Share

The Cursed of Eternity
The Cursed of Eternity
Author: xxladyariesxx

PROLOGUE

Pigil hininga akong nagtatago ngayon sa loob ng isang kabinet dito sa silid ko. Sunod-sunod na putok ng baril ang narinig ko sa labas na siyang lalong nagpakabog ng dibdib ko. Mahigpit kong napahawak sa mga tuhod ko at maingat na sinubsob ang mukha ko dito.

"Mommy," I cried silently as I called my mother. "Daddy... I'm... I'm scared." Muli kong sambit at nag-unahan na ang mga luha sa paglabas mula sa mga mata ko. I’m scared right now! I can't even think straight!

Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko!

But…no! Dapat ay hindi ako umiiyak ngayon dito! I need to be strong! Kailangang maging malakas ako lalo na sa sitwasyong kinahaharap ko ngayon! Kailangan kong maging malakas. Para sa sarili ko at para na rin sa mga magulang kong nakikipaglaban para sa kaligtasan ko at ng buong pamilya namin!

Napahawak ako sa bibig noong makarinig ako ng sunod-sunod na kalabog mula sa labas ng pinagtataguan kong kabinet. Nanlaki ang mga mata ko at pigil hiningang tiningnan ang nakasarang pinto ng kabinet ko.

Oh my God! They're here! Nasa kwarto ko na ang mga taong sumugod sa mansiyon namin! 

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at pilit na ikinalma ang sarili. Hindi ako gumalaw sa pinagtataguan ko at tahimik na pinakingnan na lamang ang ingay sa labas ng kabinet. Mayamaya lang ay napaawang ang labi ko at mariing napapikit noong makarinig ng mga yapak 'di kalayuan sa pinagtataguan ko.

"She's not here," rinig kong sambit ng isang lalaki. Muli akong napakagat ng pang-ibabang labi at tahimik na pinakiramdaman ang mga galaw ng tao sa loob ng silid ko. Maingat kong isinandal ang likuran sa pinakasulok ng kabinet na kinaroroonan at noong makarinig ako ng panibagong boses, natigilan ako.

Ramdam ko ang panginginig ng buong katawan ko ngayon dahil sa takot. Ni hindi ko maikalma ang sarili dahil sa halo-halong emosyon! Damn!

Makakaligtas kaya ako sa mga taong ito?

"Search the whole room. Kung wala dito, sa susunod na mga silid. Nandito lang iyan sa mansiyon nila. Kahit anong mangyari, kailangang makita natin ito! She can't escape from us." Mapanganib na sambit ng isa pang lalaki sa loob ng silid ko.

"Yes, sir."

Halos hindi na ako makahinga dahil sa lakas ng kabog ng dibdib ko. No. Hindi maaring makuha ako ng mg taong ito! Hindi nagsasakripisyo ngayon ang mga magulang ko para makuha lamang ako ng mga walang hiyang nilalang na ito! No. I refuse to be caught! I need to survive. I need to leave this place as soon as possible!

Napapikit na lamang ako noong kumalabog ang nakasarang pinto ng kabinet na pinagtataguan ko ngayon. Pigil hininga pa rin ako at hindi gumawa ng kahit anong ingay man lang. Damn it!

"It's locked," rinig kong sambit muli ng lalaki na siyang ikinagulat ko.

"Destroy it." Mariing utos ng isa pang lalaki na siyang nagpaluhang muli sa akin.

No, please. No! Stop it! Somebody, please! Help me! Mommy! Daddy!

"Sir Mavi! Nakatakas ang isa sa bihag!"

Natigilan ako sa narinig. Nakatakas? Sino? Is it my mom or my dad? Aki? Oh my God! Please, keep them safe! Please!

"Damn it! Habulin niyo ang isang iyon!" Sigaw nong lalaking Mavi ang pangalan. He must be the leader. Sa tono pa lang nang pananalita nito, alam kong siya ang namumuno sa grupong ito. "Dethro, follow me. I'm gonna kill that motherfucker!" anito na siyang ikinakagat ko ng pang-ibabang labi ko.

No. Please don’t kill them!

Napapikit muli ako at nanalanging maging ligtas ang mga magulang ko. Mayamaya lang, sunod-sunod na mga mabibigat na yapak ang narinig ko. Segundo lang ay nawala na ang mga presensiya ng mga taong nasa labas ng pinagtataguan kong kabinet. Napahugot ako ng isang malalim na hininga at wala sa sariling napahawak sa dibdib ko.

I think they’re gone.

I sighed as I tried to calm myself again.

Ilang minuto pa akong nanatili sa loob ng kabinet at noong bahagyang kumalma ang katawan ko, napagdesisyunan ko nang lumabas na sa pinagtataguan ko. Pinakiramdam ko muna ang paligid bago kumilos at noong makasigurado na akong mag-isa na lang ako sa silid, agad kong binuksan ang pinto ng kabinet. Dahan-dahan akong lumabas mula sa pinagtataguan at tiningnan ang kabuuan ng silid ko.

I need to escape from here. Kung nais kong mabuhay, kailangan kong umalis sa mansyon namin! I need to survive from all of this. Ito na lang ang kaya kong gawin para sa mga magulang ko!

Mabilis akong kumilos at lumabas na sa silid ko. Mabilis ngunit maingat ang bawat hakbang na ginagawa ko. Dapat ay walang makapansin man lang sa presensiya ko sa lugar na ito.

At my young age, tinuruan na ako ng ama ko kung paano makipaglaban. I was ten years old back then when my father taught me how to fight and protect myself. Hindi ko alam kung para saan ang pagsasanay namin noon ngunit mukhang alam ko na ngayon kung para saan iyon. For me to survive, I need to fight. And for me to live, I need to save myself from all the evilness of this world.

Panay ang tingin ko sa paligid habang tinatahak ang palabas ng mansiyon namin. At noong makalabas na ako nang tuluyan ay iyon naman ang mabilis na ikinatigil ko dahil sa kung anong tumama sa binti ko.

Shit! A gunshot!

Napamura na lamang ako at masamang binalingan ang pinanggalingan ng balang tumama sa akin.

"Going somewhere, Lady Beatrice?" The man asked me while looking at me intently. Nakasuot ito ng puro itim na kasuotan at may hawak na baril sa kamay at nakatutok ito sa gawi ko.

Napakunot ang noo ko at tiningnan ito nang mabuti. What the hell?

"Aki?" Hindi makapaniwalang tanong ko dito noong mapagtanto kung sino ito. "W-what's the meaning of this, Aki? Bakit mo ako binaril? Bakit… No, Aki. You're one of them?" Tila naguguluhang tanong ko dito. No way! He can't do this to me! He can’t do this to our family!

"I'm so sorry, Lady Beatrice, but I have to do this," mariing sambit nito na siyang mabilis na ikinailing ko.

No!

"I'm..."

"You're a traitor, Aki." May galit na sambit ko dito at pilit na inayos ang pagkakatayo. Ramdam ko ang sakit sa binti ko ngunit ininda ko iyon. Mas nangingibabaw ang galit ko ngayon sa taong kaharap ko. Aki betrayed our family. He betrayed me and my parents! He betrayed us!

Damn! Paano niya nakayang traydorin ang pamilyang kumupkop sa kanya?

"You're going to die here, Lady Beatrice. Mamamatay ka at hindi na muling makikita pa. Hindi ka na nila mahahanap at magagamit pa para sa kanilang pansariling kapakanan."

Bahagya akong natigilan sa mga salitang binitawan nito. Napakunot ang noo ko at pilit na iniintindi ang mga katagang sinambit ni Aki.

"Aki... ano bang..."

Hindi ko na nagawa pang tapusin ang katanungan ko noong biglang kinalabit nito ang gatilyo ng baril. Sa gulat ko, napirmi ako sa kinatatayuan ko. Huli na noong naigalaw kong muli ang katawan ko at noong kikilos na sana ako para iwasan ang bala mula sa baril nito, natamaan na ako at bumaon na ang bala sa katawan ko. Napamura na lamang ako at wala sa sariling napahawak sa dibdib ko kung saan tumama ang bala mula sa baril ni Aki.

Wala sa sarili akong napatingin sa taong itinuring kong kapatid. Sa taong siyang hinahangaan ko ng lubos. Ang taong... ang taong siya rin pa lang tatapos ng buhay ko.

"A-Aki...." I called his name as I fell unto the ground. Hinang-hina na ako. Ni hindi ko na maramdaman ang sariling katawan ko.

I'm going to die here.This is my end.

"Die, Lady Beatrice, and after this, never come back. Forget about this. Forget about your parents, your family. You don't deserve to be involved in this war."

"A-Aki..."

"Goodbye, Lady Beatrice."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status