POV: Dahlia
Umaga na pala. Aasikasuhin niya pa ang pagkain ng ama. Gising na si Lolo A kaya madalu na siyang makakapagpaalam. Naligo muna siya saka nagbihis ng panralin at blouse. Pinakain nya muna si Lilo A, kasabay ng kanyang ama. Eksakting tapis na ito, dumating na sina tita Alma.
"Lolo, aalis po muna ako, bye po Lolo pogi" nafmano siya saka humalik sa pisngi ng matanda.
"Mag iingat ka" mahinang tugon nito saka kinurusan siya sa hangin.
Madasalin talaga ito. Hindi na niya inabot ang asawa ng matanda. Ang sabi sabi, nabuntis lang daw ito ni Lolo A, namatay pagkapanganak kay tito John. Siya naman ay lumaking wala na ring ina, namatay naman panganganak sa kanya.
Hindi na niya matandaan kung paano sila napunta kina Harvy, ang pagkakaalam niya, inalok ni Lolo A ang tatay niya ng trabaho at isinama sa bahay nito. Mga kasambahay pa ang nagpalaki sa kanya at paminsan minsan inaalagaan siya nina tita Alma, dahil wala silang anak na babae.
Sumakay siya sa angkas rider para mabilis makarating sa pupuntahan. Pagdating niya sa condo building, binati siya ng mga gwardiya.
"Mam Dahlia, kumusta po?"
"Okay naman po, andyan na ba si Harvy?"
"Opo, kanina pa po siya dyan, may delivery pong pagkain sa inyo daw po ipaakyat." Iniabot sa kanya ang dalawang plastic.
"Salamat po, sige po aakyat na ko." Paalam niya.
"Ang ganda ni mam no? Kung binata ako liligawan ko yan." Sabi ng isang guard.
"Kung binata ka man, hindi ka papatulan niyan" sagot ng isa.
"At bakit naman?"
"Manalamin ka kaya!"
Pinindot na niya ang elevator at may mga kasabay siyang pumasok.
"Kumusta po kayo mam Dahlia?" Bati ng mga ito.
"Mabuti naman po. Dahlia na lang po nanay, wag na pong may mam" nahihiya niyang sabi.
"Napakahumble nyo talaga mam" sagot ng isa.
Napangiti na lang siya sa tinuran nito. Pagbukas ng pinto, nagpaalam na siya.
"Uuna na po ako sa inyo, ingat po kayo" yumuko pa siya ng bahagya.
Hinanap niya ang unit ni Harvy. Nalito ata siya dahil nag iba ang design ng mga pinto. Nalaman niya lang na sa lalaking room yun ng may makita siyang pangalan sa gilid ng unit. Kumatok siya saglit. Hindi naman nagtagal, binuksan ito ng lalaki.
"Ang tagal mo naman" reklamo nito na tinalikuran siya.
"Sorry ha?! Nag asikaso pa kasi ako sa ospital, nakakahiya naman sayo!" Pambabara niya dito.
"Iready mo na ang pagkain at nagugutom na ko!"
Kumuha lang siya ng plato para sa kanya, nagulat ang lalaki paglabas ng kwarto kumakain na siya.
"Hello? Sayo lang ang inasikaso mo?" Nakataas ang kilay na tanong nito.
"Bakit? Imbalido ka ba? Hindi mo kayang maglabas ng pagkakainan mo?" Tanong niya dito habang sumusubo ng pagkain.
Napailing na lang ang lalaki sa isinagot niya. Kumuha ito ng sariling plato at baso saka tubig. Subalit nung kukuha siya ng tubig mula sa kinuha nitong pitchel, hinila ito ng lalaki.
"Kumuha ka mag isa mo, hindi ka naman imbalido!"
"Jusko Lord!" Niligpit niya ang pinagkainan at hinugasan ang mga ginamit saka uminom ng mineral water na nasa bote. Naupo siya sa bar counter at nagtimpla ng kape. Kumuha siyang magasin saka nagbasa ng mga article. Hinintay na lang niyang matapos ang lalaki pagkain.
Hindi pwede sa kanya ang mga ganitong klase ng tao na uutus utusan siya ng walang kagalang galang. Matuto itong lumugar.
Nawiwili na siya sa pagbabasa at panonood ng mga artista sa magasin ng marinig niya ang tikhim nito.
"I'm done, dun tayo sa sala" yaya nito sa kanya.
Sumunod siya sa lalaki at naupo na siya. Pumasok ito saglit sa kwarto at paglabas may dala itong folder.
"Anong pag uusapan natin?" Tanong niya.
"As you know, alam kong may kopya ka na nito at nabasa mo na to, gusto kong pag usapan natin ang nilalaman niyan" itinuro nito ang folder na inilapag.
Ginagawa pa lang ito, kinausap na siya ni Lolo A... Hindi niya malimutan ang tagpong ito..
*Flashback*
"Pakasalan mo ang apo ko. Alam kong may lihim kang pagtingin sa kanya" noong minsang ipatawag siya nito sa opisina.
"Po? Naku.. naku hindi po totoo yan" sagot niya.
"Nakakapawis ba ng ilong ang pagsisinungaling Dahlia?" Tanong ulit nito.
Malalaman ng tao na nagsisinungaling siya kapag nagbutil butil ang pawis sa kanyang ilong. Napayuko na lang siya.
"Pe..pero Lolo, hi.. hindi po papayag yun" sagot niya "may girlfriend na po yun."
"Alam ko. At hindi ko gusto ang babaeng yun, noong una, akala ko, liligawan ka niya lalo pa at madalas na kayong magkasama sa opisina. Pero biglang nagdala ng ibang babae. Kaya kailangan gumawa na ko ng hakbang."
"Baka mag asawa na lang po yan kapag arrange marriage ang gagawin sa kanya."
"Ako ng bahala dun hija. Basta pumayag ka lang. Gusto mo ba?"
"Lolo naman.. siyempre po.. mahal ko siya."
"Yan lang ang iniintay kong sagot mo. Kaya mo ba siyang paibigin sa loob ng isang taon?"
Nag isip siya.. "mga.. mga tatlong taon po lolo. Bigyan nyo ako ng three years."
"Oh, sige, three years ha.."
"Paano po.. kapag hindi siya nainlove sakin in three years?"
"Kawawa naman siya, so pababayaan na natin siya. Kung sino ang gusto niya. Kaya galingan mo."
Ang hindi niya alam ay ang magiging kasunduan sa testamento. Matalino talaga ang matanda. Blinackmail nito si Harvy para pumayag. Kaya alam niyang magpapakasal na ito sa kanya.
*End*
"Hey, nakikinig ka ba?" Tanong ni Harvy sa kanya.
"Ah.. oh ..oo naman"
"Anong sinasabi ko?"
"Nagsasalita ka na ba?"
"Bakit kasi gising ka naman pero para kang tulog!"
"Pasensiya na medyo puyat kasi ako."
"Same pa rin ng agreement na napag usapan natin sa kotse. Meaning magtatyaga tayo sa isa't isa sa loob ng tatlong taon. Hiwalay ng room. Kung may boyfriend ka, pwede mong papuntahin sa bahay or patulugin at palalabasin nating kaibigan mo. Ganun din naman sakin. Kapag may mga date sa iba, kasama ang isa't isa para iwas tsismis. Tatlong taon lang naman, kaya nating pagtiisan yan."
"Papayag ako sa gusto mo? Sigurado ka?"
"Ofcourse. Kailangan mong pumayag."
"Paano kung ayoko?"
Natigilan ang lalaki sa sinabi niya. Bigla itong napatingin sa kanya. Tinging nakakapaso at nakakatunaw.
POV: Harvy Hindi niya inaasahan ang isinagot sa kanya ni Dahlia. Kung hindi papayag ang babae, siya ang talo. Kaya hindi siya nakapagsalita sa sinabi nito. Bigla siyang kinabahan, kung hindi papayag ang dalaga sa gusto niya, may mamanahin ito, siya ay wala. Kaya kailangan mag isip siya ng tama. Mataman niya iyong pinagmasdan, nakipagtitigan ito sa kanya. Alam ng babae kung saan ang weakness niya. Ipinilig niya sa ibang direksiyon ang kanyang ulo. Parang dito siya magkikita ng kasagutan sa mga gamit sa kanyang unit. Tiningnan niya ulit ang dalaga, nakatingin pa rin ito sa kanya. Kaya siya na lang ang bumasag sa katahimikan nila. "Anong kailangan kong gawin para pumayag ka?" tanong niya dito sa mababang tinig. "Una, isasama mo ako sa lahat ng lakad mo. Pangalawa, no more boys night. Pangatlo, hindi mo ako alila para utus utusan mo ako. Pang apat, let me handle all the finances, in short, magiging asawa talaga ako sayo. Okay lang din sa akin kung hindi tayo magsasama sa kwarto. Ayok
POV: Dahlia Muli silang nagkita ni Harvy sa ospital. Medyo malakas na si Lolo A. Nakikipagbiruan na ito sa kanila. Nakakatawa na ito na tulad nung dati. "Oh, kailan ba ang kasal" tanong nito habang pinapakain ito ng kanyang anak na si John. "Mag uusap pa kami ni Dahlia lolo, pero as soon as posible sana, makapagpakasal na kami." Sagot ni Harvy. "Mabuti naman kung ganon na magkakasundo na kayong dalawa, mahirap yung ikakasal kayo pero kayo ay magkagalit." Natatawa si Lolo A "yung venue ng reception, doon sa isa nating hotel, anong palagay nyo?" "Sige po lolo kung saan kayo mas convenient" sagot niya. "Ano pong gusto nyong kulay ng motif?" "Naku, nakakahiya namang ako ang pipili ng kulay eh kayo naman ang ikakasal." Sagot nito "Gusto ko po sana Gold and black" sagot niya "maganda po kasi ang contrast nilang dalawa." "Gusto ko rin yan hija" patango tango ang lolo ni Harvy. "Sino ang gusto nyo lolo na maging ninong at ninang namin?" Tanong ni Harvy. "Kilala niyo na naman ang lah
POV: HarvyNaalala niya ang farm na ireregalo sana sa kasintahang si Audrey kapag ikinasal na sila. Subalit wala na siyang choice, baka mapikon pa sa kanya si Dahlia. Iniiwasan niyang magkamali dito, dahil na rin sa pakikisama nito sa kanya.Hindi si Dahlia ang tipo niyang babae. Ayaw niya ng masyadong maliit. Mukhang 5'3 lang ito, samantalang siya ay 6'2. Hanggang balikat lang niya ito. Saka ang wavy ng buhok nito, Hindi rin ito kaputian. Angbtamang description dito ay cute. Nakadagdag sa appeal nito ang mga dimples sa pisngi. Samantalang si Audrey ay halos kasing taas niya. Ang sexy nito at ang kinis. Gustong gusto niya kapag 'dirty time' nila na ipinupulupot nito ang mga legs sa kanyang balakang. Mukha itong foreigner na pangahan. Ang buhok nito ay kumikinang kapag tinatamaan ng liwanag. Ang dibdib ng babae ay parang laging nanunukso sa laki, samantalang kay Dahlia ay parang sakop lang ng cup A lahat.Si Dahlia ay diretso magsalita. Wala siyang pakialam kung masasaktan ka niya, ma
POV: Dahlia"Tama ba ang disisyon ko? tama ba?" pabalik balik siya paglakad sa kwarto niya "Oo.. tama.. tama siguro... hindi. mali yun... maling mali. Hindi dapat ako pumayag. Alam mo Dahlia gaga ka talaga!"Nakaharap siya sa salamin habang kausap ang sarili."Hoy bulaklak na tuyo!" ginulat siya ng kaibigan. Si Amihan ang kaibigan niyang sobrang rupok. "anong ipinagsisintir mo diyan?""Naku Ami ha, wag mo akong mabatangas batangas ng salita at baka mainis ako sayo!""Jusko dai naman! bay ga bugnot ka na naman? may regla ka no?""Hoy ang bibig mo naman, nakakahiya baka marinig ka sa labas!" awat niya dito."Oh ih ano na ga ang nangyari sa pulong ninyo ng iyong sintang irog?""Tigilan mo nga ako Amihan. Naiirita na ako sa Batangas batangas words mo ha!""Ay ano gang magagawa ko ay garne ako sadya. Sus naghahanap ka laang ng pagsusulingan ng iyong inis. Ano gang nangyari?""Reregaluhan niya ako ng farm."Naibuga ni Amihan ang sinusupsup na milktea, talsik ito sa kanyang sapatos."Amihan,
Paglabas nila ng Pandora, nakasalubong nila sina Harvy at Arvin. Nagulat pa ito ng makita sila."Anong ginagawa nyo dito?" tanong ni Harvy."Bumili, kita mo oh?" itinaas niya ang paper bag."Tamang tama pala na nandito ka na, bumili na tayong wedding ring" sabi nito."Hi Ami" bati ni Arvin."Tse!" sagot ng kaibigan.Dating nililigawan ni Arvin si Ami. Subalit sa hindi malamang dahilan, ginhost ni Arvin ang kaibigan. Simula noon, hindi na ito nakakausap ng maayos ni Arvin. Nahawa ata ito sa kanya.Ilang beses na nitong pinatawad si Arvin noon, pero ginhost lang ito, kaya sa sobrang inis nito halos isumpa na nito si Arvin."Galit ka pa rin sakin?" tanong ni Arvin."Ay hindi, tuwang tuwa ako sayo. Napakabait mo eh. Napaka.." sabay irap nito sa lalaki."Tara na sa loob Dahlia. At baka madamay pa tayo sa dalawang yan" aya ni Harvy sa kanya."Harvy, anong madamay? madadamay ka lang kapag kinampihan mo yang kaibigan mong multo!" sagot ni Amihan."Paano ako makakapag explain sayo i nakablocke
POV: AudreyNawiwili siyang manood ng mga fashion week sa Paris. Noon ay isa siyang modelo, subalit dahil na rin sa drugs na kinasangkutan niya noon, na banned siya sa international scene. Kaya mas pinili niyang umuwi na lang ng Pilipinas. Noong una, okay naman ang buhay niya pag uwi ng Pinas. Yun nga lang, nauubos ang kanyang pera. Kaya sinabihan siya ng kanyang mga magulang na humanap na lang ng lalaking bubuhay sa kanya.Kaya lagi siyang nasa club, naghahanap ng pwedeng maging prospect. Sa unang dalawang buwan, wala siyang nahanap. Kung hindi matanda, may asawa naman. May mga may hitsura naman pero mga hampaslupa.Nawawalan na siya ng pag asa. Napapunta siya sa isang stag party. May disco bar kaya nakipg sayaw siya. At itong lalaking ito, ang nag approach sa kanya."Ako si Harvy Austria"Tumunog agad ang bell niya sa ulo. BINGO!!!!Ito na ang hinihintay niya. Ang lalaking ito ay bukambibig ng mga babaeng nakikilala niya. Kaya may background check na ito mula sa kanya."Audrey Rive
POV: HarvyIsang tawag ang pumukaw ng kanyang pagmumuni muni. Si Audrey! Ang alam niya ay next month pa ito uuwi. Pero ang number na gamit ay number na sa Pilipinas."Honey, nakauwi na ko." masayang sabi nito sa kanya."Hindi ka man pang nagsabi na uuwi ka" sagot niya."Surprise?""Yes of course! asan ka ngayon?""Nasa bahay ako. kararating ko lang eh. I miss you!""I miss you too.""Puntahan na lang kita ha?""Magkita na lang muna tayo sa resto na paborito nating puntahan bukas.""Oh sige.. saka san tayo pupunta sunod? your place?""Basta gusto ko magkita muna tayo.""Siyempre naman" halata ang excitement sa boses nito "oh sige na, magpapahinga muna ako. I love you bye!""I love... shooot pinatay!" naiiling niyang sabi. "Paano ko sasabihin sa kanya.Magagalit yun. Sana maunawaan niya ang sitwasyon ko. Ayoko man siyang iwan pero wala naman akong magagawa. Nakasalalay dito ang future naming dalawa. Sinabi pa ni lolo na ipupull out ang investment sa kanila kapag hindi ako nagpakasal kay
POV: DahliaNakaupo siya sa sofa sa hospital room. Mataman niyang iniisip kung ano ang gagawin niya para mainlove sa kanya ang pinakamamahal niyang si Harvy. Grabe naman kasi ito, kung mahabol si Audrey akala mo wala ng ibang babae sa mundo. Pang model nga ang katawan at mukha kaso ugaling demonyita naman! Si lolo A ay umaayos na ang lagay. Minsan iniisip niyang nagdadahilan na lang ito. Kapag may gusto itong irequest, bigla itong humihina. Kapag napagbigyan, biglang lumalakas."Saka ko na tatanungin si Lolo kapag naikasal na ko. Tatlong taon, yun ang palugit ko sa sarili ko para mafall sakin si Harvy. After non, bahala na kung magtagumpay ako o hindi. Sana lang, ayon ang panahon sakin.Kung pera din lang naman ang gusto ko, sana hindi ko na siya pakasalan dahil makukuha ko na ang kalahati ng yaman niya Ewan ba sa puso ko siya pa ang...""Hoy!!! naimik ka na naman dyan mag isa! may hangin na ata ang ulo mo!" ginulat na naman siya ni Ami. Para talagang hangin ang babaeng ito, hindi