Share

Kabanata 4

"How many hours left 'til they get here in the Philippines?" I asked Lilith while scanning Eduardo Jose Cordova's profile.

"Huh?" Lilith said with a confused look. Is she even paying attention to our job? I doubt that.

"How many hours left—"

"Hatdog," Lilith blurted out and gave me an annoying wink. Huminga ako ng malalim. Onting-onti na lang, iiwanan ko na talaga 'to.

"Sigh... did you memorize the floor plan?" I'm trying my best to keep calm as much as possible. Fuck, I'm so fucking stressed. 

"Huh? hindi, bakit?" Napakamot na lang ako ng ulo. Paano kami makakatrabaho ng maayos nito kung paganyan-ganyan lang lagi si Lilith? She's one hell of a drunk slacker.

"Can you take this seriously just for— Hey! Stop playing Mobile Legends!" I feel so annoyed right now.

"Teka... ine-enjoy ko pa mag-Gusion. Onti na lang top 10 Philippines na ako. Mamaya na lang," Napasabunot ako ng buhok at huminga ulit ng malalim. Ang daya talaga kasi mas mataas pa sahod ni Lilith sa sahod ko tapos 'yan lang naman inaatupag. Tiningnan ko 'yung schedule namin ni Lilith. May flight kami mamayang hapon papuntang Maynila. 'Di puwedeng gamitin 'yung elevator dahil inaayos pa ng mga technician ang elevator ng District 10.

"Yes, 15th win-streak ko na!" sigaw ni Lilith na halos mabitawan na niya 'yung cellphone sa sobrang tuwa.

"Are you finished yet? Sige, laro ka pa. Wala naman siguro tayong trabaho ngayon 'no?" I said sarcastically. A smirk escaped from my lips because of Lilith's annoying actions.

"Sige sige." Seriously? Binato ko 'yung cellphone niya kaya nag-shoot 'yung phone niya sa basurahan. Ang sama tuloy ng tingin sa'kin ni Lilith. 

"Ang pangit-pangit ng ugali mo!" Lilith whined. Napabuntong-hininga na lang ako.

"Pack your things... we're going to Manila." 

~•~

Dumating ang mga bagong modelong baril at melee weapons na siguradong hindi made-detect ng metal detector dahil sa teknolohiya ng Onic. Isang malaking suit case ang dumating para sa'min na may hidden compartment para itago ang mga baril at melee weapons namin ni Lilith.

"Ivanov," Lumingon ako sa nagsalita. I saw a familiar face causing me to smile. 

"Dr. Kiel!" masigla kong bati. I'm surprised to see Dr. Kiel paying me a visit in my office. 

"I designed a suit just for you," I saw him holding two hangers with a nice looking suit and a sexy dress.

"You shouldn't have!" This man loves spoiling my grown ass so much. 

"Don't be picky now. It cost me millions," ani ni Dr. Kiel na may kasamang tawa. Napangiti na lang ako ng mahina.

"A black slim-fit suit perfect for your built, partnered with a royal red neck-tie with a pair of oxfords, absolutely bullet proof," My jaw dropped after hearing what Dr. Kiel said.

"Absolutely what?" Honestly, I'm surprised.

"Don't make me repeat what I said, boy!" Tinapik ako sa balikat ni Dr. Kiel at tumawa ng malakas.

"And for you Ms. Lilith..." ibinaling ni Dr. Kiel ang tingin niya kay Lilith. Napataas naman ng kilay si Lilith kay Dr. Kiel. This girl's attitude spares no one. 

"A sleeveless black fitted slit-dress covered with golden patterns with additional fur to look stunningly gorgeous, and sparkling gold killer heels. The heels contain a pointed knife from the inside, also absolutely bulletproof." Ngumiti ng malawak si Lilith dahil sa bigay ni Dr. Kiel. 

"Shet! Salamat, tanda!" ani ni Lilith.

"Lilith!" I scolded. She really lacks manners and respect.

"Bakit? Totoo naman, ah," prangkang ani ni Lilith. She doesn't even give a fuck or anything.

"Lilith, being 40 does not make you old," seryosong ani ni Dr. Kiel. He is an age conscious man after all.

"Oo na lang," sarkastikong sagot ni Lilith. Napailing na lang ako sa kanya.

"Bexan, Lilith, here are your earpieces so you could contact each other anytime you please," May inabot si Dr. Kiel sa aming dalawa ni Lilith. Dalawang gold drop earrings para kay Lilith at isang black ear stud para sa'kin.

"Now then, have a safe flight. Kick those asses for me and make me proud! Glory to the future sun of Onic," ani ni Dr. Kiel.

"Pax vobis." tugon namin ni Lilith.

Lilith's POV

Papunta sana kami sa exit ng District 10 pero biglang dumating ang pinakabuwisit na tao sa buhay ko at 'yon ay si Elizabeth Satorre. 'Apakaarte! Kilos kambing 'yan. Puro dahon lang 'yung linalamon, kadiri! 

"Bexan, fancy seeing you. You look handsome today," ani ni Elizabitch. Tiningnan ko mula ulo hanggang paa si Elizabitch. Mukhang bulldog talaga. Yuck! Inirapan ko naman si Elizabitch. Kamukha niya paa ni Xander Ford.

"E-Elizabeth..." Napatulala si Bexan kay Elizabeth. Hoy, Bexan. 'Wag kang papauto diyan sa bulldog puppy na 'yan. Isa pa 'tong Bexan na 'to, ubod ng bossy. Pero in fairness, siya 'yung pangalawang pinakamatagal na nagtagal sa'kin bilang partner ko. 1 point for you, ghorl!

"Are you alright?" ani ni Elizabeth na mukhang nag-aalala. Luh? 'Kala mo talaga concerned. Nagpapa-cute lang 'yan kay Bexan.

"H-huh? You mean me?" kabadong tumawa si Bexan, "Yes, I'm okay." Kita kong namumula ng slight 'yung tainga niya. So kumakagat siya sa bait ni Elizabeth? Sa harap ko pa talaga? Ew! Trip mo 'yan? Doggie lover ba 'tong si Bexan?

"Ouch! Lilith!" Tinapakan ko siya gamit ang gold killer heels ko. Sinamaan ako ng tingin ni Bexan at binigyan ng 'What's wrong with you?' look.

"Lilith, you look absolutely stunning too," ngiting ani ni Elizabitch sa'kin. Inirapan ko na lang siya. Isa siyang plastik mother fucker.

"'Lam ko." Proud kong sabi sabay flip ng hair. Napasimangot si Bexan tapos tumawa ng mahina si Elizabitch. Tawa-tawa kayo diyan, sabunutan ko bulbol niyo, sige. 

"Too bad, I'm prettier than you." Nanlaki 'yung mga mata ko dahil sa sinabi ni Elizabitch. This bitch! Natawa naman ng mahina si Bexan.

"Prettier ka lang, hot naman ako!" Inirapan ko si Elizabitch at rumampa palabas ng District 10. Lumingon ako para silipin si Bexan.

"Bexan, bilis-bilisan mo kumilos diyan! H'wag kang patamad-tamad. 'Di ka binabayaran para maging tamad," sermon ko kay Bexan. Napataas ng kilay si Bexan sa'kin. Charot! Ako pa talaga may ganang magsabi no'n.

"Wow! Coming from you?" mahina niyang sabi pero narinig ko 'yon.

"Ano? May sinasabi ka?" mataray kong sambit. 

"Nothing." Nakita ko 'yung pasimple niyang pagngisi. Inirapan ko na lang siya.

"Goodbye, Lizzy." Nakita ko ang matamis na ngiti ni Bexan kay Elizabitch bago kami umalis.

"Goodbye, Bexan." sagot ni Elizabitch pabalik. Bakit kaya gano'n 'yung tingin ni Bexan kay Elizabitch? Nakakatunaw kung tumingin. Pagdating naman sa'kin, lagi siyang bad mood. Lagi pa ngang nakasimangot. 

Nagtaka pa ako e, ano? Alam naman nating lahat na ang pangit ng ugali ko. I'm so tanga talaga.

Pagpunta namin sa parking lot, sumakay kami ni Bexan sa itim na Lamborghini Veneno niya. Sa shotgun seat ako pumuwesto at siya naman ay nasa driver's seat. Gandang kotse, grabe! Kakatrabaho niya lang bilang agent tapos may ganitong kotse na agad siya? Spoiled siguro 'to kay Dr. Kiel.

"You forgot something," ani ni Bexan. Nagitla ako nang inilapit niya 'yung mukha niya sa'kin. Ang... ganda pala ng mga mata niya. Napalunok ako ng laway dahil sa sobrang lapit niya. Nakita ko kung paano niya inilapit 'yung braso niya sa'kin. Shit... anong binabalak nito?! Magsasalita sana ako pero nakarinig ako ng isang lagutok.

Seatbelt lang pala, 'day! Kakaloka naman!

"Perfect." maikling sambit ni Bexan. Namula ako dahil nga akala ko kung ano 'yung gagawin ni Bexan. Nakakahiya! Buti na lang 'di ako nagsalita. 

Habang nagmamaneho si Bexan, napaisip ako na grabe, ang perfect niya pala. Guwapo, timid, mature, mabait, matalino, gentleman, responsable at higit sa lahat... mahaba ang pasensya. Yung mga co-agents ko dati ang bilis ako sukuan pero si Bexan, alam kong naiinis na 'yon sa kagaguhan ko pero nagse-stay pa rin siya.

Sana all nag sta-stay.

"Ajubu jabakwiajak blablabla chupulugi?" ani ni Bexan. Inaayos niya kasi 'yung mga gamit namin sa likod kaya 'di ko ma-gets kung anong sinasabi niya. 

Ano ba na namang sinasabi nitong hinayupak na 'to?

"Ah, oo," sang-ayon ko. Oo na lang. Wala ako maintindihan sa sinabi niya, eh. Kinunutan ako ng noo ni Bexan at nagsalita.

"Anong 'oo' pinagsasasabi mo? Sabi ko nasaan 'yung daan papuntang airport? Tapos sagot mo sa'kin 'oo'? What the fuck is wrong with you?" naiirita niyang sambit. Sorry na! Sometimes, I'm always bingi kasi. 

May pagkasungit din 'tong si Boss Bexan.

"Nasa noo mo," ani ko.

"Lilith!"

"Ito nga eh, bubuksan na 'yung Waze app," ani ko at umiling dahil sa kasungitan ni Bexan. After ng ilang minuto ay nakarating kami sa airport. May isang malaking private plane ng Onic na nag-aantay sa'min do'n. Ipinasok ni Bexan ang Lamborghini Veneno niya sa cargo ng eroplano. Pagkatapos no'n ay sabay kaming sumakay sa eroplano dala-dala ang mga gamit namin. 

"You should rest first. If you have any questions, just ask me," ani sa'kin ni Bexan.

"'Ge." tamad kong sagot. Kinuha ko 'yung flat-iron ko para sa buhok ko. Trip ko lang mag-ayos para bongga pa rin ako tingnan. Pakialam niyong mga slapsoil kayo?

"What's that?" kuryosong tanong ni Bexan na nakaturo sa Flat Iron na hawak-hawak ko.

"Ah... ito?"  turo ko sa Flat Iron. Pukpok ko 'tong Flat Iron sa ulo niya kapag binuwisit niya ako.

"Yeah." tugon niya. Gusto ko sana siyang sagutin na 'Malaking nail cutter siguro 'to, Bexan' kaso 'wag na, baka magalit na naman.

"Flat Iron." mas flat pa sa dede niyo. 

"Can I try?" ani ni Bexan na ikinakunot naman ng noo ko. 

Bakla ba 'to? Bitch, what the fuck? Gusto ba niyang i-rebond ko 'yung bulbol niya?

"'Di bagay sa'yo straight, beh! Okay na sa'yo 'yung may konting volume sa buhok," ani ko. Umirap si Bexan. 'Di naman siguro beks 'to, ano?

"Hindi sa'kin, sa'yo kako!" kunot-noong sabi ni Bexan. Ano? Edi ibig sabihin, marunong 'tong Ivanobitch na 'to?

"Huh? Bakit?" kunot-noo kong tanong.

"It looks satisfying," inagaw ni Bexan ang suklay at plansta na hawak-hawak ko. 

"Baka masunog mo buhok ko, ah." mataray kong sambit. Umiling-iling naman si Bexan.

"I won't, I promise." Binigay ko sa kanya 'yung suklay at plantsa. Sinusuklay-suklay ni Bexan 'yung buhok ko. Barbie ba naman peg niya, girl. Tinali ni Bexan 'yung buhok ko at nagsimulang i-section ito na para bang nasa parlor kami.

"Hoy! Ba't alam mo magganyan? You're beki, 'no?!" gulat kong sabi kay Bexan. 

"Stop shouting. I'm not gay okay? I always see stuff like this in my newsfeed. I've always wanted to try it," nage-enjoy na sambit ni Bexan habang kinakalikot ang buhok ko.

Pffft— ang cute.

"Sows!" Umirap ako at nagsimula naman siyang magplantsa. Ang soft niya humawak sa buhok ko. Nakakaantok tuloy.

Magiging honest ako...

Ang cute ni Bexan, type ko siya. Kung ikukumpara mo si Bexan sa mga lalaki ngayon, sila mga feeling cool na ang papangit naman ng ugali, mga malilibog pa na nilalang. Tapos akala nila, lahat ng mga babae nagkakagusto sa kanila pero si Bexan hindi, eh. Ang tahimik niya, and he keeps his circle of friends really small as possible and he acts like a complete gentleman too. 'Di siya tulad ng mga naging ka-partner ko noon na grabe... ang mamanyakol! Mali-mali pa ng mga tsismis ng mga co-agents namin, ayoko talaga sa mga manyakol. Kaya tinatakot ko sila, ending nagku-quit sila bilang partner ko.

Pero si Bexan... I like this guy as a job partner.

"Lilith, wake up." Ay, nakaidlip pala ako. Sarap niya kasi magplantsa, nakakaantok. Pagtingin ko sa salamin, napanganga na lang ako sa itsura ko. Shet! Ang ganda ko. Mainggit kayong mga slapsoil.

Boyfriend material naman pala itong si Bexan! 'Di nagsasabi.

"Ganda ko talaga!" natutuwa kong sabi habang tinitignan ang sarili ko sa salamin.

"We're landing in a few minutes. Get ready," seryosong sambit ni Bexan habang inaayos ang kanyang mga gamit.

Okay na sana si Bexan... may pagka-bossy lang ng kaunti. 

Matapos ng ilang minuto, ligtas kaming nakababa ni Bexan mula sa eroplano. Manila, here we come! 

"Hoy, slapsoil! Buhatin mo bag ko," mataray kong sambit at binato ko 'yung purse ko kay Bexan kaya agad siyang napasimangot. Ang cute talaga!

"Remember... I'm your husband, not your nanny," nakangising ani ni Bexan.

"Ay, oo nga pala!" sarkastiko kong sagot. Inirapan ko naman si Bexan.

"I prefer you act like this..." Linagay niya 'yung kamay ko sa braso niya. Ay wow! Gawa ba sa Great Wall of China 'yung braso nito? His biceps are perfectly sculpted. Puwede pakagat? Charot!

"Let's go dear?" ani ni Bexan. Tumango ako at ngumiti.

~•~

"Remember the drill, Lilith," paalala sa'kin ni Bexan. Sus, alam ko naman kung anong gagawin ko.

"'Yun na 'yon? Pshh! GG, so ez." Inirapan ako ni Bexan. 

"We can't afford to fuck this up," seryosong ani ni Bexan.

"Ano ka ba! Wala ka bang tiwala sa'kin? Boss bitch 'to, 'no!" mahangin kong sambit kay Bexan. 

"Whatever." tipid na sambit ni Bexan. Ba't ba walang tiwala sa'kin si Bexan? Eh, mas magaling naman ako kay Elizabitch. Kailangan planadong-planado, eh. Ang mahalaga naman kasi ay makuha 'yung objective.

"They're here," ani ni Bexan. May pumasok na Mercedes-AMG GT sa entrance ng Lorietta Hotel Casino. Sigurado kaming sila Eduardo Jose Cordova 'yon at ang pokpok niyang si Stella Sanchez na isang modelo. Si Eduardo ay isang sikat na artista sa Spain na nasa 50 na ang edad na malinis ang reputasyon pero ayon kay Rajesh, parte raw ng Camorra Group si Eduardo. Ang objective namin ngayon ay mabantayan ang kilos ni Eduardo. Mukhang walang kaalam-alam ang pokpok niyang si Stella sa ilegal niyang mga gawain. Sumunod naman kami ni Bexan sa kotse nila. Nakita naming bumaba na si Eduardo at ang pokpok niya sa loob ng Lorietta Casino Hotel. Binigay ni Bexan ang kanyang susi sa Lamborghini Veneno niya sa valet. 

"Take care of my car or I will kill you." nakakatakot na bulong ni Bexan sa valet. 

"O-opo sir." takot na tugon ng valet kay Ivanobitch.

God, may pagka-scary din pala ang Bexan!

"Shall we? My love?" ani ni Bexan gamit ang sweet French accent niya.

"Oui." kinapkapan kami ng mga guwardiya. Binuksan naman ng guwardiya ang suitcase namin ni Bexan. Hindi madaling makita ang mga nakatagong baril at melee weapons namin dahil nakatago ito sa hidden compartment ng suitcase.

"All clear." ani ng security guard. Pinagtitinginan kami ng mga tao sa hotel ng Lorietta dahil nga sobrang classy naming tingnan ni Bexan, oh ha! Mainggit kayong mga slapsoil! 

Sumenyas ako kay Bexan na puntahan ang control room para i-disable ang mga security cameras ng Lorietta. Pasimple kaming naghiwalay ni Bexan ng daan. Siya sa control room at ako naman sa floor kung nasaan ang hotel suite ni Eduardo. Nagtago ako sa isang madilim na sulok habang binabantayan ang bawat kilos nila. Nakita kong may hawak-hawak na clearbook si Eduardo, mukhang mga importanteng dokumento 'yung hawak niya. Tinandaan ko 'yung number ng suite. 

"123," sambit ko sa ear piece ko.

"Good job, I want you to keep an eye on them," tugon ni Bexan sa kabilang linya. Nakita kong lumabas kaagad sila sa hotel suite nila at bumaba agad papunta ng Casino para magsaya. Mukhang naglapag lang sila ng mga gamit at umalis. Paano ako makakapasok kung wala sa'kin 'yung door access card nila sa suite? Hmm, mukhang kailangan ko pang mapalapit kay Eduardo para mapasok 'yung suite nila. May dumating na mga grupo ng mga lalake at kinatok ang suite ni Eduardo.

"Boss, he's not here yet," ani ng isang tauhan ni Eduardo. Shit... may kasama pa pala siyang mga bodyguards.

"Bexan, may kasama siyang mga gangsta motherfuckers," bulong ko sa ear piece ko.

"Fuck, I thought there were only 2 of them." sagot ni Bexan pabalik. Mukhang kailangan naming gawin 'yung nauna kong plano ngayon, ah?

"Plan B." ani ko at ngumiti ng isang malademonyong ngiti.

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Mary Valenzuela
Hi po! super exciting ang story...........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status