Share

CHAPTER 9

"What's happening?" Agad na tanong ni Mavi noong makita kaming dalawa ni Aki palabas ng silid kung saan ako nagpahinga. Namataan ko itong nakahilig sa may dingding at agad na umayos nang pagkakatayo noong makita kaming lumabas. "Ice, are you okay? You should be resting. Namumutla ka pa."

"We need to secure the perimeter, Mavi. Lady Beatrice will be moved to the basement. Doon niya ipagpapatuloy ang pagpapahinga niya," ani Aki at inalalayanng muli ako sa paglalakad. Nanghihina pa rin talaga ang buong katawan ko hanggang ngayon. Idagdag pa ang muling pagkirot ng ulo ko dahil sa mga nakita. Damn it! I can't even move my feet properly!

Noong hindi kumilis si Mavi sa kinatatayuan nito at marahan akong bumaling sa gawi nito. Tipid akong tumango dito noong mamataan ang seryosong titig nito sa akin.

"I saw a premonition, Mavi," wika ko at humugot ng isang hininga. Kita ko ang pagkunot ng noo ni Mavi at pilit na itinayo ang sarili nang maayos. "Blood Hunters are coming."

Bahagyang natigilan si Mavi sa sinabi ko habang hindi pa rin inaalis ang paningin nito sa akin. Mayamaya pa'y tahimik itong tumango at binalingan si Aki sa tabi ko. "I can handle them, Master Aki. Mukhang mga normal na hunters lang ang pupunta dito. Dalhin mo na lang si Ice sa may basement. She'll be safe there." Dere-deretsong sambit nito na siyang ikinatigil ko naman. Mag-isa niyang haharapin ang mga hunters?

Hindi na nagsalita pa si Aki at inalalayan na ako nitong maglakad muli. Dahil sa panghihina, hindi ko na nagawang pigilan pa sila sa plano nila. Pasimple ko na lang binalingan si Mavi at napabuntong hininga na lamang ako noong makitang nakatalikod na ito at mabilis na bumaba sa may hagdan.

"Don't worry about him, Lady Beatrice. He can handle them. All of them. He's good at this and of course, he's the future leader of the Blood Clan. Kahit ilang Blood Hunters pa ang makaharap nito, paniguradong hindi nila kayang talunin si Mavi. He'll definitely be fine, Lady Beatrice."

May tiwala naman ako kay Mavi pero…

Mabilis akong natigilan sa paglalakad at gulat na napabaling kay Aki.

"W-wait..." Napakagat ako ng pang-ibabang labi at pilit na inintindi ang sinabi ni Aki kanina. Mavi is the future leader of Blood Clan? Seriously?

Akmang magsasalita na sanang muli ako noong makaramdaman kami ng malalakas na presensya sa buong mansyon. Agad na kumilos si Aki at nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa basement ng mansyon niya. Hindi na nito pinansin pa ang pagprotesta ko kanina at mas binilisan pa ang paghakbang ng mga paa. Tumigil lamang ito noong nasa harapan na kami ng isang pinto. Mabilis na binuksan ito ni Aki at binalingan ako. Muli itong naglakad hanggang sa makapasok kami sa isang malawak at bakanteng silid.

"Come on, Lady Beatrice. This way," anito at nagpatuloy kami sa paglalakad. Napakunot ang noo ko noong may nakita pa akong isang pinto sa loob ng silid at walang ingay kaming lumapit dito. It’s a wooden door but something’s not right here. Wala itong door handle kaya naman ay paano namin ito bubuksan? Mayamaya lang ay may kinapa si Aki sa gilid ng pinto at malakas na hinampas ito gamit ng kamay niya. Bahagya pa akong napapitlag dahil sa gulay at noong may nakita ako sa pader, napakunot ang noo ko. Tahimik kong pinagmamasdan ang ginagawa ni Aki at noong may lumabas na isang hugis bilog at pulang pindutan doon, agad na pinindot ito ni Aki. Napaawang ang labi ko dahil sa pagkamangha at nagulat na lamang noong bumukas iyong pinto sa harapan naming dalawa.

It’s an elevator! Damn this house! Ano pa bang mayroon dito?

Maingat kaming sumakay roon at noong makasakay na kami ay mabilis na isinara ni Aki ang pinto ng elevator.

"Si Mavi," basag ko sa katahimikan na bumabalot sa amin ni Aki sa loob ng elevator. "He came from Blood Clan, right? So, kakalabanin niya ang mga hunters? Hindi ba iyon bawal sa kanila?"

"Mavi loves breaking rules, Lady Beatrice. At isa pa, hindi gusto ni Mavi ang pamumuno ng leader ng Blood Clan kaya wala lang sa kanya ang kaharapin ang mga ito."

"But you told me that he's the future leader of the Blood Clan. So, it means that his family is current ruler of the clan?" Kita kong natigilan si Aki at napailing na lamang ito sa akin. Tumigil na ang sinasakyan naming elevator kaya naman ay hinawakan muli ako nito para alalayan sa paglalakad.

"You're really good at this, my lady," ani Aki at nagsimula na naman kaming kumilos. "But will talk about that later, Lady Beatrice. Sa ngayon, dito ka muna sa basement. Wala sa kondisyon ang katawan mo kaya naman ay mas makakabuting dito ka magtago. This room is sealed. No one can track you here. Kami na ang bahala ni Mavi sa mga kalaban. We'll deal the hunters first then we’ll leave this mansion."

Napatango na lamang ako kay Aki at wala sa sariling napabaling sa basement na kinaroroonan. Kagaya ng mga silid sa taas ng mansyon ni Aki, maganda ang pagkakaayos dito. Kompleto rin ang mga gamit kaya naman ay tiyak kong makakapagpahinga ang katawan ko dito.

"Stay here, Lady Beatrice," ani Aki na siyang nagpabaling sa akin muli sa gawi nito. "Don’t worry about us. Kami na ang bahala sa kanila.”

Tumango na lamang muli ako dito.

Akmang tatalikod na si Aki noong biglang may naalala ako. Hindi ko pa pala naitatanong sa kanya ang bagay na ito!

"Aki, wait!" Pigil ko dito sa paglabas sa basement. "May hindi pa pala ako na itatanong sa’yo," turan ko at kinatitigan ito nang mabuti. "What are you? A Lunar?"

Kita ko ang pag-ngisi ni Aki kaya naman ay napataas ang isang kilay ko dito. Hindi ito sumagot sa naging tanong ko bagkus ay umayos ito nang pagkakatayo at sa mabilis na pagkurap ng mga mata nito ay biglang nagbago ang kulay ng mga mata ni Aki! Naging pula ito tulad ng kay Dawnson at Mavi!

"I'm a pure-blooded Blood Clan member, Lady Beatrice. A loyal servant of your father's family," mabilis na sagot niya at tinalikuran na ako.

Napaawang ang labi ko sa sinabi nito at hindi na nakapagsalita pa hanggang sa tuluyang makaalis sa basement si Aki.

Mahina akong napamura sa sarili at naupo sa gilid ng kama na malapit sa akin. Hinilot ko ang sintido ko at inisa-isa ang mga impormasyong nalaman ngayon. May kung ano bang gumagambala sa akin at hindi ko ito matukoy kung ano. I wanted to know more but my head is killing me. Sa pagpipilit kong alalahanin ang nakaraan ko, naaapektuhan ang katawan ko! Maybe I need to stop thinking about my past right now. Kahit ngayon lang! Kailangang bumalik ang lakas ko para naman ay makatulong ako sa dalawang nasa labas ng basement na ito! I need to fight, too!

I sighed.

Aki and Mavi will be fine, that's for sure. Parehong silang malalakas na miyembro ng Blood Clan. They can surely manage to defeat those hunters. At kagaya nang sinabi ni Aki kanina, hindi naman sila basta-bastang matatalo ng mga hunters na iyon!

Muli akong napabuntong-hininga at hinayaan na lamang bumagsak ang katawan sa malambot na kama. Ipinikit ko ang mga mata ko at pilit ipinahinga ang isipan. Tahimik kong pinakiramdaman ang paligid at noong wala akong naramdaman na kakaiba ay mabilis akong napamulat ng mga mata.

What is this? Bakit wala akong maramdamang kakaiba sa paligid? Tapos na ba ang laban?

Napakagat ako ng pang-ibabang labi ko at akmang tatayo na sana ako mula sa pagkakahiga noong makarinig ako ng sunod-sunod na nakakabinging putok ng baril!

Damn! They're here. The Blood Hunters!

Mabilis akong umalis sa kamang kinahihigaan at tiningnan ang mga gamit sa loob ng basement. Kailangang kong protektahan ang sarili ko laban sa mga Blood Hunters. Hindi maaring magtago lamang ako dito at hayaan sila Aki at Mavi sa pakikipaglaban sa labas! I can fight! Kahit na nanghihina ako ngayon, tiyak kong makakalaban pa rin ako kahit papaano!

Maingat akong naglakad at tiningnan ang mga gamit na nakikita. Napapangiwi na lamang ako sa lakas nang ingay sa labas ng basement at noong napabaling ako sa gawing kanan ng silid, natigilan ako. A cabinet! Hindi na ako nagdalawang-isip pa at mabilis na nagtungo sa nakitang kabinet. At gaya nang inaasahan ko, puno ito ng mga baril at kung ano pang armas na maari kong magamit sa pakikipaglaban!

"Damn!" bulalas ko noong kumirot na naman ang ulo ko! “Calm down, Ice,” wika ko sa sarili. Hindi ko na lamang ito pinansin at mabilis na dumampot ng isang baril at ikinasa ito. Kumuha pa ako ng isa pang baril at isiniksik ito sa bewang ko. Muli kong pinagmasdan ang mga armas sa harapan at napatigil na lamang ako bigla noong makaramdam ng malakas na enerhiya sa paligid. Napatingala ako sa kisame at napahigpit ang hawak sa baril. Mayamaya pa'y natigil ang putukan at tanging mahihinang daing na lamang ang naririnig ko.

What happened? Tapos na ba? Ubos na ba ang mga hunters na sumugod dito sa bahay ni Aki?

Akmang hahakbang na ako palapit sa pinto ng silid noong matigilan akong muli. Ipinikit ko ang mga mata ko at pilit na pinapakinggan ang nangyayari sa labas ng basement na kinaroroonan ngayon.

"Where is the girl, son?"

I froze where I’m standing. It’s a man's voice! Paniguradong hindi ito kay Aki o kay Mavi!

"I don't know what you are talking about, My Lord."

Now I’m a hundred percent sure that was Mavi's voice!

Akmang kikilos na muli ako noong napagtanto ko ang mga narinig ngayon-ngayon lang. Kusang napaawang ang labi ko sa mga nalaman.

Son? My Lord? Fvck! Ama ni Mavi ang kausap nito ngayon!

"Such a stubborn, child." Isang boses ng babae ang narinig ko. "Search the whole mansion. Nandito lang ang babaeng iyon."

"She's not here anymore," I heard Aki's voice. Tila nahihirapan na ito ngayon. What is this? Is he injured? Ayos lang ba silang dalawa ni Mavi? "The young lady is not here anymore. Nagsasayang lang kayo ng oras sa pagsugod dito sa bahay ko."

"Stop fooling around, Aki. Baka nakakalimutan mo't may kasalanan ka pa sa amin," sambit ng ama ni Mavi dito. "Kung hindi mo pinatay noon ang batang iyon, tiyak kong hindi magigising ang kung anong kapangyarihang mayroon siya. It was all your damn fault, Aki."

"Just following orders, My Lord." ani Aki na siyang ikinaawang ng labi ko.

"Bullshit!"

Nagulat ako dahil sa naging sigaw ng ama ni Mavi. Napahakbang ako paatras, palayo sa pinto ‘di kalayuan sa puwesto ko.

"Kung hindi ko siya pinatay noon, tiyak kong gagamitin mo lang siya sa kung ano mang plano mo," malamig na turan ni Aki na siyang nagpahigpit sa pagkakahawak ko sa baril na nasa kamay ko.

Muli akong umatras habang iniiling ang ulo ko. No. This can’t be true. Isang hakbang pa paatras ang ginawa ko at natigilan na ako nang bumangga na ang mga binti ko sa may kama. Bigla akong nawalan ng lakas at napaupo na lamang doon.

Ako? Pinatay noon ni Aki? Oh my God! Iyon ba ang kasalanang sinasabi niya sa akin? Iyong kasalanang pilit niyang inihihingi ng kapatawaran? He killed me before and just followed someone’s order.

An order from who?

Fvck!

Mabilis kong itinaas ang kamay na may hawak na baril at itinutok iyon sa pinto noong makarinig ako ng isang putok. Nanlaki ang mga mata ko noong nasundan pa iyon ng isa pang putok at segundo lang ay binalot na ng katahimikan ang buong mansyon ni Aki. Mayamaya pa'y nagsalitang muli ang ama ni Mavi na siyang ikinakagat ko nang pang-ibabang labi ko.

"Take Mavi and this man. We still need them. Sila lang ang makakapagturo sa atin kung saan nagpunta ang batang iyon."

Mabibilis na pagkilos ang sunod na narinig ko sa labas ng basement. Hindi ko inalis sa may pinto ang pagkakatutok ng baril ko hanggang sa namayaning muli ang katahimikan sa buong mansyon ni Aki. Ipinikit ko ang mga mata ko at pinakiramdaman nang mabuti ang paligid. Wala na ang mga hunters, maging ang ama ni Mavi ay hindi ko na maramdaman ang presensiya nito. And they took them. Mavi and Aki. Dinala nila ito at mukhang gagawin pa silang bihag ng sariling ama nito! Huminga muna ako nang malalim bago tumayo mula sa pagkakaupo.

At least, alam kong buhay silang dalawa.

At mananatili silang buhay hangga't ‘di ako nakukuha ng ama ni Mavi.

"Mavi," mahinang sambit ko sa pangalan nito. "Pakiramdam ko ay narinig ko na noon ang pangalang iyon." Ibinaba ko ang baril at ibinulsa ko ito. "Mavi," sambit kong muli sa pangalan nito at tinungo na ang pinto ng basement.

I need to get out of here.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status