Pagkapasok namin ni Nanay Celeste sa bahay ay agad nitong isinara ang pinto. Mabilis ang bawat galaw nito samantalang nakatayo lang ako habang hawak-hawak ko pa rin ang patalim na dinampot kanina. Isinunod niyang isinara ang mga bintanang malapit sa amin at noong matapos siya sa ginagawa, mabilis itong bumaling sa gawi ko.
"Ayos ka lang ba, Ice?" She asked me worriedly. Napatango na lang ako dito at inilapag sa mesa ang patalim na dinampot ko kanina. Kita kong natigilan si Nay Celeste at agad na nilapitan ako. Kinuha nito ang patalim sa mesa at matamang isinuri.
"Nay, what’s happening? Ba… bakit may nagtangka sa atin kanina?" Naguguluhang tanong ko dito habang matamang nakatingin sa kanya. Kita kong wala sa akin ang atensyon ni Nay Celeste kaya naman ay napatingin ako sa kung anong tinitingnan nito. It was the knife I bought earlier. Sinusuri nito nang maayos ang patalim at mayamaya pa'y inamoy nito ang dugong nasa dulo ng patalim.
Natigilan ako habang nakatingin pa rin nang mabuti sa kanya.
"It's a Lunar's blood," aniya na siyang ikinakunot ng noo ko.
Lunar's blood? Ano iyon? Lunar. Is that a name of a person?
Binitawan ni Nanay Celeste ang patalim at matamang kinatitigan ako. "Mag-impake ka ng ilang damit mo, Ice. Aalis tayo dito at kikitain na lang natin ang Tatay Manuel mo sa bayan."
"Po? Aalis tayo?" Gulat na tanong ko dito. Bakit kami aalis? Dahil sa may nagtangka sa amin kanina?
"Yes. They sent a Lunar's tracker and tracked us down. Nasa panganib tayo ngayon, Ice," anito na siyang lalong ikinakunot ng noo ko.
"Teka, Nay! Anong pinagsasabi mo? Lunar's blood? Lunar's tracker? Ano at sino iyon? At bakit nasa panganib tayo? Are they going to kill us?" Naguguluhang tanong ko pa rin habang sinusundan ito papasok sa kwarto ko. Si Nay Celeste na mismo ang naglabas ng bag at iilang mga damit ko. "Nay! Answer me!"
"Wala na tayong oras para pag-usapan ang bagay na ito, Ice! We need to get out of this house as soon as possible!" Natigilan ako sa biglang pagtaas ng boses ni Nay Celeste. At sa ‘di ko malamang dahilan, naging alerto bigla ang katawan ko laban sa taong nag-alaga sa akin sa loob ng isang taon. Oh, great! This is not good!
"Pero n-nay..."
"I'll explain to you later, Ice. Now, get yourself ready and we're leaving this place," mariing sambit nito at iniwan ako sa silid.
Napabuntong-hininga na lamang ako at inayos ang damit sa bag na inihanda ni Nay Celeste. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon. Nanay Celeste is a different person now. Hindi na ito ang Nay Celeste na kasama ko lagi araw-araw sa loob ng isang taon. Yes, she's not that old woman. Kung tutuusin ay hindi bagay sa kanya ang tawagin ko siyang nanay. But what can I do? She's the one who's taking care of me. At itinuring niya akong parang tunay na anak. She's maybe young looking to be my mother but still, she's the one who pampared me when I lost and the way she commanded me earlier to get ready, it's like she's ready to fight for me, for our lives.
Lunar's blood. Lunar's tracker.
Damn, ano na naman ba ang nangyayari sa akin? Is someone's after me? Iyong nanakit ba sa akin noon? Iyong nagtapon sa akin sa kagubatan at hinayaan na lamang akong mamatay? Siya ba?
"Ice! Come on! We're leaving!"
"Opo!" Mabilis na sagot ko dito at isinuot sa likuran ko ang backpack na naglalaman ng mga damit ko. Pagkalabas ko ng silid ay halos mapako ako sa kinatatayuan.
Gone from the woman who's wearing a simple dress, Nay Celeste is now wearing an all black clothes. Black jacket and black pants paired with boots!
"Nay Celeste..." Nakatangang tawag ko dito habang nakatingin pa rin sa kanya.
"Keep your question to yourself now, Ice. Kailangan nating makaalis ng buhay sa lugar na ito. Paniguradong hindi lang isang tracker ang pinadala nila dito. Kailangan nating magmadali."
"But..." Hindi ko natapos ang dapat sasabihin ko noong makitang may inilabas itong baril mula sa hawak nitong bag. Napaatras ako dahil sa gulat!
A gun! Kailan pa nagkaroon ng baril ito?
"Here," anito at naglakad palapit sa akin. "Itago mo ito. Gamitin mo ito kung kinakailangan, Ice."
"Pero… pero hindi ko alam kung paano gamitin ito." Ramdam ko ang takot na ngayon ay bumabalot sa buong katawan ko. I can feel my whole body’s trembling right now. Hindi ko na rin alam kung ano ang gagawin ko!
"Hindi mo rin alam kung paano gamitin ang patalim kanina pero nagawa mong patayin ang isang tracker, Ice. You hit it. In their weak point, you managed to kill it. You threw the dagger straight to its heart."
"What?" Hindi makapaniwalang tanong ko dito. I just what? Kill someone? Oh my God!
Inilagay ni Nay Celeste ang baril sa kamay ko at tinanguhan ako.
"You'll be fine, Ice. I'm here. Hindi kita pababayaan."
Napatango na lamang ako dito at kinalma ang sarili. Inilagay ko sa bulsa ng bag ang baril at tiningnang mabuti si Nanay Celeste. Walang ingay itong nagtungo sa pinto at inilapat ang isang kamay roon. Maingat akong lumapit sa kanya at hinintay ang susunod na sasabihin nito.
"May kalayuan ang posisyon ng dalawang tracker mula sa atin," anito na siyang ikinagulat ko. Napatingin ako dito at nakita ko itong nakapikit at nakakunot ang noo. Mayamaya pa'y umawang ang labi nito at gulat na tumingin sa gawi ko. "What the hell..."
"What is it, Nay Celeste?" kinakabahang tanong ko dito.
"Blood." Mahinang sambit nito. "They're here, too."
"B-blood?"
"Fvck! Mukhang maiipit tayo sa gulo ng dalawang grupo! Come on, Ice. We need to get out of here before those two monsters clash!" Biglang binuksan ni Nay Celeste ang pinto at hinila na ako palabas ng bahay. "Don't look back, Ice! Just run!" Sigaw nito at mas binilisan pa ang pagtakbo.
At gaya ng nais niyang gawin ko, tumakbo na lang din ako. Ngunit hindi pa kami masyadong nakakalayo sa bahay ay bigla kami nakaramdam ng pagyanig ng lupa. And the next thing I knew, biglang may sumabog. Natigilan kami ni Nay Celeste sa pagtakbo at halos madurog ang puso ko noong makitang wasak-wasak na ang bahay namin.
Napaawang ang labi ko at mariing naikuyom ang mga kamao. Kita ko mula sa kinatatayuan ang itsura ng bahay namin. Pinasabog iyon! Pinasabog ng kung sino ang bahay na naging tahanan ko sa loob ng isang taon! Damn!
Mabilis akong nagpalinga-linga sa paligid at noong may namataan akong bulto ng tao sa tapat ng sira naming bahay ay nagtagis bigla ako dahil sa galit.
"Forget about the house, Ice. Let's move," ani Nay Celeste at hinila akong muli.
Hindi ko inalis ang paningin sa lalaking namataan sa may tapat ng bahay namin. Kumurap ako at laking pasasalamat na malinaw ko itong nakikita ngayon.
Crescent moon.
Kahit maliit masyado iyon ay kitang-kita pa rin ng mga mata ko iyon. A crescent moon tattoo on his left part of his neck. And it looks like a mark to me!
"Ice! Look out!" Napakurap akong muli noong marinig ang sigaw ni Nay Celeste sa tabi ko. Mabilis kaming tumigil sa pagtakbo at ngayon ay nasa bukana na kami ng gubat. Malapit na kami sa main road kung saan may mga sasakyang patungo sa bayan ngunit mayroong tatlong lalaking humarang sa amin at agad kaming inatake.
Itinulak ako ni Nay Celeste noong pinaulanan kami ng bala ng isa sa lalaki. Napadaing ako dahil sa pagbagsak ko sa lupa ngunit ininda ko ang sakit at mabilis na binalingan si Nay Celeste. Umawang ang labi ko dahil sa mabilis na pagkilos nito. She's now fighting against three men! Alone! Mabilis na inilabas nito ang baril na nakakabit sa bewang nito at itinutok sa ulo ng lalaking nahawakan niya kanina.
Without a blink, she pulled the trigger and killed the man.
Nanlamig ako sa kinauupuan at hindi inalis ang paningin kay Nay Celeste.
Ganoon din ang ginawa niya sa isa pang lalaking umatake sa kanya. Binalian niya muna ito ng buto saka binaril sa ulo nito.
Mabilis namangkumilos ang mga kamay ko at kinuha ang baril sa bag ko noong makitang tumayo ang natitirang lalaking napatumba kanina ni Nay Celeste. And when he's about to attack her, wala sa sarili kong kinalabit ang gatilyo ng baril at tinamaan ko ito sa may ulo nito! At talagang sakto ito sa may gitna ng noo nito! What the hell?
Napabitaw ako sa hawak-hawak na baril at napatingin sa mga kamay ko.
Is it because of my ability to see clearly even with such distance? Iyong ba ang dahil kung bakit napuntirya ko ito nang walang kahirap-hirap?
"Nice shot, Ice," mahinang sambit ni Nay Celeste sa akin at tinulungan na akong tumayo. Dinampot din niya ang baril na nabitawan ko kanina at ibinalik sa bag ko. "Come on. I can still feel the Blood's presence. Nasa paligid pa rin ang mga ito. We're not still safe here," anito at nagsimula na naman kaming tumakbo.
Mahigit isang oras ang naging byahe namin sa patungo sa pinaka-sentro ng bayan ng Alba. Mabuti na lamang ay agad na may dumaang bus kanina kaya naman ay nakaalis agad kami ni Nay Celeste palayo sa gubat. At noong makababa kami mula sa bus, agad na tinungo namin ang kakilalang sinasabi Nay Celeste kanina sa akin. Aniya'y may kakilala siyang tutulong sa amin sa ganitong sitwasyon. Magiging ligtas daw kami roon.
"Nay, paano si Tatay Manuel? Malapit nang matapos ang trabaho nito! Baka umuwi na ito sa bahay!" Nag-aalalang sambit ko dito.
"Don't worry about him. He can managed himself," anito at lumiko sa isang masikip na eskinita. Wala sa sarili akong napasunod dito habang inaalala pa rin ang kaligtasan ni Tay Manuel. Ano na lang ang mangyayari dito kung makita niya ang sirang bahay namin doon? Paano niya kami mahahanap dito? “Don’t worry about him, Ice. May iniwan akong palatandaan sa bukana ng gubat. Kapag makita iyon ni Manuel, hindi na siya tutuloy pang pumasok sa gubat. And he'll find us here, so don’t worry about it."
Noong marating namin ang dulo ng eskinita ay tumigil na sa paglalakad si Nay Celeste. Napakunot ang noo ko at maingat na sinilip ang kung anong nasa unahan namin ngayon. Napaawang bigla ang labi ko noong makitang isang malaking bahay ‘di kalayuan sa kinatatayuan naming dalawa ngayon.
Paanong mayroong ganitong bahay sa dulo ng makipot na daang tinahak namin kanina?
Wala sa sarili akong napabaling sa pinanggalingan namin at ganoon na lamang ang pagkagulat ko noong makitang wala na iyong daang tinahak namin kanina! Tanging isang konkretong pader na lamang ang nabungaran ng mga mata ko!
"Nay, paanong..."
"Save your questions, Ice. Mamaya na tayo magtanungan dito. Pumasok na muna tayo."
Napalunok na lamang ako at tinanguhan ito. At habang papasok na kami sa bahay ng kakilala ni Nay Celeste, isang bagay lang ang napagtanto ko.
Sa nangyari kanina sa amin, hindi isang ordinaryong mag-asawa ang tumulong at kumupkop sa akin. Kung paano nila ako nakita noon ay naging isang malaking katanungang muli sa akin.
At ganoon din para sa sarili ko.
I can feel it. Sa mga nangyayari ngayon,. alam kong hindi ako isang normal na tao! Iyong mga nakita ko. Iyong matalas na pandinig ko. At iyong kakayahan kong gumamit ng patalim at baril. Hindi iyon gawain ng isang normal na tao!
Something’s wrong with me and I don’t have a single idea about it!
Who the hell am I?
"Celeste, napadalaw ka?"Ito agad ang bumungad sa amin ni Nanay Celeste noong bumukas ang pinto ng malaking bahay at isang lalaki ang sumalubong sa aming dalawa. Nakangiti ito sa amin at magiliw na iginaya kami papasok sa mansyon niya. Sa tansya ko ay mas matanda lang ang edad nito ng isa o dalawang taon kay Nay Celeste at Tay Manuel. Matangkad ito at kagaya nang inaasahan ko, nakaramdam ako nang kakaiba sa lalaking nasa harapan."Dawnson, we need your help," ani Nay Celeste sa lalaki noong tuluyang nakapasok na kami sa mansiyon nito. "We've been chased by Bloods and Lunars earlier."Natigilan ang lalaking nagngangalang Dawnson sa pagkilos at nawala ang ngiti nito sa mga labi. Agad na pinitik nito ang mga kamay na siyang ikinapitlag ko at kusang nagsara ang pintuang pinasuka
Sunod-sunod na putok ang namayani sa tahimik na mansyon ni Dawnson.Napatayo ako mula sa kinauupuan at tinungo ang pinto ng silid. Sinigurado kong naka-locked ito bago umatras at lumayong muli dito. I sighed as I tried to calm myself. Sana maging maayos lang sila Nanay Celeste at Dawnson. Sana’y walang masamang mangyari sa kanilang dalawa.Bumalik ako sa kinauupuan ko at tahimik na pinapakiramdaman ang paligid. Mayamaya lang ay impit na napatili ako noong biglang may pwersang nais buksan ang pinto ng silid na kinaroroonan ko. Napatakip ako ng bibig ko at mabilis na inihanda ang sarili.Paanong nakarating na ang kalaban dito sa palapag na ito?Anong nangyari kay Nay Celeste at Dawnson? Are they okay? Damn! 
"My name is Mavi," anito noong tumigil ang sasakyan nito sa kung saan. Mayamaya pa'y may pinindot ito sa may dashboard sa harapan niya at humugot ng isang malalim na hininga. Tahimik at nakasunod lang ang tingin ko sa bawat galaw nito. Kaya naman noong makaramdam ako nang bahagyang pagyanig ng lupa ay naging alerto ako. Napahawak ako sa baril na nakasilid sa bag ko at napatingin sa unahan ng kotse nito. Napaawang ang labi ko habang pinagmamasdan ang pag-angat ng lupa sa harapan namin. Mayamaya pa'y muling pinausad ni Mavi ang sasakyan nito at dumaan sa isang lagusan mula sa nakaangat na lupa. "Where are we?" Wala sa sariling tanong ko dito at tumingin sa likuran nang sasakyan. Mangha akong nakatingin sa dinaraanan namin at noong mamataang nagkusang sumara ang lagusan na dinaanan namin kanina, napaangat ang gilid ng labi ko dahil sa pagkamangha. "This is my place, my house," ani Mavi at itinig
Hindi ako makatulog. Dahan-dahan akong naupo mula sa pagkakahiga at tiningnan ang kabuuan ng silid na kinaroroonan. Napabuntong-hininga na lamang ako at tumayo na. Walang ingay akong naglakad patungo sa pinto ng silid at binuksan iyon. Pagkalabas ko ay agad akong naglakad patungo sa salas ng bahay ni Mavi. Walang ingay akong kumilos at noong nasa may salas na ako, nabungaran ko ang mahimbing na natutulog na si Mavi. I sighed again. Napabaling ako sa may kusina at napailing na lamang, nagdadalawang-isip kung pupunta ba ako roon o hindi. Damn it! Gutom na talaga ako! May matino kayang pagkain sa lugar na ito? "Can't sleep?" Mabilis akong napabaling agad kay Mavi noong magsalita ito. Nakapikit pa rin ang mga mata nito at hindi kumikilos sa kinahihigaan niya. He’s awake! Napakagat ako ng labi ko at mariing ikinuyom ang mga kamao. God! Gutom na talaga
Mabilis kaming kumilos ni Mavi. Agad kaming lumabas sa silid nito at dali-daling pumunta sa may garahe kung saan naroon ang mga sasakyan nito. "Mavi, I can hear their footsteps," sambit ko noong makasakay na kami sa kulay itim na sasakyan na pagmamay-ari nito. "I can feel them too, Ice," aniya at binuhay ang makina ng sasakyan. "No. I can hear them," I sighed and tried to concentrate. Ipinikit ko ang mga mata at pinakiramdaman nang mabuti ang paligid. Mayamaya lang ay iminulat ko ang mga mata at binalingan ang lalaki. "Even their heartbeats, Mavi. I can hear every single beat of it.” Seryosong sambit ko na siyang ikinatigil ni Mavi sa kinauupuan nito. Segundo lang ay napailing ito at umayos na nang pagkakaupo. "Kung may iba ka pang kayang gawin, mamaya mo na sabihin sa akin, Ice.” Ngumisi ito sa akin at pinindot na ang buton kung saan magbubukas ang lagusan palabas ng bahay nito. "This car is
Aki? Saan ko ba narinig ang pangalang iyon? Aki… Ipinilig ko ang ulo pa kanan at pilit na inaalala kung saan ko bai to narinig o nakita man lang. Alam kong pamilyar sa akin ang taong ito! Presensya at pangalan pa lang nito, alam at ramdam kong konektado ito sa nakaraan ko. Damn! I badly need my memories back! "Thank you, Mavi. Alam kong maaasahan ka talaga sa mga ganitong bagay," sambit ng lalaking nag-ngangalang Aki habang hindi inaalis ang mga mata sa akin. Napaatras akong muli dito. Hindi ako kumibo at pinagmasdan lang ito sa harapan ko. May kung ano sa titig nito na nagsasabi sa aking mapanganib ang taong ito. Na kailangan ko nang umalis sa lugar na ito at magtago mula sa kanya! But damn, I can’t feel my own feet! Hindi ko ito maigalaw kahit gustuhin ko man! "Let's go," ani Aki at tinalikuran na kami ni Mavi. "Sa taas tayo." Mariin kong ikinagat ang pang-ibabang labi ko at nanatiling naka
"What's happening?" Agad na tanong ni Mavi noong makita kaming dalawa ni Aki palabas ng silid kung saan ako nagpahinga. Namataan ko itong nakahilig sa may dingding at agad na umayos nang pagkakatayo noong makita kaming lumabas. "Ice, are you okay? You should be resting. Namumutla ka pa." "We need to secure the perimeter, Mavi. Lady Beatrice will be moved to the basement. Doon niya ipagpapatuloy ang pagpapahinga niya," ani Aki at inalalayanng muli ako sa paglalakad. Nanghihina pa rin talaga ang buong katawan ko hanggang ngayon. Idagdag pa ang muling pagkirot ng ulo ko dahil sa mga nakita. Damn it! I can't even move my feet properly! Noong hindi kumilis si Mavi sa kinatatayuan nito at marahan akong bumaling sa gawi nito. Tipid akong tumango dito noong mamataan ang seryosong titig nito sa akin. "I saw a premonition, Mavi," wika ko at humugot ng isang hininga. Kita ko ang pagkunot ng noo ni Mavi at pilit na itinayo ang
Tahimik na ang buong mansyon noong tuluyang makalabas na ako sa may basement. Maingat ang bawat hakbang ko at pinakiramdamang muli ang buong paligid. Wala na ang mga Blood Hunters na narito kanina. Ni bakas nila ay hindi ko na ito maramdaman sa paligid. Wala na rin sila Mavi at Aki na siyang nagpakuyom ng mga kamao ko. Tanging ang magulong mga kagamitan na lamang ang nabungaran ng aking mga mata pagkalabas ko kanina sa basement. "Saan kaya nila dadalhin ang dalawa?" Wala sa sariling tanong ko at humigpit ang pagkakahawak sa baril noong makakita ako nang dugo sa sahig. Napaluhod ako at pinagmasdan itong mabuti. Napalunok ako at ikinalma ang sarili. Damn it! Inangat ko ang nanginginig na kamay at inilapat ang isang daliri sa dugong nasa sahig. Napapikit ako at kusang umawang ang mga labi noong mapagtanto kung kaninong dugo itong nasa sahig! "Mavi," I whispered as I removed my finger on the stai