Share

II : CRESCENT

Disclaimer: This novel's story and plotline is fictitious. Names and characters are inspired by certain people. Business, events, and incidents are wholly imaginary. This book involves of brutality, language, and violence-filled content that may not be suitable for a certain audience.

Naalala ko rin noon. Grade 7. June 19. Eto yung nagfirst day of school...

June 19, 2018

Nagmumukha akong ewan, papunta punta lang kung saan. Nakakaligaw naman 'tong school na 'to. Kitang kita ko na napakarami ng mga estudyante dito sa Saint Rita Academy. Noong pinapila ako sa section ko, nakita ko na may string bag yung kaklase ko na Hogwarts. Aarghh hindi mo alam kung gaano ako kaadik sa Harry Potteer urgh. Inisip ko sa sarili, Baka kapag lumapit ako o maging seatmate ko siya, magiging kaclose ko siya? Hays, bahala na. Naisipan kong lumapit sakanya ng unti, nakita ko na lagi siyang may kasama na nakasalamin na merong maikling buhok, mukha ring chubby, pero pag pagmasdan mo, payat naman. Baka magkaklase sila dati o magkakilala.

Inisip ko, 

Pagkatapos nang napakaboring na orientation, nagtour kami sa buong school. Napakalaki, baka mawala-wala ako rito araw-araw. Pagkatapos non, pumunta kami sa klasrum namin, medyo naligaw rin nga yung student council na guide namin eh. Pagkarating namin sa pinto, sarado pa pala. Naupo kaming buong magkaklase sa lapag, ang init pala ng panahon dito sa Maynila. 

Pinagmasdan ko uli yung mga kaklase ko, hmm wala 'kong type dito char! Pagkalipas ng ilang mga minuto, salamat naman at nakapasok na sa klasrum, nakapasok narin yung adviser namin. Hindi masyadong masaya kasama siya sa tingin ko, medyo sigaw ng sigaw eh... Nakaupo ako dito sa pangatlong row, nasa kanan ko yung babaeng pinagmamasdan ko kanina nung nakapila pa 'ko. Yung maikli yung buhok na may salamin, yun. Nasa kaliwa ko naman isa pang babae na para sa'kin mukhang napakabait at mahiyain. Habang nagsasalita yung adviser namin, pinagmamasdan ko lang yung iba, kasi inuulit lang naman ng adviser namin yung orientation eh. Bigla nalang akong nagulat dahil sumigaw uli si ms. adviser.

"BRING ONE FOURTH SHEET OF PAPER!" sigaw niya, dali-dali kong kinuha yung bag ko, na medyo weird pa dahil galaxy na may pusa't aso pa siya. Kinuha ko yung one-fourth pad of paper ko at pumunit ng isa, biglang may tumapik saakin, nakita ko yung nasa likuran ko, isang babae na nakaponytail, oo sasabihin ko na, cute siya. Nakita ko na rin yung nasa kaliwa ko, yung babaeng mahaba yung buhok at mabait tignan,

Tumatawa siya habang tinitignan yung bag niya, tumingin siya sa'kin na merong one-fourth, "Pwede manghingi?" sabi niya nang nakangiti,

"Sige lang!" sabi ko, binigyan ko siya ng dalawang sheets, tinapik uli ako ng babae na nasa likod, 

"Meron ka pa po ba?" sabi niya,

"Opo, meron pa po." sabi ko, habang binibigyan siya ng dalawang sheets. Nice, be friendly lang. Ang sabi ko sa sarili. Pinasulat kami ng kung ano- ano ni ms. adviser. Pagkatapos, pinaulit-ulit niya parin yung orientation kanina. Umandar na uli yung orasan, pagkakita ko, Yes malapit na mag-uwian. Nung narinig ko na pinapatayo na kami ni ms. adviser, excited na akong umuwi, kahit first day palang, oo excited na akong umuwi. Noong pinauwi na kami, binitbit ko na yung bag ko na napakaweird, tapos bigla pala akong napa-isip, hindi ko pa sila kilala, 

"Ay, ako nga pala si Chinee." sabi ko sa babaeng katabi ko kanina, nakita kong marami siyang bitbit na bag kaya hindi ko nalang tinaas kamay ko para magpakilala,

"Lois nalang tawag mo sa'kin." sabi niya, "Alis na'ko, sorry ha."

"Oks lang, see you!" sabi ko habang umalis siya. 

Lumipas ang isang linggo, kilala ko na silang lahat. Turns out, parehas kami ng lungsod na tinitirhan ni Lois. Pati na rin ng iba kong kaklase, yung babaeng nakasalamin at maikli ang buhok, ang pangalan niya pala'y Robyn. Lagi niya nang kausap 'tong lalaki na sa tingin ko mahilig sa K-Pop, kaya siguro sila nagkasundo. Eto namang nasa likuran ko na babaeng laging nakaponytail ang buhok, ang pangalan niya naman ay Grecian, naka-usap ko siya't mahilig pala siya kumanta't sumayaw, pati narin ang pagbadminton. Nag-usap kami noon tungkol sa kung anong club ang sasalihan... Pero parehas naman kaming sumali sa club na tungkol sa pagkanta, sila-sila palang ang nakakausap ko, pero kahit may nakakausap akong mga ibang lalaki, hindi ko nadarama na makakasama ko sila, hindi katulad ng nararamdaman ko sa mga kinakausap ko ngayon. Pero meron akong nakachat na lalaki, well... hindi actually "lalaking lalaki". Alam niyo na ibig-sabihin ko. Siya si Scymon, pero minsan minsan, tawag ko sakanya Ski. 

August 1, 2019

Natapos na ang unang linggo sa Saint Rita Academy. Meron akong atleast tatlong nakakasundo. Hanggang ngayon, nag-uusap usap parin kami, masaya naman sila makasama. 

Pagkapasok ko sa eskuwela, nagulat ako nang malaman na meron agad na activity! Kakanta't Sasayaw daw ang buong section, konektado rin daw sa Religion. 

"Meron daw tayong DaSayaWit, magpapractice tayo ng siguro dalawang linggo, pinayagan tayo ni sir na magpractice sa Religion class. Kaya maghanda na kayo, thankyou!" Sabi ng Vice President namin, nakaupo parin ako sa upuan ko, katulad ng dati... Nagsusulat ng kung ano-ano sa papel, bigla akong nagulat dahil may tumawag sa'kin...

"Chinee! Chinee!" Sabi nang isang lalaki habang tumatawa, pinipigilan niya yung katabi niya na isa... yung singkit. "Crush ka ni Cholo!" sabi nila sabay tawa ng malakas,

"'Wag ka dyan maniwala Chinee! HAHAHAHA" humalakhak din siya ng malakas,

Ngumiti nalang ako't binalewala sila habang sabay na naririnig ang halakhak at pagtawag sa ibang mga babae sa klasrum, saying the same phrase bilang biro. Atleast may kilala na'ko na bago.

Noong nagpapraktis na kami ng DaSayaWit, naging maingay ako kaya lagi na'kong sinasaway ni Robyn dahil may nakatabi ako sa formation na maliit na lalaki, kinausap niya 'ko ng kinausap, nakakagulat na nga rin kung gaano siya kafriendly sa'kin. Nag-usap kami tungkol sa kung ano-anong bagay. Mula sa mga rappers hanggang sa gaano kami naiinis sa mga ibang officers na satsat lang ng satsat. Siya si Gab. Lalaking mayroong makinis na mukha, malalim na dimples, at medyo magulong buhok.

August 15, 2018

Noong araw ng outreach program namin, habang kumakain kami ng recess ni Lois, may narinig kaming mga nagtatawanan ng mga malalakas na boses, nakita ko si Grecian na may kasamang siguro mga pitong lalaki't babae, dalwa doon ay mga nakatabi ko dati't nakausap ko rin. Nakita nila kami ni Lois na nakaupo. Nakita rin namin sila na sa tingin kong naglalaro ng Ice, ice, water. Pinanood namin sila maglaro sa napakalawak na field. Kitang kita mula dito na hingal na hingal sila sa kakatakbo nila. Naka-ilang minuto pa bago sila bumalik sa pinangalingan nila noong nakita namin sila kanina, kitang kita yung mga pawis nila't rinig na rinig ang mga paghabol nila ng hininga. 

"Wooh! Grabe!" Sabi ni Grecian, "mamaya ule!" 

"Gege!" Sabi naman ng isang malaking lalaki na lagi niyang kasama, "Uy! Lois! Chinee! Sali kayo mamaya!"

Nagtinginan kami ni Lois at nagsenyas nang parang nagsasabing Ba't hindi? 

"'Ge ba" sabi namin ng sabay. Kumakain pa kami noon ng Ice Cream habang nag-uusap usap.

"'Lam ko na! Magimbita tayo ng maraming taga section natin para maglaro! HAHA magiging masaya toh!" dagdag ng lalaki,

At noong matapos ang outreach, natuloy nga ang usapan na maglalaro kami. Mga halos 17 ang sumali para lang maglaro,  sumama narin sina Robyn,  kami ni Lois at ibang hindi ko masyadong napakilala sainyo ng maayos. Katulad ni Aishley. Noong simula, lagi ko siyang nakikitang nag-iisa't nagbabasa ng libro sa klasrum. Pero ngayon na nagkakilala kami, nalaman ko na napakasaya niya rin pala kasama. Meron siyang magandang buhok na sakto lang kapag sasabihin mo kung gaano 'to kahaba. Sumama din 'tong lalaki na, hindi talaga lalaki. Alam na. Nakasalamin siya at maayos ang buhok, una ko siyang nakita dahil masaya rin siya maka-usap, at may hati siyang hapon. Siya si Seiya. Dalawang babae rin nakasama ko, parehas mahiyain pero kapag makilala mo masarap laging kausap. Pangalan nila, Dylanne tsaka Olive. Si Dylanne, mayroong maikling buhok na mayroong bangs at payat na mukha. Si Olive naman merong napakakulot na buhok na lagi ring nakaponytail o nakapuyod. Meron ding siyang maliit at payat na hugis ng pusong mukha.

Naglaro kami ng bente uno, ice-ice water, tapos marami pa, kahit napakainit ng araw sa field. Nakita ko naman na masaya sila kasama, pero 'di lahat. Napagod kami agad-agad, kaya pumunta kami sa Canteen namin at kumain ng tanghalian, nag-usap usap din kami. At nang matapos na ang lunch break sinabi ng isang lalaki,

"Uy! Kain uli tayong magkakasama ha!"

"Ge!" Sabi ng iba, simula sa araw na iyon naniwala akong buong taon kami magkakasama dahil hindi ako naging ganoong kasaya maglaro sa buong buhay ko, pero noong makalipas ang tatlong araw, laging naghihiwalay-hiwalay ang iba saamin. Lalo na yung mga ibang lalaki. Halos kami nalang ni Lois, Robyn, Aishley, Grecian, Dylanne, Olive, at Seiya ang magkakasama. Pati narin sa mga kuwentuhan sa klasrum. 

"Uy, ang weirdo ni Scymon, pero lagi namin siyang nakakasundo ewan ko ba HAHAHHA" Sabi nina Robyn at Grecian pagkatapos makausap si Scymon. Naka-upo lang ako sa puwesto ko, as usual, si Lois nasa tabi ko. 

"Edi iaya niyo na sumama sa'tin?" sabi ko, ginagawa ko yung gawaing bahay namin, para wala na'kong gawin maya-maya. 

"hmm, sige sige. Kahit hindi naman ayain lagi naman siyang sumasama sa'tin eh." sabi naman ni Aishley, 

"Meron na siyang grupo diba?" sabi naman ni Lois dahil nakasundo niya rin si Gab na kasama sa grupo ni Scymon. 

"Pwede namang makisama lang, masaya naman rin kasama eh. The more the merrier, ganon." sambit ni Grecian, umupo siya sa harapan ko habang nangbuburaot ng pagkain mula sa Ridges ni Robyn. 

Biglang napasaamin si Scymon ng punta, nagcacatwalk pa siya't nagslow-mo turn habang sinasabing "Hey guys!" 

Hmm, englishero. Ay! Este englishera.

"Hi Ski!" sabi ni Lois, "Pinag-uusapan ka lang namin,"

"Huh? Why? Ano meron?" Sabi naman niya

"Tatanungin ka sana namin kung gusto mo sumama sa'min, you know... Lunch, etc." sabi ni Robyn

"Sure!"

"ganun lang kadali? Diba kasali ka pa dun sa isa mong grupo yung uhh... anubayun?" sabi ni Dylanne

"Oh! Yes! Breakfast Club!"

"oo, ayun. Diba kasali ka dun? Ano yun, doble doble ka?" sabi naman ni Olive

"Why not? The more the merrier!" Sabi niya habang nagcatwalk uli papaalis.

Tinitigan namin siya ng ilang segundo ng tahimik...

"Yun yung sinabi ko ah." sabi ni Grecian. 

Lumipas ang ilang mga araw, magkakasama na kaming lahat, pati narin si Gab. At naibuo namin ang grupong "crescent".

October 3, 2025

Nagising uli ako sa mga sigaw ng mga kaibigan ko sa apartment.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status