Share

CHAPTER 3

"Celeste, napadalaw ka?"

Ito agad ang bumungad sa amin ni Nanay Celeste noong bumukas ang pinto ng malaking bahay at isang lalaki ang sumalubong sa aming dalawa. Nakangiti ito sa amin at magiliw na iginaya kami papasok sa mansyon niya. Sa tansya ko ay mas matanda lang ang edad nito ng isa o dalawang taon kay Nay Celeste at Tay Manuel. Matangkad ito at kagaya nang inaasahan ko, nakaramdam ako nang kakaiba sa lalaking nasa harapan.

"Dawnson, we need your help," ani Nay Celeste sa lalaki noong tuluyang nakapasok na kami sa mansiyon nito. "We've been chased by Bloods and Lunars earlier."

Natigilan ang lalaking nagngangalang Dawnson sa pagkilos at nawala ang ngiti nito sa mga labi. Agad na pinitik nito ang mga kamay na siyang ikinapitlag ko at kusang nagsara ang pintuang pinasukan namin kani-kanila lang. Gulat akong napatingin sa paligid at marahas na napalunok. Hindi nagsalita si Dawnson at iginalaw muli ang kamay nito. Sa pagkakataong ito, iyong mga kurtina sa mga bintana naman ang kusang sumara na siyang ikinakabog ng dibdib ko. Binalot ng dilim ang paligid kaya naman ay napakurap-kurap ako.

Paano niya nagawa iyon?

Mayamaya pa'y isa-isang nagsibukasan ang mga ilaw sa paligid na siyang ikinaawang ng mga labi ko. Hindi ako kumibo hanggang sa lumiwanag muli ang buong paligid at namataan ko ang parehong seryosong mukha ni Nay Celeste at ni Dawnson.

"Sa library tayo," anito sa seryosong tinig at nauna nang maglakad paakyat sa may hagdan ng mansyon nito. Hindi ako kumilos sa kinatatayuan ko at matamang nakatingin lang sa ina.

"Hindi ko alam kung saan ako magsisimulang magpaliwanag sa’yo, Ice, but I hope this conversation with Dawnson will help you," sambit ni Nanay Celeste at hinawakan ako sa kamay ko. Hindi na ito muling nagsalita pa at hinila na ako patungo sa library na tinutukoy ni Dawnson.

Pagkapasok namin ni Nay Celeste sa library ni Dawnson ay naabutan namin itong prenteng nakaupo sa isang mahabang sofa. Iminuwestra niya sa amin ang dalawang pang-isahang upuan sa harapan nito at walang imik kaming naupong dalawa roon.

"Now, let's start this conversation with me asking who is she, Celeste?" Seryosong tanong nito habang matamang nakatingin sa akin.

"She's my daughter, Dawnson." Mabilis na sagot naman ni Nay Celeste.

"Oh, don't give me that crap, Celeste.” Ngayon ay may galit na sa boses nito. "She's not your daughter, Celeste! I can't smell even a single blood of you on her."

Natigilan ako sa narinig ko mula sa lalaki. How can he smell my blood?

"Dawnson..."

"If you want my help, I need you to tell me the truth, Celeste." Mas seryosong saad nito at pinagtaasan kami ng isang kilay. Saglit na natigilan si Nay Celeste sa kinauupuan nito bago huminga nang malalim at binalingan ako. Bahagya itong tumango sa akin at muling nagsalita.

"Manuel and I found her a year ago. She was wounded and almost lifeless."

Bigla akong nakaramdam ng panlalamig sa buong katawan ko nang magsimulang mag kwento si Nay Celeste kay Dawnson. Alam ko na ang kwentong ito. Paulit-ulit ko na itong narinig sa kanila pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako komportable na marinig ito. Tila paulit-ulit akong sinasaksak sa dibdib kapag naririnig ko ang hirap na pinagdaanan ko noon.

"At first, we thought she was a trapped. A trapped sent to us by them. Hindi namin alam kung ano ang gagawin namin sa kanya, Dawnson. She was young and wounded in the middle of the forest. Pero noong magkamalay ito at walang maalala mula sa nakaraan niya, naawa kami dito."

"And you adopted her without knowing her background? Really? Nasa tama pa ba ang mga pag-iisip niyo, huh, Celeste?"

"She's a nice kid, Dawnson!"

"Pero wala siyang maalala," ani Dawnson at binalingang muli ako. "Paano kung hindi naman pala siya tunay na mabait? Anong gagawin niyo? She can be a weapon sent to kill you both, Celeste!"

"Hindi ko iyon gagawin sa kanila!" Hindi ko na napigilan pa ang sarili at nakisali na ako sa usapan nilang dalawa. “Hindi ko iyon gagawin sa mga taong tumulong at umaruga sa akin.”

Kita ko ang pagngisi ni Dawnson at pag-iling sa akin.

"Whatever you say, young lady," anito at binalingang muli si Nanay Celeste. "Paanong naroon ang Blood at Lunar sa teritoryo niyo, Celeste? Akala ko ba walang makakahanap sa lugar na iyon? Anong nangyari?" 

"Hindi ko rin alam, Dawnson. Alam kong ligtas ang lugar namin! Ilang taon na kaming namamalagi roon ni Manuel. Pero… may kung anong nangyari kanina na hindi ko matukoy kung ano ba talaga. Basta na lamang kaming inatake ng isang tracer. At noong paalis na kami ng bahay, tsaka ko naman naramdaman ang presenya ng mga Blood Hunters sa lugar"

"That was fvcked up. Monsters in the same area," saad ni Dawnson habang naiiling. Mayamaya pa'y natigilan ito at napatinging muli sa gawi ko. "Celeste, have you tried examining this girl's body? Her blood?"

Natigilan ako sa naging tanong nito. Napabaling ako kay Nay Celeste at kita ko ang pagtataka nito sa naging tanong ni Dawnson sa kanya.

"Examine? Para saan naman? Dawnson, she's an ordinary girl. Walang kakaiba kay Ice," ani Nay Celeste at binalingan din ako. "Hindi natin siya kalahi o ‘di kaya sa mga Blood. Normal na tao lang ang batang ito. Isang taon na namin itong nakakasama at wala kaming makitang kakaiba sa kanya."

"Oh really?" Nakataas noo na tanong nito at tumayo mula sa kinauupuan. Naglakad ito palapit sa akin kaya naman ay naging alerto ako. Napirmi ako sa kinauupuan noong tuluyang makalapit sa akin si Dawnson at noong kikilos na sana ako para makaiwas dito, napalunok ako sa ginawa nito. Mabilis akong hinawakan sa balikat ni Dawnson at sinugatan ang braso ko!

"Dawnson!" Sigaw ni Nay Celeste at mabilis na tumayo at nilapitan ako. Hindi umiimik si Dawnson at binitawan ako. Ngumisi lamang ito sa akin at pinahid ang dugo sa braso ko gamit ang daliri nito. Hindi ko inalis ang paningin kay Dawnson hanggang sa natigilan ako sa ginawa niya.

He licked off my blood on his finger!

Napaawang ang labi ko dahil sa gulat sa ginawa niya.

Pareho kaming hindi nakakibo ni Nanay Celeste sa ginawa ni Dawnson. Tahimik na pinagmasdan na lamang namin ito habang bumabalik ito sa puwesto niya kanina. Naupo ito sa may sofa at ipinikit ang dalawang mata nito. Mayamaya lang ay nagmulat itong muli ng mga mata at noong mamataan ko ang itsura nito, nanlamig ang buong katawan ko. Hindi ko inalis ang paningin sa lalaki at tinitigan lang ang pulang-pula na mga mata nito.

What the hell is wrong with him? Bakit ganyan ang kulay ng mga mata niya?

"She's not an ordinary girl. She's been cursed, Celeste," ani Dawnson at muling ipinikit ang mga mata. Segundo lang ay nagmulat itong muli at bumalik na sa normal ang kulay ng mga mata nito.

Napakagat ako ng pang-ibabang labi at kinalma ang sarili. What the hell is happening here? Anong pinagsasabi ng isang ito?

"Cursed? Paanong nangyari iyon? Sino naman ang gagawa nito sa kanya?" Hindi makapaniwalang tanong ni Nay Celeste at tiningnan akong mabuti. "Wala ka pa rin bang maalala, Ice?"

Umiling ako dito at napahugot na lamang ng isang malalim na hininga. Akmang magsasalita na sana ako noong matigilan ako sa pagkilos. Napaawang ang labi ko ng makaramdam ako nang kakaibang init sa braso ko, sa parteng sinugatan ni Dawnson kanina!

Ikinurap-kurap ko ang mga mata ko noong makitang naghihilom nang kusa ang sugat na ginawa ni Dawnson sa akin. Segundo lang ang lumipas ay wala na ang sugat sa braso ko! What the hell?

"Ice." Tawag sa akin ni Nay Celeste at mabilis na hinawakan ang kamay ko.

"I told you, she's been cursed.” Matamang sambit ni Dawnson at inilapag sa mesa ang hawak na patalim na siyang ginamit niya kanina sa pagsugat sa braso ko. "Pero… may mali sa batang ito, Celeste. She's not a member of Blood Clan. Lalo namang hindi sa ating mga taga-Lunar and… and she's not even a normal person. Her identity is unknown."

Unknown? My identity is unknown? Paano namang nangyari iyon?

"Nay Celeste, anong nangyayari sa akin?" Tanong ko dito at napahawak na sa bibig ko. Hindi ko na napigilan pa ang mga luha ko.

Pinaghalong takot at pagkalito ngayon ang namamayani ngayon sa buong pagkatao ko. Noon, ayos lang sa akin ang wala akong maalala tungkol sa nakaraan ko. I almost died before and I don’t think that I had a wonderful past. I was scared for myself and the people around me. Pero naging maayos ang lahat dahil sa mga taong tumulong sa akin. Ayos lang sa akin na walang maalala dahil mabait naman ang tumulong at kumupkop sa akin.

But now... Hearing Dawnson words, tila biglang gumulo ang lahat tungkol sa pagkatao ko. Hindi ko na alam kung ano ang uunahin ko. Iyong maalala ang nakaraan ko o intindihin ko muna ang kung anong misteryo tungkol sa pagkatao ko! At idagdag ko pa ang tungkol sa Blood at Lunar na pinagsasabi nilang dalawa sa harapan ko! God, I’m lost right now! What the hell is happening to me?

"Hush it, Ice. Magiging maayos din ang lahat, anak. We promised to protect you, remember?" ani Nay Celeste at mabilis na niyakap ako.

"Hindi natin siya maaring itago dito sa pamamahay ko, Celeste. She's a trouble," ani Dawnson na ikinatigil naming pareho ni Nanay Celeste. "Mukhang alam na ng mga Blood at ng mga nakakataas sa Lunar Organization ang tungkol ng batang ito. She can't be here. Madadamay tayong lahat dahil sa kanya."

"Hindi ko siya maaring pabayaan, Dawnson! She's my daughter!"

"She'll be your death, Celeste!" wikang muli ni Dawnson at inilingan ito. "At matagal na tayong umalis sa organisasyon, Celeste. We both wanted to live a normal life outside the Underworld. Huwag na tayong bumalik sa magulong mundong tinakasan natin noon."

"Pero hindi ko siya pwedeng pabayaan na lamang, Dawnson. Kung siya ang habol ng mga tracers at hunters kanina, then, nasa panganib ang buhay ni Ice! Those monsters might use her for their evilness! Or worse, they might kill her!”

"That's why I'm telling you she's a trouble, Celeste! Kung siya nga ang pakay, malamang ay hindi sila titigil hangga't hindi siya nakukuha!" Sigaw ni Dawnson na siyang ikinakuyom ko ng mga kamao.

Hindi ko na alam kung ano ba ang tamang gawin ngayon. Dawnson is right. Mukhang ako nga talaga ang pakay ng mga taong iyon. Kanina, bago kami hagisan ng patalim ay may narinig akong mga kaluskos sa paligid. Sunod-sunod na ingay ang narinig ko hanggang sa lapitan na ako ni Nanay Celeste. At iyong nakita ko noong pinasabog na ang bahay namin, iyong lalaking may tattoo sa leeg, tiyak kong isa iyon sa tinutukoy nila. It's either a member of Blood Clan or the Lunar Organization!

Nagpatuloy ang sagutan nila Nay Celeste at Dawnson samantalang lunod na lunod ako sa sariling iniisip. Mariing kung ipinikit ang mga mata at kinalma ang sarili. Ilang beses akong humugot nang malalalim na hininga ngunit imbes na pagkalma ang nagawa ko, mabilis na kumalabog ang dibdib ko sa mga ingay na naririnig ngayon ‘di kalayuan sa mansyon ni Dawnson.

Footsteps.

One. Two. Three. Damn! Ang daming mga yapak ang naririnig ko at mukhang napapalibutan na kami nila ngayon dito!

"Nay Celeste!" Mabilis kong iminulat ang mga mata at napaawang na lamang ang mga labi ng makitang hawak-hawak na nito ang kanyang baril at handa ng makipaglaban nang patayan. Napabaling naman ako kay Dawnson at natigilan na lang din muli noong makitang may hawak itong mahabang espada. 

"I can smell Bloods all over my mansion! Lintek talaga! Their intels are much way better than Lunar's! Kung Lunar ang naunang nakahanap sa lugar na ito, tiyak na ayos lang sa akin. I can do the negotiation! But hell, this is the Blood Clan! Negotiation is not our option when facing them!”

"Let's kill them before they kill us," ani Nay Celeste sabay tingin sa akin. "I'll protect you, Ice. Always remember that."

"Nay..."

"Stay here, young lady," ani Dawnson na siyang marahang ikinatango ko na lamang. "Kahit ayaw ko sa’yo, tutulungan ko itong nanay-nanayan mo. She's still my sister," sambit pa nito sabay lakad patungo sa pinto ng silid nito.

"Stay here, Ice," saad ni Nay Celeste at kinuha ang baril sa bag ko at inilagay ito sa mga kamay ko. "Remember this, Ice. Kahit sinong pumasok sa silid na ito, maliban sa amin ng kapatid ko,  huwag kang magdalawang-isip na kalabitin ang gatilyo ng baril na ito," dagdag pa nito at marahang hinaplos ang pisngi ko. “Babalikan kita dito.”

Tumango na lamang ako kay Nay Celeste at pinagmasdan sila ni Dawnson na kumilos. Mahigpit kong hinawakan ang baril at pilit na kinalma ang sarili. Binuksan ni Dawnson ang pinto ng silid at mabilis na lumabas ang dalawa. Hindi ako kumurap hanggang sa mawala ang mga ito sa paningin ko.

Be safe, Nay Celeste. I'll be waiting.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status