Share

III : THE TIMELOOP

Disclaimer: This novel's story and plotline is fictitious. Names and characters are inspired by certain people. Business, events, and incidents are wholly imaginary. This book involves of brutality, language, and violence-filled content that may not be suitable for a certain audience.

October 3, 2025

Nagising uli ako sa mga sigaw ng mga kaibigan ko, 

"OLIIIIIIVE! NAKITA MO BA YUNG BLUE T-SHIRT KO?!?" Sigaw ni Dylanne, "JUSKO OLIVE BILIS BILISAN MO NAMAN MALIGO"

Naririnig ko hanggang dito ang tunog ng pagprito sa kusina, pati narin ang mga tumatalsik na mantika. Ngayon, alam ko na nagluluto palang sila ng almusal, alam ko na hindi ako malalate sa klase. Sinubukan ko ng itayo ang sarili ko ng dahan-dahan, sinuksok ko ang mga paa ko sa mga tsinelas na nasa baba ng lamesang tinulugan ko kahapon, itinabi ko yung kumot na nakapatong sa'kin at naglakad ako papunta sa kusina, dahil hindi ko matiis ang pag-iingay nina Olive at Dylanne-

"ANG INGAY NIYOOOUH" 

at ni Gab. Siya siguro nagluluto ngayon, noong nakita na'ko ng mga kaibigan ko, bumati sila ng

"Morning Chinee, almusal ka na. 'To oh." Inaya ni Grecian, inilagay niya ang plato sa tapat ko't inusog niya papunta sa'kin ang ulam na nasa plato, prinitong hipon... paborito ko.

"Good Morning, nakatulog na pala ako sa study area. Haha." Sabi ko habang humihikab.

"Oo nga eh, kaya nga nilagyan kita ng kumot eh. Yiee kiligin ka naman." Biro ni Lois, habang itinutuyo ang buhok niyang basa, "bihis muna 'ko babushh!" 

"Hoy kain kana dyan, luto ko yan." Sabi naman ni Gab habang umiiwas sa tumatalsik na mantika habang tumitili,

"Ayoko, baka may lason." Biro ko,

"HoyYuh! Bala ka dyan 'wag ka kumain." 

"Biro lang." sabi ko habang sumasandok ng kanin, 

Umupo si Grecian sa tapat ko, habang umiinom ng kape niya, "Inom ka oh." Sabi niya, inilagay niya ang isang mug sa tapat ko, ininom ko 'to... "Ay, musta na pala alternative pt mo?" 

Bigla kong babuga yung iniinom ko sa lamesa, buti nalang at 'di natapunan si Grecian. 

"Aaah! Kape 'toh! Ayoko ng kape!" Sigaw ko habang iniinom ng mabilis ang tubig ko, mabilis ko ring kinuha ang basahan mula sa lababo't pinunasan ang lamesa. 

"Kuwento mo sakanila yung prank Chinee!" Sabi ni Grecian,

"Ha?! Hindi 'yun prank! Hindi 'yun biro! Totoo nga yun!" Sabi ko habang pinupunasan ang lamesa,

"Chinee," sabi ni Grecian ng patawa, "tigilan mo nga 'ko!"

Binagsak ko yung basahan na hawak ko, "Ilang beses ko bang sasabihin na totoo 'yon?!?! Ang unli mo naman, Grecian!" 

"What's the matter guys? Ano meron?" Sabi ni Olive, taglish as usual. Hayst. 

"Eh kasi Chinee... sigurado ka ba nga ba-?"

"Sigurado ako. Okay?! Ba't kasi hindi mo nalang tanggapin na patay na si Cholo! Patay na siya!" Sinigaw ko habang itinapon ang basahan sa lababo, Idinabog ko yung lamesa habang sinasabi, "PA-TAY-NA-SIYA!"

Nalaman ko lang ngayon na napakalakas pala ng boses ko't napakataas... Hindi ko 'yun sinasadya- tsaka nadulas ako't nasabi ko bigla sa lahat sakanila... puwera lang kay Robyn, tulog pa siya. 

"A-andito pala kayong lahat-" ang sabi ko, kita ko sakanila na nakatulala lang sila sa'kin nang gulat na gulat, "ayyyshh, sorry sorry sorry! Nataasan ko boses ko, sorry sorry! I take that back, wala 'yun, wala 'yun." Sabi ko,

"P-patay na siya? Huh? How? When?" Tanong ni Gab,

"Where? Why?" Dagdag ni Olive,

"What?!" Sigaw ng mataas na tinis ng boses ni Robyn, halata palang sa buhok niya na kakagising niya pa lang. "Huh?! Ano pinagsasabi ninyo?!" 

"Robyn, patay na si Cholo..." sabi ni Aishley,

"HUH?!?!" Mastuminis pa ang boses niya, 

"Chinee, sigurado ka ba talaga?" Tanong ni Dylanne,

"Nasa kaso na kelangan ko bigyan ng essay eh! Lahat ng binibigay sa'min na ganyan is based on past cases-!"

"Eh, meron ba dung description kung papaano? Kung kailan-?" Tanong naman ni Aishley,

"Confidential daw kaya lahat ng mga detalya hindi totoo, pero totoo ngang may pumatay sakanya, at 'di natin alam kung sino."

Napaupo nalang ang iba dahil sa tingin ko, katulad ng sinabi ni Grecian kagabi, masyadong maraming inpormasyon 'tong ibinigay ko para sakanila ng biglaan. Pinagmasdan ko muna sila ng ilang segundo't pagkatapos tumingin ako sa orasan, 6:15 na. Kailangan ko nang maligo't umalis.

"Uh, guys malalate na'ko kapag hindi ako magbihis lahat lahat. Sorry nalang kung nabigla ko kayo pero kelangan ko na talagang maghanda, bye muna." Ang sabi ko habang papunta sa kuwarto para kumuha ng mga damit. Naligo na'ko't nagbihis at pumunta na agad-agad sa eskuwela. Alam kong nabigla sila sa sinabi ko pero, wala na 'kong magagawa dahil nasabi ko na eh. 

Pumasok na'ko sa klasrum namin para makitang iba na ang nagtuturo sa harapan. Asan na si Prof Rey?

"Good Morning class, my name is Professor Elena Madrigal, and you can call me by my surname. Today we're going to talk about..." biglang nawala ang boses niya sa pandinig ko. Tumingin ako sa paligid, bakit parang normal 'to para sakanila? Ba't walang nagtatanong kung nasaan si prof rey? Tinignan ko ang katabi kong babae na nakikinig lang sa bago naming guro, tinapik ko siya, 

"Uy, uh ano pong nangyari kay professor rey? Ba't may pumalit sakanya?"

"Ay, sorry hindi ko siya kilala eh..."

"HUH?! Professor natin siya this whole second year college? 'Di mo siya kilala?"

"Ano ibig-sabihin mo? Ay, baka nawala ka ng campus, yung mga second years andoon sa kabilang room, first years palang po kami..."

"Wait, wait, wait... Alam ko eto talaga yung classroom namin eh, ichecheck ko nga sa labas. Sige salamat ha." sabi ko, lutang na lutang siguro ako dahil nawala ako ng classroom, pagkalabas ko tinignan ko yung nakadikit na class schedule sa upuan at nakita kong para sa mga first year nga 'tong classroom. Lagot nanaman ako kay Professor Rey at late nanaman ako, patay nanaman ako niyan. Pinuntahan ko ang classroom namin para makita na wala parin si Professor sa room, hindi naman siya nalalate. Bakit ganun? Siguro mayroong emergency... Inisip ko... Kaya't umalis muna ako ng room at pumunta sa cr para mag-ayos ng mukha, pagkalabas ng cr, nagulat akong makita na si professor Rey nasa labas ng cr... Gulo-gulo ang buhok, mala-einstein hairstyle lang kumbaga...Napakatanda niya na... Nagmukha na siyang baliw sa americana niyang suot lagi-lagi, nagmukha siyang parang nabaliw sa kaka-aral... ganon. Bigla niya akong hinawakan sa balikat ng dalawa niyang kamay ng mahigpit... Nakatingin siya sa'kin gamit ang mga malaki niyang mga mata.

"P-Prof tinatakot niyo po ako-"

"Janelle! Makinig ka sa'kin!"

"S-Sorry po kung late nanaman ako Prof, wag po kayo ganyan manakot-"

"Please lang! Makinig ka sa'kin!"

"O-Okay-?"

"No matter what happens, do not panic, okay?! Kailangan mong makinig sa'kin at kailangan mong malaman kung sino ang pumatay kay Cholo Santos! That was why I sent you the case through my past self! If you do not solve the case, and make the essay, you'll be stuck in a timeloop! Just like me! This time loop starts at every start of a latest waxing crescent phase of the moon, and it will end every new moon, by the end of the waning crescent. You need to find out who murdered him, and why and how, you need to find out everything when the dark side of the crescent invades the whole moon, when it turns to become a new moon. You have a month to do this, I believe in you. This is for the sake of both of us. Just remember to-"

ZAP! Bigla siyang nawala... Anong pinagsasabi niya? Like time travel? Pfft, anggaling naman magacting ni prof... pwede na siya...

Nabigla ako dahil bigla nalang akong nahihilo, parang hinigop ako bigla ng isang whirlpool... sumigaw ako ng malakas, ng napakalakas dahil hindi ko alam kung anong nangyayari sa'kin. Lahat ng nasa paligid ko'y biglang naging itim... sinubukan kong dumilat uli at nakita ko ang sarili ko na nakatulog sa klase... Katabi ko parin yung babaeng tinanong ko kanina. Tapos nagtaka rin ako dahil nagsalita uli yung professor na bago, "Good Morning class, my name is Professor Elena Madrigal, and you can call me by my surname. Today we're going to talk about..." Wait, yan yung sinabi niya kanina ah?  Huh? Nanaginip ba ako kanina o nananaginip lang ako ngayon? Tinapik ko uli yung katabi kong babae at nagtanong ng parehas na tinanong ko sakanya kanina...

"Uy, ano pong nangyari kay professor Rey? Ba't may pumalit sakanya?"

"Ay sorry 'di ko siya kilala eh."

Ba't parehas na parehas yung mga sinasabi niya sa napaginipan ko?

'Di na 'ko nang-abala at nagtanong pa dahil alam kong namali ako ng classroom, lumabas nalang ako't dumiretso sa cr para mag-ayos uli ng mukha, 'di ko akalain na pagkalabas ko andodoon uli yung nasa panaginip ko na version ni Professor Rey, matandang baliw na kamukha ni Einstein. Hinawakan niya nanaman ang mga balikat ko gamit ang dalawa niyang kamay.

"P-Prof?"

"Janelle! Makinig ka sa'kin!" Woah, paulit-ulit ka prof ah, "Please lang! Makinig ka sa'kin!"

"Prof, sorry po, pero medyo alam ko na po sasabihin ninyo eh."

"Hindi! Hindi! Importante to, this is not because you're late or-"

"Prof, sasabihin niyo po 'tong time travel na ewan, tapos sasabihin niyo rin po yung kung gaano ko kailangan matapos yung kaso at yung essay para sa ating dalawa. Tama ba, prof?"

Napatulala siya, "A- Oo! Nakaisang timeloop ka na! Salamat sa diyos! Bilisan mo na't pumunta ka na sa bahay ninyo bago pa umulit sa'yo ang timeloop ngayon! Pagpupunta ka sa mismong puwesto mo dito, dapat not more than 2 minutes, dahil mapupunta ka nanaman sa timeloop, kaya kapag tumigil na'kong magsalita... Tumakbo ka na papunta sa bahay ninyo. At tandaan mo palagi na-"

ZAP! Bigla akong napatakbo papunta sa sakayan ng dyip, sinundan ko ang mga sinabi niya. Ayoko nang umulit, ahh... Inisip ko,  pagkatigil ng dyip, bumaba na'ko't tumakbo papunta sa apartment namin. Binuksan ko ang pinto ng hingal na hingal...

"Oh, Chinee? 'Kala ko may klase ka?" tanong ni Robyn, naalala ko nga pala... Hapon na ang klase niya tuwing Biyernes... tinignan ko ang orasan namin, 7:13 am, iilang minuto lang ang lumipas sa ganoong oras? Ay shems. Tsk, timeloop nga pala.  Pinag-isipan ko kung sasabihin ko ba kay Robyn ang naranasan ko...

Masyado na ngang maraming inpormasyon ang nasabi mo kanina, dadagdagan mo pa... at tsaka, baka isipin niya na nababaliw ka pa.. Ang sabi ko sa sarili.

Eh, paano na 'to?  Kailangan mo makasolve ng murder case at gumawa ng 4,000 word essay by October 15 all by yourself? Halata naman na'di mo yun kaya. Nag-isip uli ako ng ilang mga segundo, sila lang naman ang napagkatiwalaan ko sa buong buhay ko eh, kahit pa isipin nila na baliw na'ko, o 'di nila ako papaniwalaan... atleast, tutulungan parin nila ako. Huminga ako ng malalim... 

"Robyn, may sasabihin ako."

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status