang dapat na gagamiting gamit saka nagsimulang magluto. Isinabay niya na rin ang kanin para makakain agad silang dalawa ni Vanadium. Nagluto lang siya ng simpleng scrambled egg at hotdog. Nagtimpla na rin siya ng black coffee para kay Vanadium at gatas naman ang para sa kaniya. Ayaw niya na kasi sa lasa ng kape at nasusuka siya kung matiktikman niya ito.

Nang matapos maluto ang lahat ay agad naman siyang naghain. Akmang gigisingin na sana niya ang kanyang Senyorito nang makita niya itong nakatayo sa may pintuan at nakatitig lang sa kanya.

“A-Andyan na ho pala kayo, Senyorito.” Utal na sambit ni Olivia

“Yeah,” tango naman ni Vanadium. “Actually, kanina pa ako rito.”

“Ho? Bakit hindi ho kayo pumasok?” takang tanong ng dal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status