Share

Chapter 22

Hindi niya alam kung dahil sa tequilla kaya siya nakatulog agad. naka off ang ohine biya para sigurado siyang walang aabala sa pagtulog niya.

Malaki ang kama ni Ami na bilog, kahit gumulong sila dito ay okay lang. Ang weird ng taste ng kaibigan niya, dahil pati upuan at lamesa, bilog din.

Minsan, tinanong niya ito kung bakit ganoon ang type nito, ang sabi ng babae, ayaw daw nito ng may corner. Kasi may titigilan ang blessings. kaya maganda daw bilog, paikot ikot lang.

Pagkagising niya bandang alas diyes, naglolotion na si Ami, halatang bagong ligo. Inopen niya ang cellphone niya, tumunog ito ng sunod sunod kaya iminute nya.

"Woooow ang dami ha!!" sabi ni Ami, "malamang, minumura ka na ni Harvy."

"Hayaan mo nga siya. Bakit hindi mo ko ginising?" tanong niya dito saka tinupi ang kumot.

"Kakagising ko lang din naman. Naligo lang ako. Pero gigisingin na rin sana kita, naunahan mo lang ako. Kumusra ang tulog mo?"

"Okay naman.. mamaya, tatawagan na ko ni papa, sigurado yan."

"Okay lang yan,
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status