Share

CHAPTER 1

Napabalikwas ako nang bangon noong mapanaginipan ko na naman ang nakakatakot na panaginip na iyon.

Wala sa sarili akong napahawak sa dibdib ko at dinama ang malakas na tibok ng puso ko. Napapikit ako at pilit na ikinalma ang sarili. Iyong panaginip na iyon, iyong paulit-ulit na panaginip na iyon, ay tila totoong nangyari sa akin. Ramdam na ramdam ko pa rin ang sakit, takot at galit ko sa panaginip na iyon.

Napamulat ako ng mga mata at pilit na inalala ang nangyari sa panaginip ko.

I was running away. Scared. At noong makakatakas na sana ako mula sa mga taong nais manakit at kumuha sa akin, someone aimed his gun and pulled the trigger towards me. Natamaan ako sa dibdib ko at iyon ang huling nangyari sa panaginip ko. Iyong takot na nararamdam ko tuwing nagigising ako mula sa panaginip na iyon ay totoong-totoo!

Wala sa sarili akong napahawak sa pisngi ko at napabuntong-hininga na lamang noong mapagtantong umiiyak na naman ako.

Damn, this is getting worse!

"Ice? Oh, bakit gising ka na, hija?"

Tipid akong ngumiti kay Nanay Celeste noong maabutan ko itong nasa kusina na at nagluluto nang agahan namin. It's already five o'clock in the morning at hindi na rin ako makatulog dahil sa panaginip ko kanina. Kaya naman ay minabuti ko na lamang lumabas ng silid ko at tumulong sa paghahanda ng agahan. Ganitong oras kasi ang gising din ni Nanay Celeste para magluto.

"Hindi na po ako makatulog, nay," ani ko at nagsalin ng mainit na tubig sa tasa para magtimpla ng kape.

"Bad dream?" Tanong nito na siyang ikinatigil ko. Lumingon ako dito at tipid na tinanguhan ito.

Isang taon na ang lumipas simula noong magising ako na wala ang mga alaala ko. Nanay Celeste and her husband, Tatay Manuel, found and took care of me. Wala silang anak kaya naman noong nagkamalay ako at walang maalala na kahit ano tungkol sa nakaraan ko, nagmakaawa ako sa kanila na kupkupin na nila ako dahil wala naman din akong mapupuntahan. I don't have my memories with me. I don't even remember my own name! Walang-wala ako at tanging ang mag-asawang nakakita at tumulong sa akin ang pag-asa ko para mabuhay. Kaya naman ay talagang laking pasasalamat ko noong pumayag ang mag-asawa na makituloy ako sa kanila. I just need a home where I can stay while I try to remember things about my past.

"Iyong panaginip pa rin ba, Ice?" tanong muli ni Nanay Celeste at nilapitan ako. "Wala ka pa rin bang naaalala sa nakaraan mo, hija? Iyong bago ka namin mahanap ng Tatay Manuel mo sa kagubatan?"

Muli akong umiling dito at napabuntong-hininga na lamang.

"Opo, iyong panaginip pa rin na iyon. Paulit-ulit lang ito ngunit kahit ilang beses ko pa itong mapanaginipan, wala pa rin talaga akong maalala tungkol sa nakaraan ko, Nay Celeste. Wala po talaga." I sighed again as I felt the sting feeling inside my chest. Here we go again. Ito pakiramdam na ito. Itong masakit na pakiramdam na ito na tila dinudurog ang puso ko. "At kung ang panaginip na iyon ang huling alaalang mayroon ako sa nakaraan ko, para ayaw ko nang alalahanin ang mga iyon, Nay Celeste. It scares me. It scares the hell out of me. Hindi ko alam kung kakayanin ko bang tanggapin ang katotohanan kapag tuluyang maibalik sa akin ang mga alaalang nawala sa akin. Iyong balang tumama sa akin." Wala sa sarili akong napahawak ako sa dibdib ko kung saan natamaan ako ng bala. "Dito... sa dibdib ko mismo ito tumama, Nay Celeste." Tila nanginginig na sambit ko dito. “Natatakot ako sa maaring mangyari sa akin. I… I don’t want to suffer the same pain again. Masiyadong nakakatakot ito.”

"Huwag mong pilitin ang sarili mo, Ice. Magiging maayos din ang lahat." Marahang sambit nito at mabilis na niyakap ako. "Huwag mo na lang muna bigyan pansin ang panaginip mong iyon. You’re safe here, anak. Walang mananakit sa’yo hangga’t nandito ka sa pamamahay namin ng Tatay Manuel mo."

Tumango ako dito at gumanti na rin sa yakap niya.

Sa ganoong posisyon kami naabutan ni Tay Manuel, ang asawa ni Nanay Celeste. Bagong ligo ito at mukhang paalis na patungo sa trabaho niya sa bayan.

"Oh, Ice, bakit gising ka na? Masyadong maaga pa, ah," puna nito at naupo sa upuang nasa harapan ko. Mabilis na humiwalay sa pagkakayakap sa akin ni Nay Celeste at pinaghanda nang agahan ang asawa nito. Umayos ako nang pagkakaupo at hinawakan ang tasa ng kape sa harapan. Uminom muna ako ng kape bago kausapin si Tay Manuel.

"Tay, sa tingin mo ba may tatanggap ba sa akin sa bayan kung sakaling magtrabaho ako?" Maingat na tanong ko dito.

Parehong natigilan ang dalawa sa naging tanong ko. Maingat na inilapag ni Nay Celeste ang pagkain ni Tay Manuel sa may mesa at naupo na rin sa katabing upuan ng asawa.

"Ice, hindi mo maaring gawin yan. Bukod sa hindi natin alam ang buong pangalan mo, wala tayong alam na ibang impormasyon tungkol sa'yo," wika ni Nay Celeste at tipid na inilingan ako. "Iba na ang panahon ngayon. Maraming kailangang ipakitang dokumento sa mga kompanya bago ka makapagtrabaho, Ice." Pahabol pa nito at hinawakan ang kanang kamay ko.

Wala sa sarili akong napatingin sa palapulsuan ko at napakagat na lamang ng pang-ibabang labi ko. Nay Celeste's right. Wala kaming alam sa pagkatao ko. Kung wala lang akong suot na bracelet noong matagpuan nila ako sa gubat ay tiyak na ni pangalan ay wala silang maitatawag sa akin.

ICE. Iyon ang nakaukit sa suot kong bracelet at doon din nakuha nila ang pangalang itinatawag nila sa akin ngayon. Ice. I wonder if this is my real name. Ice...

"Tama ka, Nay Celeste," mahinang sambit ko dito at tiip na nginitian na lamang ito. Nawalan na ako nang pag-asa. Ayaw ko mang maging pabigat sa mag-asawa ngunit wala naman akong magawa para matulungan sila.

"Huwag mo nang alalahanin ang ibang bagay, Ice." It was Tatay Manuel. "Ang tanging gawin mo lang ay ang magpagaling, anak. Kailangan yan ng katawan mo."

Tumango na lamang ako dito at hindi na nagsalita pa.

It's been a year since they found me but still, they wanted me to rest. Alam kong nag-aalala lang ang mga ito sa akin. Sa mga natamong sugat ko noon, himala na mabilis na gumaling ang mga sugat ko sa katawan. I'm all healed now. Ni wala na nga akong maramdaman na sakit sa mga sugat na natamo ko noon! Ni peklat sa balat ay wala na akong makita sa katawan ko!

Nagpatuloy na lamang ako sa pag-inom ng kape at tahimik na pinagmamasdan ang dalawa. They're talking about Tay Manuel's job. Magiliw namang nakikinig lang si Nay Celeste sa mga pinagsasabi ni Tay Manuel. Mayamaya lang ay natapos na si Tay Manuel sa pagkain at nagpaalam na sa amin ni Nay Celeste.

"Basta lagi mong tatandaan, Ice, na nandito lang kami palagi sa'yo, kami ng Nanay Celeste mo," maingat na sambit ni Tatay Manuel sa akin at hinalikan ako sa noo.

I smiled at him.

Kahit hindi nila ako kadugo, itinuring na talaga nila akong sariling anak nila. I'm so lucky to be found and saved by them. So damn lucky, Ice!

"Mag-ingat ka, Manuel," marahang bilin ni Nay Celeste sa asawa nito. Tumango lamang si Tay Mauel at umalis na. Medyo madilim pa sa labas ng bahay kaya naman minsan ay nag-aalala kami sa pagbiyahe nito patungo sa trabaho niya. Ngunit alam at nakakasigurado naman akong magiging ligtas si Tay Manuel patungo sa bayan. Wala naman daw mabangis na hayop dito sa lugar namin kaya nakakatiyak kaming ligtas ito kahit madilim pa sa labas.

Pagkasikat ng araw ay tinulungan ko na si Nay Celeste sa gawain dito sa bukid. Inisa-isa kong sinuri ang mga inani naming gulay. Nilibang ko ang sarili sa ginagawa at noong may napansin akong kakaiba, mabilis akong natigilann sa pagkilos. Halos mapatanga ako sa kinauupuan noong makita ko nang malinaw ang bawat galaw ng langgam na nasa dahon ng gulay na inani kanina. Sa gulat ko, mabilis kong nabitawan ang hawak-hawak.

"Ice, anak, ayos ka lang ba?" Napabaling ako bigla kay Nay Celeste at wala sa sariling napatango dito. "Oh, siya, akin na yang gulay na inani mo." Lumapit sa akin si Nay Celeste at kinuha ang gulay na nabitawan ko. "Papasok lang ako sa loob. Babalutin ko itong mga ito para mailako ko mamaya sa bayan."

Wala sa sarili akong napatango dito habang nakatingin pa rin sa dahon ng gulay.

What was that?

Mabilis akong tumayo sa kinauupuan at nagtungo sa isang puno kung saan alam kong maraming langgam na naninirahan. Napaawang ang mga labi ko noong makita ko ang mga ito nang malinaw kahit ilang metro pa ang layo ko sa kanila. Napakurap-kurap ako at muling itinuon ang atensyon sa tinitingnan ngunit agad akong napaangat nang tingin noong marinig ko ang ingay mula sa ibong nasa himpapawid. Kunot-noo ko itong pinagmasdan at halos mapaatras ako noong makita ko ito nang malapitan!

What the hell?

Napakusot ako ng mga mata ko at muling tiningnan ang ibong kanina palipad-lipad sa himpapawid. Fvck! Ganoon pa rin ito! Sobrang linaw nito sa paningin ko ngayon! Na kahit nasa himpapawid ito ay tila ilang dipa lang ang layo nito sa akin!

Damn, what's wrong with me? What’s wrong with my eyes?

Ilang minuto kong pinagmasdan ang ibon at noong makaramdam ako nang kakaiba sa paligid, natigilan ako. Naging alerto ako at pinakiramdaman nang mabuti ang paligid ko. Mayamaya lang ay mabilis akong napalingon sa gawing kanan ko noong makarinig ako ng kaluskos na nasundan naman ulit ng panibagong kaluskos sa gawing kaliwa ko.

Mabilis na napaawang ang mga labi ko noong may napagtanto ako. Sounds. I can hear different sounds right now!

Mabilis akong napahawak sa magkabilang tenga ko at napapikit nang mariin.

It’s getting louder now. Bawat segundo ay mas lumalakas ang kaluskos na naririnig ko ngayon!

Stop. Please... Stop!

"Ice!"

Napamulat ako ng mga mata noong marinig ko ang boses ni Nanay Celeste. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha nito habang hawak-hawak ang magkabilang balikat ko.

"Anong nangyayari sa'yo, Ice? Ayos ka lang ba?" tanong nito habang matamang nakatingin sa akin. Akmang tatango na sana ako para hindi na pag-alalahanin pa si Nanay Celeste noong biglang makaramdam muli ako nang kakaiba sa paligid.

Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na hinila si Nay Celeste patayo. At saktong nahila ko na ito patungo sa likuran ko noong may bumulusog na patalim at tumama sa punong nasa tabi lang naming dalawa.

"Ice!" bulalas ni Nay Celeste at binalingan ang pinanggaling ng patalim na muntik na tumama sa amin. "Pumasok na tayo sa loob ng bahay, Ice! Tara na!"

Natataranta akong tumango dito at sinunod na lamang ang inutos nito. Akmang hahakbang na sana ako noong may nakita akong bulto ng tao ‘di kalayuan sa puwesto namin. Napakuyom ako ng mga kamao at mabilis na nilapitan ang patalim na nakabaon sa katawan ng puno at walang pag-aalinlangang hinugot iyon. And without even thinking, I throw the knife towards the direction of the man whom I think the one who targeted us earlier.

Isang kalabog ang narinig ko sa gawi kung saan ko itinapon ang patalim. Agad kong iniwan si Nay Celeste at tinungo ang direksyon kung saan tiyak kong naroon ang nagtangka sa amin kanina.

"Ice, ano ba! Pumasok na tayo sa loob ng bahay!" May pag-aalala ngunit mariing sambit ni Nay Celeste sa akin. Hindi ko ito binigyan pansin at nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kung saan ko nakita iyong bulto ng tao kanina. At noong tuluyang makalapit na ako sa puwesto nito, mabilis akong natigilan sa kinatatayuan. Napakunot ang noo ko at pinagmasdan nang mabuti ang patalim na itinapon ko kanina.

What the hell?

Kinagat ko ang pang-ibabang labi at hindi inalis ang paningin sa patalim na nasa damuhan na ngayon. Dinampot ko ito at natigilan noong makitang may dugo sa dulo ng talim nito. Agad akong nagpalinga-linga sa paligid at pilit hinahanap ang kung sino mang nagtangka sa amin kanina.

"Ice, come on! Kailangan na nating pumasok sa loob, anak!" muling sambit ni Nanay Celeste at hinila na ako palayo sa kinatatayuan. Hindi ko binitawan ang patalim na hawak hanggang sa makapasok kami sa loob ng bahay namin.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status