The Girl in His Dreams - Chapter 9
PAGKATAPOS ng napakahabang panahon, ngayon lang uli nalasap ni Rafael ang kumpletong kapayapaan sa sarili. Halos nakalimutan na niya kung ano ang pakiramdam ng lubos na satispaksiyon ng katawan.
Napatigagal siya, matapos makarating sa kasukdulan. Gayundin ang nakatalik. Kapwa sila nawalan ng tinag. Nagmistulang mga estatwa, maliban sa malakas na paghingal at sa masasal na pagkabog ng dibdib.
Aywan kung gaano katagal silang nanatili sa gayong ayos. Ang babae ang unang gumalaw. At ang unang bumasag sa katahimikan.
"Uh, e-excuse me?" sambit nito, pabulong. "G-gusto kong pumunta sa bathroom, please?"
Halos paigtad na umalis si Rafael sa pagkakadagan sa dalaga.
"I'm sorry," wika niya. Mababa ang tono. Parang nalilito na di mawari. "I didn't realize," dagdag pa.
Maliksi niyang inalalayan sa pagbangon ang babae. Nahagip ng mga mata niya ang puting roba
The Girl in His Dreams - Chapter10 Hindi gaanong nakatulog si Alona kaya medyo matamlay ang pagkilos niya pagbangon kinabukasan. "Good morning, neighbor!" Nagsasalang siya ng tubig sa takuri nang sumungaw ang ulo ni Brenda sa munting bintana na nasa pagitan ng kanilang mga kusina. Napangiwi siya dahil nagulat. Umalingawngaw kasi sa tahimik na paligid ang boses ng kaibigan. "Good morning din, " tugon niya, sabay ngiti ng pilit. "May coffee ka na?" "Wala pa," hikab nito. "Puwede bang tumawid d'yan? Wala kang kasama?" "Puwede. Wala akong kasama dito," banayad ang tugon niya kahit na bahagyang namumula ang mga pisngi. Sa isang iglap lang, nakatawid na si Brenda. Hindi nito itinatago ang matinding kuryosidad tungkol sa kanilang dalawa ni Rafael Morales. Wala ring itinago si Alona. Sinabi niya ang lahat-lahat, maliban sa mga detalye ng kanilang kap
The Desirable ImpostorSYNOPSISCaitlyn was on a mission. An impossible mission. She would impersonate her twin sister, Janine. She must win over the grandmother of Drake.It was easy with the grandmother but Drake was hard to hoodwink. He saw her as his beautiful impostor.He decided to test her. But the testing got out of hand and onto the bed.Caitlyn did not want to go on deceiving her twin but Drake wanted her like no other.Where would their desire lead them?* * *The Desirable Impostor - Chapter 1 NANG magpakasal sina Emilio at Cora, marami ang humatol na hindi magtatagal ang pagsasama ng dalawa.Nanggaling sa isang buena familia si Emilio Del Praño at si Cora Cruz naman ay anak sa pagkadalaga ng isang tindera ng isda sa palengke.&nb
CHAPTER TWO: "MAGPAPANGGAP akong ikaw?!" Napabulalas si Caitlyn. "Hey, no need to shout!" ganting-bulalas ni Janine. Sumungit ang tono. "Kung ayaw mo akong tulungan, 'wag mo na akong ibisto kina Papa." "I'm sorry, Ate Janine. Nabigla kasi ako." Luminga-linga si Caitlyn sa paligid ng sala. "Don't worry, nasa kusina sina Itay at Inay." Magkatuwang na nagluluto ng hapunang barbeque steak ang mga magulang nila. "Bakit nabigla ka?" Nagbaba na rin ng tono si Janine. "Imposible kasing magkatutoo ang gusto mo. Magpapanggap akong ikaw?" Inulit na naman ni Caitlyn ang tanong. 
CHAPTER THREE: KINABUKASAN, nakasakay na naman sa eroplano si Caitlyn. Patungong Zamboanga naman. "May malawak na pineapple at durian plantation ang Familia Mendrez ng Zamboanga. Nandoon ang ancestral house na tinitirhan ng lola ni Drake," ang mabilisang pagkukuwento ni Janine habang nakasakay sila sa taxing patungong domestic airport."Sabi ni Drake, may sarili din daw kapilya ang plantasyon. Malamang na doon kami ikasal dahil napaka-tradisyunal ng kanyang lola." "Er, ano ba ang pangalan ng lola?" Parang na-attached na si Caitlyn sa agwela ng kasintahan ng kapatid dahil siya ay sabik na makilala ang sariling lolo at lola. Hindi pa rin siya itinuturing na apo dahil sa loyalty niya sa kanyang Inay.
CHAPTER FOUR: NAGING tahimik at payapa ang maikling biyahe patungo sa Villa Mendrez. Kapwa walang imik ang dalawang okupante ng dyip.Ang buong atensiyon ni Caitlyn ay ipinabihag niya sa mga tanawing nadaraanan. Nakakabighani ang walang katapusan at pantay-pantay na mga hilera ng mga pananim na pinya, mga puno ng durian at mahahabang greenhouses. "'Yan ang latest technology sa vegetable-raising, ang mga hydroponics. Soil-less kaya hindi kailangan ng lupa. Ang nutrients na kailangan ng mga halaman ay direktang nakukuha sa circulating water supply kaya napakabilis lumaki at magbunga." Tumangu-tango si Caitlyn. "Narinig ko na nga ang tungkol sa hydroponics. Mas malalaki at mas malasa ang hydroponics tomatoes na natikman ko."&nb
CHAPTER FIVE: ISANG matandang babae ang parang reynang nakaupo sa isang silyang tila trono ang disenyo at yari. Regal ang hubog ng ulo at ang tuwid na mga balikat at likod. Diretso at nang-aarok ang paraan ng pagtitig. Puno ng pangamba ang kalooban ni Caitlyn habang papalapit sila ni Drake sa naghihintay na agwela. "Lola Dorothy," ang masiglang sambit ng lalaki. "Nainip ka ba?" Hinagkan nito ang isang kulubot at butuhang pisngi. "Hindi naman. Puntahan mo si Seling at sabihing puwede na niyang ilabas ang mga pagkain dito." Nakangiti si Senyora Dorothy Mendrez habang nagbibigay ng instruksiyon sa apo.Bahagyang nabawasan ang init nang bumaling sa gawi ni Caitlyn. "Iha, halika. Dito
CHAPTER SIX GAMIT ang celfone, tinawagan ni Caitlyn si Janine sa condo unit, ngunit walang sumasagot. Baka nasa salon pa ang kakambal. O kaya'y nakalipad na patungong Paris. Gusto na sana niyang umalis sa plantasyon kaya tinatawagan ang kapatid. Ayaw na niyang magpatuloy sa pagpapanggap.Gusto na niyang bumalik sa San Jose, kungsaan ang buhay ay simple at walang kumplikasyon. 'Ayoko ring mahulog nang husto ang loob ko sa 'yo, Drake Mendrez!' bulalas niya habang yapus-yapos ang sarili. Hindi inasahan ni Caitlyn ang sumunod na ginawa ng lalaki matapos ibalitang bibigyan ng singsing si Janine bukas ng gabi.Bigla na lang siyang sinambitla ng mahigpit na yakap at ginawar
CHAPTER SEVEN HABANG naghahapunan, muli na namang pinagmasdan ni Drake ang nobyang tila naging estranghera sa kanyang pakiramdam. Maikling panahon pa lamang niyang nakasama si Janine Del Praño ngunit may natandaan na siyang mga katangian at kapintasan ang bagong girlfriend.Ang mga nagustuhan niya ay ang pagiging malambing, karinyosa, sensuwal, at intelihente.Ang mga kapintasan naman ay pihikan sa pagkain, matapobre, mapaghanap, at masyadong mahilig sa alak. Handa siyang i-overlook ang mga kapintasan, basta't makapasa lang ang babae sa pihikang panlasa ni Lola Dorothy--at sa ilang personal na pagsubok niya. Ngunit paano nga kung isang impostor naman ang dumad