Share

The Dark Side Of The Crescent
The Dark Side Of The Crescent
Author: Janelle Francine

I : ALTERNATIVE PT

Disclaimer: This novel's story and plotline is fictitious. Names and characters are inspired by certain people. Business, events, and incidents are wholly imaginary. This book involves of brutality, language, and violence-filled content that may not be suitable for a certain audience.

October 2, 2025

Nagising ako sa sigaw ng mga kaibigan ko,

"AISHLEY NASAAN TOOTHBRUSH KO?!" sigaw ni Robyn

"Ay aba! Bakit ako? Toothbrush mo yan eh" sagot naman ni Aishley, rinig hanggang sa kuwarto ko ang tunog ng kutsara't tinidor sa kanyang plato.

"UYY ASAN KASEE, importante 'tong araw na 'to uyyy! Final PT day na kaya!" Sabi ng maliit na boses ni Robyn

"Tignan mo sa baba ng lababo jusko."

"Aishleyy!!! FINAL PT DAY NA NGA EH!" 

Napa-isip ako bigla... Final PT day? Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko para makatingin sa orasan... at biglang napalaki ang mga mata ko dahil...

"HUTEK EIGHT NA?!?!?" 

Napabilis kilos ko bigla habang umaalis sa kama. Dali-dali kong kinuha ang mga susuotin ko at pumunta sa cr. Pagkatapos, kinuha ko naman ng nagmamadali ang sapatos ko't kasama na ang bag ko. Nagbihis ako ng nagmamadali habang nakatitig saakin ang mga kaibigan ko.

"Uh, Chinee 'di ka na kakain?" Tanong ni Scymon, pagkatingin ko sakanya nakita ko na nakasuot siya ng pink na apron at nakamake-up din. 

"Hindi na, hindi na. Tirhan niyo nalang ako mamaya. Bye na!" Sinabi ko habang tinatali ang nga sintas sa sapatos ko,

"Oy Chinee kain ka muna baka magutuman ka." Sabi ni Grecian habang nginangabngab ang sa tingin ko, luto ni Scymon.

"Late na 'ko, maya na. Oh bye na!" Sabi ko habang tumakbo papalabas ng apartment. Tinakbo ko ang sakayan ng dyip papunta narin sa eskuwela. Hingal na hingal, binuksan ko ang pinto ng klasrum namin at nakita kong wala nang mga tao't nakapatay na ang mga ilaw.

"ARGHHH!" Sigaw ko, iritang irita.

"Ms. Suministrado... you're late."

Bumukas ang mga ilaw at nakita ko si Professor Rey na nakaupo sa kanyang upuan sa gitna ng klasrum. 

"Prof, sorry po talaga prof. Dala dala ko na po yung PT. Please prof tanggapin niyo na pinagpuyatan ko po 'to the whole week."

"What was the said due date?"

"T-today po, prof."

"Wrong! I said the due date was the class today! Nasa klase ka pa ba?" Sabi niya, tinuturo ang mga walang laman na mga upuan.

"W-wala na po, prof."

"Then you can't submit it anymore! Easy! Madali ka lang naman pala kausap eh!"

"Prof, please lang po..."

"I take that back, hindi ka madali kausap nga pala... ehem, as I was saying. The only hope you have is the alternative PT. Here you go, and do not be late in my class ever again, or else." Sabi niya habang nakaturo saakin, hinalungkat niya ang lamesa niya't may ibinigay saaking folder. "I need 4,000 words about that case due 'till October 15th. Now get out of my sight."

"What did I just say?" dagdag niya pa,

"P-prof, please-"

"Get. Out."

Huminga nalang ako ng malalim at tumungo papalabas ng klasrum. Saktong pagkalabas ng klasrum, tumulo na din ang mga luha ko.

Sa apartment, nakita kong nakaabang na saakin ang mga kaibigan ko. Wala ba silang magawa sa buhay? Isip-isip ko.

Sakto lang ang apartment namin, hindi maliit, hindi malaki. Mayroong apat na kuwarto, ang isa para sa aming lahat... este bedroom namin, ang pangalawa naman ay ang sala, este "netflix room", pangatlo naman ang kusina na kasama na ang dining room at ang pang apat naman ay ang gamit na gamit na kuwarto, na parang study area. Masaya naman tumira dito, sadyang hindi lang ako masaya.

Pagkapasok ko sa apartment, niyakap nila ako habang umiiyak. Halos lagi-lagi kaming magkakaibigan makaranas ng isa saamin na umiiyak o merong pinagdadaanan, mahirap naman kasi talaga ang buhay. Pero atleast, we have each other. 

"Okay lang yan pre, andito lang naman kami." Sabi ni Lois habang yinayakap ako. 

"Kain muna tayo, I'm so hungreh" biro naman ni Seiya, tumawa kaming lahat at pumunta ang mga kaibigan ko sa dining area. Pumunta naman ako sa kuwarto namin at ibinaba ang mga gamit ko, pagkatapos, sumabay narin ako sakanilang kumain, 

"gutom na gutom na 'ko, kain na tayo." Sabi ko habang nakangiti.

***

Tinitigan ko yung lamesa, sitting there was my alternative PT. 11pm na, wala parin akong nagagawa na kahit ano para sa alternative PT ko. Binuksan ko na yung folder na ibinigay sa akin, nakasulat doon yung kaso. Mayroon ding mga pictures, pero napataas yung kilay ko habang binabasa ko... "murder of Cholo Santos"

Napalaki bigla mga mata ko, si Cholo?! Patay na?! Ha?! What?! Why?! Where?! When?! How?! Tinanong ko sa sarili ko, 

Kaya nga aalamin mo ngayon eh. Basahin mo na. Sagot ko muli sa sarili ko.

Binasa ko ng tahimik yung kaso "Murder of Cholo Santos-" wait, diba masyadong madugo 'tong kaso na 'to para sa isang college student? I mean literal na madugo. Eh bahala na, wala tayong magagawa dito. 

Tinuloy kong basahin yung iba... 

side: defendant

This case is confidential, therefore the given names and addresses are fictional and shall not be taken seriously.

Role: Your firm handles the accused murderer as their client.  You are the senior partner of the firm. You have to justify the following evidences and accusations.

Hold up. So wala ditong totoo? Pero totoong patay na si Cholo? Wait, what? I'm confused... Paano kaya natin 'toh maiaano. Tanong ko uli sa sarili ko

Gawan mo nalang kaya ng essay at tapusin mo na yan? Para sa grades mo lang naman 'to eh. Sambit ko sa sarili.

Naaalala mo pa ba si Cholo, Chinee? Kaklase mo yun dati! Siya yung nang aasar pa sayo kahit napakalungkot mo o badtrip mo pa! Hindi lang siya isang kaso na isosolve! Sinigaw ko uli sa sarili ko. Shems kinakausap ko na sarili ko, baliw na 'ko omg. Pero isang solusyon lang lang ang makakatapos neto...

"Si Cholo? P-patay na?" Sabi ni Grecian, "Weh, Chinee alam kong 'di 'to tunay. Imposible naman."

"Grecian, maniwala ka saken. Promise." Sabi ko,

"Eh kakachat lang namin nung nakaraang linggo eh. 'Wag mo ko biruin ng ganyan hoy."

"'Nubayan ayaw pa kase maniwala. Eh tignan mo..." sinabi ko habang naglalakad papunta sa lamesa kung nasaan yung folder, tinuro ko sakanya ang mga sulat, "ayan oh. Mur-der-of-Cho-lo-San-tos. Inisa-isa ko pa yan."

Napatulala siya ng iilang segundo. Pagkatapos, ngumiti siya ng saglit.

"Hindi, hindi 'yan totoo. Fake news, fake news."

"Grecian. Nag-aaral ako sa malaking university, at lahat ng mga kasong pinagpapractisan namin is based on past events. Lahat 'yun totoo. Pero ito, sabi dito yung mga ebidensiya tsaka yung mga tao etc are fictious kasi confidential case. That proves na totoo 'to. O ano, 'di ka pa naniniwala saakin?" 

Ngayon, napakamot na siya ng ulo habang tumatawa.

"Chinee ha, tigilan mo 'ko." Sabi niya pa,

"Grecian sa tingin mo magbibiro ako sa gantong lagay ko? Yung tipong kelangan ko makagawa ng essay sa isang kasong napakahirap at kelangan pa ng 4,000 words by the end of the week? Grecian, tatlong araw nalang ang natira saakin para gawin ko 'to."

"S-sure ka?" Sabi niya, "eh kasi... kakachat nga lang namin last week-!"

"Sabi dito na nangyari daw 'to last month. Pero nakasulat dito na yung mga detalye ay fake, fictional. Kaya siguro nangyari 'to ngayong linggo..."

"Sabihin mo na nga lang sa iba, please. Masyado 'tong maraming inpormasyon para sa'kin." Huminga siya ng malalim sabay punta sa kuwarto namin. 

Napatulala ako sa lamesa uli, nakakasilaw ang ilaw ng lampara na nasa mesa. Nakikita ko lahat ng mga letrato ng kaso, lahat ng mga hindi totoong dates, information, mga tao pa. Binasa ko uli ang nakasulat na the given names and addresses are fictional and shall not be taken seriously. Paano ko hindi 'to seseryosohin kung close naming lahat 'tong taong dati patawa-tawa lang tapos ngayon pinatay na? Naalala ko pa nga dati noon... 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status