Share

Chapter 11

Alas nuebe ng gabi nang lumapag ang pribadong eroplano na sinasakyan nila Louise sa paliparan ng Denmark. Wala na silang dapat ikabahala pa dahil ligtas ang paglapag nila sa gabi na iyon.

Isinuot niya ang itim na facemask. Tumayo na siya para sumunod kay Faith pababa. Deri-deritso lang ang lakad niya hanggang makarating sa van na naghihintay sa kanila. Nang pumasok na si David sa loob ng van at naupo sa tabi niya ay umandar na ang van paalis.

Hindi na siya makapaghintay na makitang muli ang kanyang Ina. Nasasabik na siya na mayakap ito. Napakarami niya rin ditong gustong sabihin at ikuwento. Sa mga panahong wala siyang ala-ala, kung may nangyaring hindi maganda sa kanyang Ina dahil wala siya sa tabi nito ay hindi niya talaga mapapatawad ang sarili.

Nahinto ang pag-iisip niya sa mga sandaling iyon nang huminto ang sinasakyan nilang van. Nagkatinginan silang dalawa ni David at sabay na tumingin sa driver seat, kung saan nandoon ang driver na nagmamaneho.

"Check point," bulalas ni Alec
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status