Share

The Blind Heart - Chapter 2

The Blind Heart - Chapter 2

Nawalan ng saysay ang mga protesta at mga pakiusap ni Fabienne nang makabawi siya ng kaunting wisyo. Her mind was still reeling from utter shock, when she found herself standing outside an expensive-looking hospital.

Muntik pa nga siyang mabuwal nung una dahil halos ipinagtulakan siya ni Desiree pababa ng sasakyan na ito mismo ang nagmaneho.

"Wala kang gagawin kundi ang lumapit sa pasyente. Manatili ka ng ilang minuto sa tabi ng hospital bed. Pagkatapos, puwede ka ng umalis. Ano ba ang mahirap d'on?" ang mataras na pahayag nito habang patungo sila doon.

She was still feeling numb. Wala siyang maapuhap na lakas ng loob na sumalungat. Nagmistulang blangkong papel ang kalooban at isipan niya.

"Chances are, baka unconscious pa rin siya hanggang ngayon," her cousin continued nonchalantly. "Tinawagan ko ang ospital kagabi. Gan'on pa rin ang condition niya. Walang pagbabago. Poor

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status