Share

IV : BELIEF

Disclaimer: This novel's story and plotline is fictitious. Names and characters are inspired by certain people. Business, events, and incidents are wholly imaginary. This book involves of brutality, language, and violence-filled content that may not be suitable for a certain audience.

"Ano yun?" tanong ni Robyn, "Pagkatapos ng 'patay na si Cholo' scene, meron pa? HaAy"

"Urgh, hindi hindi! Sorry talaga kasi bigla nalang lumabas yun sa bibig ko eh..." ang sabi ko, "Pero, sasabihin ko lang ha. Alam kong 'di mo ko papaniwalaan dito kasi masyado 'tong fictious pero nangyari talaga 'toh sa'kin and I need you guys. Sumakto lang talaga ngayon na ikaw lang ang nasa bahay..."

"Huy! Andito rin si Gab noh!" sabi niya,

"wait- Oh?" tinanong ko, "Alam ko may klase siya ngayon...?"

"Nagabsent siya eh..."

"Bakit?"

"Tinatamad daw siya."

"Jusko naman si Gab." reklamo ko, pinuntahan ko yung kuwarto namin sa bandang kaliwa ng apartment. Nakita ko siyang humihilik sa itaas ng triple decker bed nila ni Scymon at Seiya, "Hoy! Gab!"

"AAAH! WHO'RE YOU?!" sinigaw niya, noong nakita niya na ako, humiga uli siya sa kama, "Urgh just please let me sleep in peace, I had enough of your sermons right now."

"Ha? 'Di pa nga kita sinesermonan ah?"

"onga, alam ko lang na sesermonan mo 'ko. I can sense it."

"Gab. Bumaba ka nga dyan."  ang sabi ko,

"Gab bumebe ke nge dyen enenene" ginagaya niya pa boses ko, inis na inis na'ko kaya't hinila ko siya hanggang magising siya,

"AAAAHHH! YOU'RE GONNA KILL MEEE! HEEELP!! HEELPPP!!! CHINEEEHHH AYOOOOOOS!" 

"GISING KA NA NGA KASE-!"

"HEEELPPP! ROBBEEEYYN! HEHEHELLPPPP AAAHHHUHUHU"

"Gab. AngOA mo." tinigilan ko nang hilain siya, kita ko na gulo-gulo pa ang buhok niya, nakita ko rin yug mukha niya...parang may iba... "OMG. GAB! MAY PIMPLE KA NAA! KAYA PALA NAGTATAGO KA SA MGA KUMOT MO BUONG ARAAW! HAHHAHAHAH!" Naalala ko pa noon, siya lang yung napakakinis ng mukha sa'min, hindi pa siya nagkaroon ng ni isang tagyawat sa mukha, matatawag mo pa siyang shining shimmering splendid.

"Shhh! Janelle, nagmamakaawa ako 'wag mo sabihin kay Roby-"

"ROOBYN 'LIKA DITO!"

"ARGHh! JANELLE! ANOBAAH!" 

"Anyareee?" Sabi ng matinis na boses ni Robyn, naririnig ko na papalapit siya saamin, 

"'Di ko sasabihin na may pimple ka kapag bumangon ka na. Bilisan mo't pumunta ka na sa cr." binulong ko kay Gab, bumangon siya ng mabilis at tumakbo papunta sa cr. Rinig ko rin na nilock niya ng maige yung pinto, sa saktong pagkadating ni Robyn.

"Baket?" Sabi niya, alam kong nakikinig lang mula sa cr si Gab kaya't sinabi kong...

"Uh, pwede ikaw magluto ng tanghalian?" Sinabi ko ng nakangiti,

"sigi na ngaaa." sabi niya sabay labas ng kuwarto. Noong narinig ni Gab na nagsarado na ang pinto, lumabas na siya ng cr at huminga ng malalim,

"Whew, ngayon kelangan ko na ng takip para dito,"

Nakaupo kami sa kusina, kumakain na ng maagang tanghalian ngayong 10:28 am...

"Gab, ba't ka may band-aid sa ulo? Wala ka namang sugat ah?"

Tumingin muna si Gab sa taas, siguro nag-iisip ng maisasagot, "I-I have a headache-"

"'Di ba dapat yelo ang ilagay mo dyan, hindi band-aid?" 

"Argh, wag mo nalang pansinin please?" sabi ni Gab nang may unting halong taray,

"Badtrip siya, 'yaan mo nalang..." binulong ko kay Robyn,

"Uy guys, about sa sasabihin ko... Baka sabihin niyong nababaliw na'ko o ano... Pero atleast tulungan niyo 'ko. Kahit 'wag na kayo maniwala... G?"

"Ay... alam ko yan, naririnig ko yan sa movies, yung sasabihin ng bida na 'don't think I'm crazy yadda yadda' tapos sasabihin niya na either may kapangyarihan siya or something crazy  happened to her or him, ganon..." sabi ni Gab habang kumakain, "Oh... ano na yung crazy super powers mong 'yan?" 

"Gab, wala akong super powers..." sagot ko, huminga ako ng malalim at sinabi ko sakanila lahat ng nangyari. 

"Kanina... noong pumasok na ako, nawala ako ng classroom. Napunta ako sa room ng first years,   so katabi ko 'tong babae, tapos tinanong ko sakanya kung nasaan professor ko lahat lahat. Tapos nung pumunta na'ko sa classroom ko. Wala dun si prof ko kaya pumunta muna akong cr para mag-ayos, at pagkalabas ko... Ginulat ako ni sir dahil napakatanda niya na tignan... tapos napakagulo rin ng buhok niya. Tapos ang natatandaan kong sinabi niya sa'kin na kailangan kong malaman kung sino ang pumatay kay Cholo, lahat lahat... tapos kailangan kong gawin yung essay of 4,000 words-"

"FOUR THOUSAND?!?!" Sabi nilang dalawa, "Posible ba yun?!?!" 

"Oo, basta. Kailangan ko yun tapusin before mag October 15. Kasi kung hindi, mastustuck ako sa timeloop, kahit sa'n ako pumunta. Tapos sabi niya pa na para sa aming dalawa rin daw yun, ewan. Magsasalita pa siya ang alam ko, may sasabihin pa siyang importante kaso bigla nalang siyang nawala sa paningin ko. Nag-intay ako ng iilang segundo dun, nakatayo sa puwesto ko tapos bigla nalang akong parang hinigop ng malakas. Bigla nalang, bumalik ako sa classroom ng mga first years, parehas yung sinabi ng babaeng professor nun tapos nung tinanong ko uli yung katabi ko... parehas din sinabi. Akala ko panaginip nga lang eh, pero noong lumabas uli ako sa cr... Iba naman ang sinasabi ni prof... tapos sinabi niya na nakatapos ako ng isang time-loop kaya umulit-ulit lahat ng pangyayari, tapos sinabi niya na pumunta daw ako diretso sa bahay kapag nawala na siya't tumigil na siyang magsalita... tapos wag daw bumalik sa puwesto ko and wait there for more than 2 minutes kung ayaw magtime loop, may sasabihin pa sana siyang importante kaso bigla siyang nawala. Natakot ako dahil ayoko nang magtime loop kaya tumakbo ako papunta dito, dahil sabi ni prof..."

"Haba 'non ah." sabi ni Robyn, "Parag storytelling nung grade 3 tayo-"

"Sabi na nga ba eh," sabi ko, "'Di nanaman kayo maniniwala."

"Hoy, I believe in you." sabi ni Gab, hanggang ngayon nakafocus pa rin sa pagkain niya, 

"Oh?" sabi ko, dahil minsan lang ang maniniwala agad sa mga gantong kuwento, lalo na't gantong bilis,

"Yeah, nung una, 'di ako naniwala sa sinabing mong patay na siya. Kaya nacurious ako, pumunta ako sa study area, sa table mo... nakita ko yung documents, yung nasa folder lahat. And that's when I started to believe in you-"

"Pinakealaman mo mga gamit ko?!" sabi ko, "Hoy, kapag nawala yun o kung ano man masastuck ako sa isang timeloop habang buhay!" 

"Kalmaa, bro. Atleast naniniwala na'ko ngayon?" 

"Hayst, meron akong ebidensiya 'non, ba't ngayon kahit wala naniniwala ka pa rin?" tanong ko, 

"Eeh, 'ala lang. It seems legit, I can tell when someone's lying."

"Sige na nga, naniniwala narin ako..." sabi ni Robyn, "napag-aralan din namin 'yan sa pyschology eh..."

"Buti naman at alam niyo 'yang mga 'yan. Akin nalalaman ko lang kung paano mo ipapaglaban yung side mo..." uminom ako ng tubig, at bigla kong nalaman... "omg, pwede niyong malaman kung nagsisinunglaing ang isang tao o hindi?!"

"Uh... oo kakasabi lang namin-?" sabi nina Robyn,

"Edi madali lang natin 'toh magagawa! Kailangan lang natin tignan kung sino-sino mga pwedeng itanong, pero bago nun, kelangan muna natin malaman kung saan nangagaling yung mga kaso na ipinapasagot sa'min. Kelangan nating pumunta sa school ko."

"Wait, diba no ID, no entry dun?" tinanong ni Gab, "tsaka malaking university yun diba, sabi mo pa nga? Kung malaki't exclusive yun, paano mo kami mailulusot?"

Nag-isip muna ako ng ilang mga minuto, tapos biglang nakarating sa'kin ang isang ideya,

"Alam ko na-!"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status