Share

Chapter 12

"Hindi kasalanan ng isang anak ang kasalanan ng Ama," wika ng Ina ni Louise habang nagpapagpag si Louise ng hihigaan niya.

"Alam ko yun, Ma," sagot ni Louise sa kanyang Ina. "Hayaan mo muna ako iproseso ang mga sinabi ni David. Kung talagang nagbago na si Olga, mabuti kung ganon. . . Pero ngayong gabi, ayaw ko muna sila isipin. Gusto ko muna matulog nang mahimbing habang katabi kita. Pwede ba yun, Ma?"

Nagbuntong-hininga ang Ina ni Louise bago tumayo at lumapit sa kanya. Ngumiti ito at tumango. "Matulog na tayo. Ipagluluto kita bukas ng almusal."

Nang gabing iyon katabi niya ang kanyang Ina habang nakayakap ito sa kanya. Pero tila kabaligtaran sa gusto niya ang nangyari dahil sa halip na makatulog siya nang mahimbing ay dilat na dilat pa rin ang kanyang mga mata kahit madaling araw na. Hindi siya makatulog. Hindi siya pinapatulog ng mga nalaman niya.

Noon pa ma'y wala na siyang patunay na kasabwat si Olga ng kanyang Uncle Octavio o may kinalaman ito sa mga pagtatangka sa buhay niya. H
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status