Share

CHAPTER 14

Sa isang silid sa pangalawang palapag ng mansyon kami nagtungo. At kagaya ng nais ko, kasama ko sila Nay Celeste sa pagpanhik patungo sa opisina ni Stephen.

"Sa dinami-rami nang makakapulot sa'yo, itong sila Celeste pa talaga." Panimula ni Stephen noong tuluyang nasa loob na kami ng opisina nito. Nakaupo na kami ngayon nina Nay Celeste sa sofa at nasa harapan namin si Stephen na prenteng nakaupo namna sa pang-isahang upuan. Sila Tay Manuel at Dawnson naman ay nakatayo at tahimik lamang sa may gilid namin. "That was a surprise to me. Hindi niyo ba naramdaman ang kapangyarihan nitong pamangkin ko?"

"Stop it already, Stephen. Stop wasting our time. Sabihin mo na ang nais mong sabihin kay Ice,” malamig na turan ni Nay Celeste sa lalaki.

"Ice? Is that your new name now?" Nakangising tanong nito habang nakatingin pa rin sa akin. "But Beatrice is much way better than Ice."

Napailing na lamang ako dito at humugot nang isang malalim na hininga. Gusto ko nang malaman kung ano ang pakay nito sa akin at kung hindi niya ito agad sasabihin ay talagang nagsasayang lang kami ng oras dito.

"Stephen," sambit ko sa pangalan nito at tiningnan ito sa mga mata niya.

I froze.

“Huwag na huwag kang tititig nang matagal sa mga mata ni Stephen.”

Natigilan ako noong maalala iyong sinabi ni Nay Celeste sa akin kanina. His eyes. May kung ano sa mga mata nito. At sa isang kurap lang nito ay biglang nagbago ang kulay nito. Natigilan ako at bahagyang napakunot ang noo. What is this? Bakit isang mata lang nito ang nagbago ang kulay?

Red.

A bloody red eye color.

"Stephen is not an ordinary Lunar. May kakayahan din ito kagaya ng iba pang miyembro ng pamilya niyo. He can easily defeat his enemy with his eyes. Kaya nitong ipagawa ang isang bagay na labag sa kalooban ng sino man,"

"Ice." I heard Nay Celeste called me. Hindi ko ito binigyan pansin at nakatingin lamang ako sa mga mata ni Stephen. I was hooked by his eyes. Ngayon lang ako nakakita ng ganito klaseng mga mata! I already saw Dawnson and Mavi changed their eye colors pero iba itong kay Stephen! Paanong isa lamang sa dalawang mata nito ang nagbago ng kulay?

"It's been years since Beatrice was gone, Stephen. Pabayaan niyo na lang itong mamuhay nang payapa," rinig kong sambit ni Tay Manuel sa likuran namin.

"She's a Lunar, Manuel. She can't live a normal life. Alam niyo iyan," anito habang hindi pa rin nito inaalis ang paningin sa akin.

"Beatrice, I want you to stay with me. The Lunars need you."

Napakunot ang noo ko sa narinig. Pasimple kong tiningnan ang silid na kinaroroonan namin at hinanap ang may-ari ng boses na narinig.

What was that?

"Nagawa na niyang mamuhay bilang isang normal na tao, Stephen, kaya naman ay pabayaan mo na ito," dagdag pa ni Tay Manuel sa isang malamig na tono.

"You'll stay here. Hindi ka na aalis dito."

Stephen? No way… That was his voice! Really? Ito ba ang sinasabi ni Nay Celeste sa akin? Is he using his eye ability to me? Sinusubukan ba nitong pasunurin ako sa nais niya?

Naipilig ko ang ulo pakanan at umaayos nang pagkakaupo. Muli kong tiningnan si Stephen at napa-arko na lamang ang isang kilay noong mamataan ang ekspresiyon nito sa mukha. Looks like he’s trying to control me. But I guess, hindi ito gumagana sa akin. I still owned my mind right now. Kahit anong bulong nito sa isipan ko ay hindi ito gumagana sa akin. Hindi nito kayang angkinin ang isipan ko.

A small smile escaped from my lips.

Kita kong natigilan si Stephen sa kinauupuan nito at mabilis na napaayos nang upo. Kumurap itong muli ng isang beses at mabilis na bumalik sa normal ang kulay ng isang mata nito.

"I want her to stay here, Manuel. Dito siya nararapat. She's still a Lunar, after all," ani Stephen at mabilis na nag-iwas nang tingin sa akin. Mayamaya pa’y may kinuha ito sa bulsa ng suot niyang itim na jacket.

Napakunot ang noo ko habang pinagmamasdan ang bagay na inilabas nito. Napaayos akong muli nang pagkakaupo at tiningnan nang mabuti ito ang kinuha nito sa bulsa niya.

What is that? A necklace?

"This is your necklace, Beatrice," muling sambit ni Stephen na siyang ikinatigil ko. Wala sa sarili akong napahawak ako suot kong bracelet at hindi inalis ang tingin sa kuwintas na inilabas niya. "You own this," dagdag pa nito habang matamang nakatingin na naman sa akin.

Wala sa sarili akong tumayo at lumapit sa puwesto ni Stephen. Hindi ko inalis ang paningin dito hanggang sa nasa tapat na ako ng tiyuhin ko. Maingat kong itinaas ang kamay ko at marahang hinawakan ito. The moment my fingers touched the necklace, biglang bumuhos ang iilang mga alaala na alam kong matagal nang wala sa akin. Natigilan ako at matamang tiningnan ang mga imahe sa isipan.

"Mommy. Daddy. I'm scared."

"I'm so sorry, Lady Beatrice, but I have to do this."

Napaawang ang labi ko sa mga nakikita.

Aki? No, Aki. Please!

"Die, Lady Beatrice, and after this, never come back. Forget about this. Forget about your parents, your family. You don't deserve to be involved in this war."

Damn it!

Agad kong binitawan ang kuwintas at umayos na nang pagkakatayo. Napahawak ako sa ulo ko at tiningnan ang kuwintas na ngayon ay nasa may sahig na. Napahugot ako ng isang malalim na hininga at ikinalma ang sarili. Maingat akong umatras at seryosong tiningnan si Stephen.

Never come back.

Forget about this.

Iyon ang mga sinabi ni Aki sa akin bago niya ako tuluyang barilin noon.

Forget.

Ito ang ibig sabihin nito noong bitawan nito ang mga katagang iyon. Damn it! I totally lost all my freaking memories because of what he did to me!

War.

War against the Blood Clan.

Iyon marahil ang tinutukoy nito!

"What's wrong, Beatrice?" tanong ni Stephen at dinampot ang kuwintas na binitawan ko. "You don't like your necklace? This one is yours, Beatrice. Lahat ng miyembro ng pamilya natin ay mayroon nito. Take it.”

Napalunok ako at muling napaatras palayo dito. I need to know more. Hindi sapat ang nakita ko noong mahawakan ko ang kwintas kanina! Kailangan ko ang ibang alaala ko para naman ay alam ko na ang mga susunod na gagawin ko sa lugar na ito!

"Bakit mo ako kailangang manatili sa lugar na ito?" mariing tanong ko sa kanya na siyang ikinatigil nito. "You're already the ruler of this organization, Stephen. So, what's the use of staying?"

Aki was a loyal servant of my father. Tiyak kong inutos ng ama ko ang ginawa ni Aki sa akin noon. He wanted me gone. He wanted me to stay away from all of this. Pero bakit? Anong dahilan nila para gawin iyon sa akin?

"I wanted you to stay because you deserve to be here. You are a Lunar, Beatrice. You belong here."

"But I am a de Falcon. You think I deserves to be in the Blood Clan, too? Huh?"

Kita kong nag-iba ang ekspresyon ng mukha ni Stephen sa mga binitawan kong mga salita. Kung kanina ay kalmado ito, ngayon ay tila nagalit na ito dahil sa mga katagang sinabi ko. Come on, Stephen. Ano ba talaga ang tunay na pakay mo sa akin?

"What do you think, Stephen?" tanong kong muli dito noong hindi ito kumibo sa kinauupuan nito.

"The Bloods are weaklings. You don't deserve to be there, Beatrice," mariing sambit nito na siyang lalong nagpakunot ng noo ko. "And for sure, Mavireck won't be glad if you stay around their clan. Mortal na kalaban nito ang mga de Falcon."

Mavireck? Mavi? Siya ba ang tinutukoy nito?

"And you're glad because Ice is here? I don't think so.” Singit naman ni Nay Celeste sa usapan at nilapitan ako. "We all know how much you wanted to be the ruler of this organization, Stephen. Take it. Owned it. Leave the child alone."

Bahagyang ngumisi si Stephen at umiling sa tinuran ni Nay Celeste. Tumayo na rin ito kaya naman ay naging alerto ako.

"I pretty knew the reason why Esmeralda wanted her child to be out of this war," ani Stephen at nilapitan ako. I stay still and tried my best to stay calm. Mas lumapit sa akin si Stephen kaya naman ay mas naging alerto kami nila Nay Celeste. "Alam at ramdam ko iyon. You have the abilities of both Blood and Lunar, Beatrice," dagdag pa niya at mas lumapit sa akin. Ikinuyom ko ang mga kamao ko at hindi na naka-alma pa noong marahang hinaplos nito ang pisngi ko. "You'll stay here, Beatrice. That's an order from me, the current leader of this organization." Ngumisi ito at ipinilig ang ulo pakanan.

Napangiwi ako.

Die, Lady Beatrice.

Never come back.

Never come back.

"Fine, I'll stay," mariing sambit ko dito na siyang lalong ikinangisi nito.

I get it now. May kung anong nais iwasan ang mga magulang ko at si Aki kaya naman ay nagawa nila iyon sa akin noon. But this my fate, my destiny. I am a Lunar. At kagaya nang sinabi nila Nay Celeste sa akin, I am the rightful heir of the Lunar Organization. Kung ito ang kapalaran ko, then I'll accept it. At ito na rin marahil ang tanging paraan ko para malaman ko ang lahat-lahat tungkol sa pagkatao ko.

"I'll stay, Stephen," seryosong saad kong muli dito.

"Ice! Ano ba yang sinasabi mo!" Bulalas ni Nay Celeste sa tabi ko. Bumaling ako dito at nginitian ito. Marahan akong umiling dito kaya naman ay natigilan ito sa kinatatayuan niya. Please trust me, Nay Celeste. Just this one.

Ibinalik ko ang tingin kay Stephen at seryosong tiningnan itong muli.

"I'll stay but I have a condition," wika ko na siyang ikinatigil naman ni Stephen. Maging sila Nay Celeste ay natigilan din sa naging pahayag ko. Mayamaya pa'y tumango si Stephen sa akin at bumalik na sa kinauupuan niya kanina. Nanatili akong nakatayo at naghintay ng tamang pagkakataon para sabihin ang kondisyong nasa isip ko.

"Go ahead. Tell me your condition, Beatrice."

"I want your position, Stephen," seryosong sambit ko na siyang ikinagulat nito. "I want to be the ruler of this organization. That's my condition."

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Cha Vergara Mendoza
bwisiiit my bayad pla... I delete ko n itong goodnovel
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status