Share

CHAPTER 46

Umayos ako nang pagkakatayo at matamang tinitigan si Mavireck sa harapan ko. Ramdam ko ang mas lalong pagtaas ng pressure sa loob ng silid na kinaroroonan namin. Sa kabilang bahagi ng silid, abala pa rin si Mavi at Johnson sa kanilang laban samantalang heto ako, pilit nag-iisip nang paraan kung paano matatalo si Mavireck.

"Ice!"

Napakurap ako noong marinig ang pagsigaw ni Mavi sa pangalan ko. Napamura na lamang ako at halos mapaatras noong mamataang nasa harapan ko na pala ang ama nito!

Damn it!

"You'll end up dying here, de Falcon. Ako ang kalaban mo kaya dapat ay nakatuon lang sa akin ang buong atensiyon mo," anito at mabilis na naman akong hinawakan sa may leeg ko. Damn! Pakiramdam ko ay namamaga na ito dahil sa pagsakal niya sa akin nang paulit-ulit!

"Let her go!" rinig kong sigaw ni Mavi habang patuloy pa rin sa pakikipaglaban sa tauhan ng ama. Masama kong tiningna

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status