Share

The Outlaw’s Darling - Chapter 6

The Outlaw’s Darling - Chapter 6

PAGKAALIS ng lalaki, nagdumaling bumangon si Alana para alisin ang nakagapos na lubid sa kanyang mga binti. She stood up and walked towards the door with ginger steps.

Nangingimi ang mga paa niya. Parang tinutusok ng maraming karayom ang mga kalamnan mula sa talampakan hanggang sa mga tuhod.

Dahan-dahan niyang pinihit ang seradura ng solidong pinto. Itinulak niya iyon nang buong ingat.

Napahinto siya ng may marinig na mga boses-lalaki sa labas. Na sinalihan pa ng boses-babae.

Bahagya niyang pinalaki ang awang para maintindihan niya ang pinag-uusapan.

Ang una niyang napuna nang makarating sa malayong probinsiyang ito ay ang ibang diyalekto ng mga tagarito.

Ayon kay Mang Bruno, bihira lang daw ang marunong ng matatas na Tagalog. Ang mga may aral lang, o di kaya'y ang mga nandayuhan lang doon.

Kaya nagtaka pa siya nang maintindihan ang mga salitang naririnig sa labas.

Sinilip niya ang

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status