Share

Kabanata 5

"Plan B," ani ko at ngumiti ng isang malademonyong ngisi.

"No, we are not doing that—" pinutol ko ang mga salita ni Bexan.

"Shhh! Trust me." mayabang kong sambit. Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Bexan mula sa kabilang linya.

"Lilith... no." tanggi ni Bexan sa plano ko. 

"Please?" pagpupumilit ko na may kasamang nguso.

"Okay, fine! Make sure this works or else I'll quit being your partner." Natigilan ako sa sinabi ni Bexan. Quit being my partner?

"Y-you'll quit?" kunot-noo kong tanong.

"Got to go! They're coming back to check on the system. Go straight to our suite. I'll catch up on you." 'Di na ako sinagot ni Bexan. Pakiramdam ko ay tumigil saglit 'yung mundo ko no'ng sinabi ni Bexan ang mga salitang 'yon. 

Sus!

Problema ba 'yon? 'Di naman siya kawalan maging partner, 'no! Kung gusto niya mag-quit, edi mag-quit siya! Paki ko ba do'n? Nakita kong pababa na ulit ng hotel sina Eduardo at ang kanyang mga gangsta friends. From the looks of it, sa casino sila patungo. It looks like they're waiting for someone as well. Hinayaan ko na lang sila dahil susunod naman kami ni Bexan. Ang objective ko ngayon ay ang door access card sa suite ni Eduardo. Tumungo ako sa hotel suite namin ni Bexan. Matapos ng ilang minuto ay nakabalik na rin si Bexan.

"I'm back." Pakialam ko? 'Di ko siya sinagot at pasimple ko lang siyang inirapan. Binuklat niya 'yung laman ng suitcase at tinago ang kanyang mga melee weapons sa kanyang sleeves pati sa bandang medyas niya. Itinaas ko ang legs ko sa kama at kinuha ko 'yung dalawang Beretta 92FS kong baril at itinago ito sa dalawang magkabila kong leg strap. Nagsabit din ako ng micro flash bomb sa aking leg strap na bagong release ng Onic tech.

"L-Lilith!" Sambit ni Bexan. Napatingin ako kay Bexan na nakaiwas ang tingin sa'kin.

"What?" taas-kilay kong tanong. Napatingin ako sa legs ko na sobrang exposed pala kay Bexan. 

"Ano ka ba? Legs lang 'yan. 'Kala mo 'di nanunuod ng porno!" mataray kong sambit.

"I-ibaba mo legs mo!" namumulang sambit ni Bexan.

"Ah, ito?" Lalo kong itinaas ang legs ko para asarin si Bexan. Nakikita kong namumula na 'yung mukha niya. Linapitan ako ni Bexan at tinulak sa kama at tinakpan ang legs ko gamit ang isang unan. Linapitan niya ako at binulungan.

Namula ako dahil sa sinabi ni Bexan..

Oh my god! Ang bobo mo, Lilith!

"I can see your Spongebob panties... so stop putting your legs up." mahinahong sambit ni Bexan.

Putang ina! Nakalimutan ko nga palang magsuot ng matinong panty ngayon! Putragis!

"Fuck you!" Binato ko sa kanya 'yung unan at tumakbo papuntang restroom para magpalit ng panty, siyempre. Nakakahiya kaya! Ba't kasi niya tinitignan?! Matapos ng ilang minuto ay nakalabas na rin ako ng comfort room. Nakaiwas pa rin 'yung tingin sa'kin ni Bexan.

"L-let's go to the casino?" nahihiyang sambit ni Bexan. Tumango na lang ako at sumunod sa kanya. Kumapit ako sa braso ni Bexan kaya agad ko naman naramdaman ang kanyang pagkagitla. Binaling niya lang ang tingin niya sa'kin saglit at binalewala ito.

"Lilith, can you socialize with Eduardo?" kaswal na tanong ni Bexan.

"Huh?" tugon ko.

"Can you socialize with Eduardo—" ulit muli ni Bexan ngunit sumingit ako.

"Hatdog." Sinimangutan naman ako ni Bexan. Char! Siyempre ako pa ba?

I'm a queen of social gatherings, how could I not?

"Sigh... Just get it done with. I'll take care of the sidechick." Tinaasan ko ng kilay si Bexan at nagsalita.

"Puwede namang ikaw na lang kay Eduardo at ako naman sa sidechic? Ikaw ah! Nakakahalata ka na!" kinurot ko sa tagiliran si Bexan. Mga lalake talaga, oo!

"N-no! That's not it." tanggi ni Bexan.

"Anong that's not it-that's not it? Model pala trip mo, ah! Ako pa ginagamit mo para makai-score do'n sa pokpok ni Eduardo, ha!" asar ko kay Bexan habang hinahampas siya ng maraming beses. 

"No! I swear to God!" defensive niyang sambit.

"Sus!" sambit ko at inirapan na lang siya. 

"We're here," ani ni Bexan. Isang malaking casino ang bumungad sa harapan namin ni Bexan na punong-puno ng mga colored lights at mga gambling machines. Nakita namin ang kinatatayuan ni Eduardo at ang pokpok niyang si Stella.

"Oh, baby!" exaggerated kong sambit para mapatingin sa'kin si Eduardo at tama nga ang hinala ko, napukaw ko 'yung atensyon niya.

"Sweet baby, what is it?" exaggerated na tugon ni Bexan. Ano ba 'yan! Sa dinami-daming endearments, 'sweet baby' pa 'yung napili ni Bexan. Totoy na totoy, ah?

"I want to play what that handsome guy is playing!" turo ko kay Eduardo kaya binigyan ako ng isang nakakamatay na tingin ng pokpok niya. Sa sobrang lagkit ba naman ng tingin sa'kin ni Eduardo.

Buckle up, bitch! I'm about to steal your sugar daddy.

"Pusoy dos?" bulong ni Bexan. Madaling laro lang 'yung pinili ni Eduardo at nasa advantage kami dahil sa taas ba naman ng IQ namin ni Bexan.

"Excuse me miss, would you like to play with me?" ani sa'kin ni Eduardo. Mukhang walang pakialam 'tong matandang kulubot ang itlog na ito kahit dala-dala ko na ang pekeng asawa ko dito.

"Oh dear! Go easy on me monsieur, I am not really good at this." I flexed my French accent. Nakita kong ngumisi 'yung pokpok niyang si Stella at umiling.

"Weak," mahinang bulong ni inggiterang pokpok. Weak pala, ah! Iyak ka diyan kapag inagaw ko sugar daddy mo. Sabunutan ko bulbol mo diyan!

"Don't worry, it's just one game," sabi ko para ganahan si pokpok.

"Sure," tumango-tango naman ang mag-asawa. Linapag ng croupier ang 50 black chips ko sa table kaya napangiti ako ng malawak. Ang isang white chip ay naghahalagang $1, isang red chip naman ay $5, ang isang green chip ay $25 at ang isang black chip ay $100.

"Trying to get cocky on your first bet?" nakangising ani ni Stella sa'kin. Nagseselos ka ba dahil maaagaw ko ang sugar daddy mo sa'yo?

"Not at all! This is only just a small amount," mayabang kong tugon. Nginitian ko si Stella ng isang matamis na ngiti.

"André dear, will you play with me?" malambing na tanong ko kay Bexan.

"Of course darling, Natalia," tugon ni pabalik Bexan at naglapag ng 40 black chips. Si Eduardo naman ay naglapag ng 50 black chips.

"Natalia, I see..." ani ni Eduardo na malagkit pa rin akong tinititigan. Nginitian ko na lang si Eduardo ng malandi. 'Sensya na, trabaho lang. Nagbalasa ng baraha 'yung croupier at pinaghati-hati sa'min ang baraha. Si Stella naman ay nakinuod lang at nagpakapokpok sa kanyang sugar daddy. Nakuha na namin ang mga baraha namin at in-arrange ito. Napangiti ng malawak si Eduardo sa kanyang mga baraja. Binaling ko naman ng tingin 'yung akin. Nanatiling kalmado ang itsura ko kahit hindi ko nagustuhan ang nakikita ko. Si Bexan naman ay gano'n din. 

Nagsimula ang laro ng nagbaba si Eduardo ng par. Dalawang jacks, I see... ang taas agad ng binaba niya. Masyado siyang confident sa kanyang mga baraha. Nag-pass ako dahil nga, walang kuwenta 'yung mga baraha ko. Buti pa si Bexan, nakakatira kahit paminsan-minsan. Fuck! 'Yung baraha ko, wala man lang katao-tao. 

"You look happy monsieur?" malandi kong sambit kay Eduardo na ikinangiti niya.

"Not really," tugon niya pabalik.

"I'm not happy with mine," ani ko at tumawa ng mahina.

"Me neither," dagdag ni Bexan.

Wait what—

So that means... lahat ng magagandang cards ay na kay Eduardo?

Putang ina naman! Sayang pera ko do'n sa chips kung mapupunta lang lahat 'yon kay Eduardo! Pangbili din 'yon ng pang-inom at chibog! May favoritism siguro 'tong croupier? Sisirain ko talaga buhay nito, sinasabi ko talaga. So stupid niya magbalasa! Nasaan na ba 'yung manager nitong croupier? 'Di man lang inaayos 'yung trabaho niya. Saksak ko 'tong mga chips sa puwet niya. Putang—

"Straight flush," ani ni Eduardo matapos suriin ang kanyang mga baraha. Tingnan niyo ba naman mga baraha ko, walang kakuwenta-kuwenta! I'm going to be a broke mother fucker soon just because of this stupid croupier.

Pisteng yawa naman, oh!

"Quatro," ani ni Bexan. Napatingin ako kay Bexan at ngumiti ng malawak. Nakuha ni Bexan lahat ng chips ko at ang chips ni Eduardo. 

I'm impressed! I love you, Bexan! Hulog ka talaga ng langit! You're my lucky charm na talaga!

"You're good," puri ni Eduardo kay Bexan.

"Your wife looks beautiful today, much more beautiful than my wife," ani ni Bexan kay Stella kaya tinitigan ko ng masama si Bexan. 

Aba? Aba? Aba? Vaklang 'toh?!

"Why, thank you mister... what was it again?" ani ni Stella at nginitian si Bexan ng malandi.

Sa gano'n? Aagawin ko asawa ni Stella tapos si Stella 'yung aagaw sa asawa ko? Puta! Ano 'tong kabobohan na 'to, ha? 

"André Le Maitre." tipid na sagot ni Bexan kay Stella at binigyan siya ng ngiti. Tang inang ngiti 'yan, ang landi!

"I'm Stella Sanchez by the way, nice meeting you," Nagtinginan silang dalawa ni Bexan ng malandi. My god! Yuck! Nakakasuka! Ew!

Sarap ilampaso pagmumukha nila sa kalsada, puta!

"I'll go out for a smoke," iling-iling kong sambit at nagwalk-out ng casino. Isinindi ko ang cigarette butt ko at nagyosi. Nagulat ako nang may biglang tumapik sa likod ko.

Oh? How interesting.

"Hello Natalia, darling," ngiting ani ni Eduardo sa'kin. Sumunod pala 'tong si gago.

"Do you have a lighter with you?" tanong niya. Napangiti ako ng matamis at sinindihan ang kanyang cigarette butt.

"I feel like ranting right now," natatawa kong ani kay Eduardo at umiling-iling.

"Is it about your husband Mr. André?" tanong niya. Interesado 'tong si kupal, ah?

"He's a womanizer! I'm sick of him flirting and fucking women. I just want a break," pagsisinungaling ko. Unti-unti kong linapitan si Eduardo dahil nasa bulsa niya ang door access card ng suite nila.

"My wife is a gold-digger." natawa na lang ako ng mahina. Hindi ba obvious? Pffft— no honey, no money si Stella, laugh trip! Halata mong puke lang 'yung panlaban, eh.

"Why am I not surprised?" ani ko na ikinatawa naman ni Eduardo. Kaunti na lang at mananakaw ko na ang door access card ni Eduardo mula sa kanyang bulsa ngunit mabilisan siyang lumingon sa'kin.

Puwede ko bang sabunutan 'yung bulbol nitong matandang kulubot ang itlog na ito?

"How about we take a break, Ms. Natalia?" ani ni Eduardo. Trying to seduce me, eh? Linapitan niya ako at akmang hahalikan ngunit pinigilan ko siya. Panibagong ideya naman ang pumasok sa isipan ko para makapasok sa kanyang suite.

"How 'bout you bring me to your suite and we 'take a break' there?" malandi kong sambit sabay taas-baba ng kilay. Chance ko 'yon para makuha ko yung importanteng files ni Eduardo.

"Anything for you, darling." napangisi si Eduardo ng isang malamanyakol na ngisi. Habang naglalakad kami papuntang sa suite ni Eduardo ay saglit kong sinilip si Bexan sa casino. Mukhang nage-enjoy sila ni pokpokers.  Nakita kong sumusunod sa'min ang mga gangsta friends ni Eduardo.

"Are they your friends?" turo ko sa mga gangsta motherfuckers niyang body guards.

"Ah... please leave us alone," utos niya sa kanyang limang gangsta friends. Nag-bow sila saka umalis. Nice move, Eduardo. Ngayon puwede ko na gawin ng maayos 'tong binabalak ko. Binuksan ni Eduardo ang pintuan sa suite niya at sinara ito. Tiningnan niya ako ng malandi. Nandidiri ako sa pagmumukha nitong manyakol na 'to! Kinikilabutan ako, yuck!

"Shall we?" ani niya na may kasamang ngisi at mabilisang linapat ang kanyang kamay sa dibdib ko. Tinulak ko siya ng marahas dahil sa kanyang ginawa.

It's payback time...

"Keep your filthy hands off me," malamig kong sambit. I gave him one of my death stares. Did he just touch me? Oh, how disgusting!

"What's wrong, baby? I thought we were 'taking a break'?" ani niya at sinubukan ulit akong hawakan at halikan, talagang pinipilit niya yung sarili niya sa'kin. 

No, not again!

I can't stop my blood lust to kill, once again.

"How dare you touch me," tabig ko sa kanyang kamay. Sobrang nandiri ako sa ideya na hawakan ako nitong lalaking 'to. I hate rapists! I hate people touching me. I hate men! Nakakadiri sila! Men are fucking trash! Nagulat si Eduardo dahil sa nakakamatay kong tingin. Binigyan ko siya ng Muay Thai high-kick sa mukha kaya agad siyang bumagsak sa sahig. Kinuha ko 'yung baril ko mula sa aking leg strap at itinutok ito sa kanya. Eduardo gave me a look of shock. While I? I gave him a soft but murderous chuckle.

"Who are you working for?!" gulat niyang tanong. Ni wala man siyang ka-armas-armas. Tatawagan niya sana ang kanyang mga gangsta friends niya ngunit binaril ko 'yung cellphone niya kaya agad ito nawasak.

"I do not spare any filthy soul who touches me. I will kill you mercilessly with no hesitations. I will swear your name on Satan's wrath and drown you using your own blood!" I said in a deadly tone. I can see Eduardo shaking in fear.

I can't stop the devil inside me...

"Lilith! Anong nangyayari sa'yo? I don't like that tone of yours, Lilith." Narinig kong sabi ni Bexan sa kabilang linya ngunit 'di ako sumagot. Mas inuna ko itong galit ko at binigyan ng malakas na Elbow Strike sa mukha si Eduardo pagkatapos ay binigyan ko siya ng Knee strike sa kanyang ilong kaya agad namang na-deform ito. I didn't spare the old man and started punching and kicking his vital points mercilessly. Eduardo left himself an open grave just by touching me. 

Disgusting...

"I-I did everything Lucas asked me to! H-how come you're—" he thinks I'm working for his boss, eh? Maling-mali ka diyan. 

I'm the devil agent!

"Au revoir! 'Til we meet again in hell, monsieur." I said my last words to the old man. The next thing I knew...

I knew no mercy...

Bexan's POV

Dinala ko si Stella sa suite namin ni Lilith at binigyan siya pampatulog nang 'di niya namamalayan. Tinali ko rin ang katawan niya gamit ang lubid na nakita ko sa storage room upang 'di siya makatakas. Ang mabuti at hindi sumunod ang mga guwardiya ni Eduardo kay Stella or else things will get pretty messy. Isang pagputok ng baril ang narinig ko mula sa kabilang linya. Why the fuck am I hearing gun shots?!

"Lilith! What happened?!" I asked with furrowed eyebrows.

"Sa impyerno ka nababagay! Magsama kayo ni Satanas! Putang ina mo!" She didn't even bother answering me. Tumawa ng mahina si Lilith. Nakarinig ako ng pagbasag ng mga gamit kaya agad akong tumakbo sa suite ni Eduardo. Just what the fuck is happening?! Pinagkakakatok ko 'yung pintuan ng suite ni Eduardo ngunit walang sumagot. Sinipa ko ng sinipa 'yung pintuan hanggang sa nabuksan ko ito. Pagkabukas ko ng pintuan ay nakita kong nakahandusay si Eduardo sa sahig. Napanganga ako nang makita ko ang kalagayan ni Lilith.

"L-Lilith." Sinara ko 'yung pintuan at linapitan si Lilith. Tatapikin ko sana si Lilith. Nagulat na lang ako nang bigla niya akong sinigawan.

"No—NO! Don't touch me!" Kitang-kita ko ang galit sa kanyang mga mata. Kukunin niya sana 'yung baril ngunit yinakap ko siya.

"N-no, Lilith! I-It's me, Bexan... I got you, okay?" I said reassuringly. Binitawan ni Lilith ang kanyang baril at napasabunot ng buhok. What made her like this? Just what the fuck happened while I wasn't looking?

"I-I'm sorry..." paumanhin ni Lilith. Tanggal-tanggal ang mga kuko ni Eduardo at na-deform na ang kanyang ilong tapos nagulat akong punong-puno ng dugo ang ari ni Eduardo. Naguguluhan ako dahil 'di ko alam kung ano nangyari kay Lilith. Ang orihinal na plano ay lalapitan lang ni Lilith si Eduardo ng kaunti at nanakawin ang door access card ng suite. Nagtakha na lang ako kung bakit nandito na si Lilith at Eduardo na magkasama sa suite.

"I-I thought I could do it, but the thought of it disgusts me..." humigpit ang kapit ni Lilith sa braso ko. I can feel her anger. 

What the fuck does that mean?

Mga Comments (2)
goodnovel comment avatar
Ildefonso Nabor Chavez
its a nice story
goodnovel comment avatar
Anna Bp Alba
please make it free...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status