Share

The Unexpected Lover - Chapter 9

The Unexpected Lover - Chapter 9

KUMBAGA sa telebisyon, tapos na ang mga patalastas kaya tuloy na naman ang telenobela.

Nasa bahay pa ang kambal nang dumating siya. Hindi pa nag-a-almusal. Wala pa raw ang kanilang ina.

"H-hindi umuwi?" paniniguro niya.

"Hindi, ate. E, ikaw, ngayon lang umuwi?" usisa ng mga ito.

"Er, nag-overtime kasi ako," pagdadahilan niya.

"E, ba't sabi ni Joanna, isinama ka raw ni Inay sa pinagtatrabahuhan niya?" sabad ni Junior. Marami na itong nalalaman--at hindi nagugustuhan sa buhay nila kaya marahil malimit magluko at magrebelde.

"Hindi, Junior." Pinagmatigasan niya ang pagsisinungaling. Bata pa ang kapatid para makaintindi nang lubos.

"Uh, puwede bang ikaw na ang bumili ng tinapay? Joanna, nakapag-init ka na ba ng tubig?" Inabala niya ang mga kapatid para mawala ang atensiyon sa kanya.

Ginising niya sina Bebot at Remi para maisabay sa pagkain. Salu-salo silang lima. Napagtanto ni Laurie na palag

Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status