Share

Kabanata 3

"Pasalamat ka't 'di kita pinatay," she scoffed while looking at Rajesh's unconscious body.

"Send them in," dagdag pa niya. Sumenyas ako na papasukin ang mga guwardiya kaya agad nagsidatingan 'yung mga cell keepers at binuhat 'yung katawan ni Rajesh papunta sa kanyang selda.

"Ma'am, sa inyo po ba 'to?" tanong ng guwardiyang tumuturo sa metal hair clip ni Lilith na nakasaksak pa rin sa you-know-what ni Rajesh.

"I don't want it anymore. Throw it away." mabangis na sagot ni Lilith. 

"Okay po, ma'am." sagot ng cell keeper. Nag-walk out naman si Lilith palabas ng interrogation room. What she did left me speechless. 

I just don't know how to react...'di ko alam na gano'n magtrabaho si Lilith. What she did is horrifyingly disgusting. Call me fucked up, but after what Lilith did towards Rajesh, I thought he still deserved to be tortured that way. He actually deserves death! He's raped innocent people... mga bata. I feel sorry for the poor kids. Kung nakakadiri 'yung ginawa ni Lilith, mas nakakadiri naman 'yung ginawa ni Rajesh. Walang salitang lumabas sa bibig ni Elizabeth. She looks calm on the outside, but it's pretty obvious that deep down, she's immensely horrified by what she's recently seen.

Gano'n ba talaga si Lilith? 

"Miss Elizabeth, pinapatawag po kayo ni Commander," tawag sa kanya ng isa naming co-agent na 'di ko napansing pumasok sa control room.

"Ah, duty calls. Susunod ako," Elizabeth responded.

"B-Bexan..." Elizabeth called out for me. I just gave her a brief smile.

"I'll talk to you later." ani ko. Lizzy gave me a faint smile and headed off with the co-worker. I went back to the office with the faint smile she left me. Lizzy's smiles are really contagious, let me tell you. 

May pakiramdam ako na kailangan ko talagang makita si Lilith dahil hindi talaga ako makapaniwala sa nakita ko kanina. Bumalik na ako sa office at nakita kong nakaupo si Lilith sa swivel chair ko at ginagalaw 'yung personal computer ko.

"L-Lilith," I called out for her.

'Di niya ako tinugon dahil masyado siyang pokus na pokus sa kanyang ginagawa. Biglang tumunog 'yung printer kaya agad namang lumabas 'yung documents na pinapaprint ni Lilith. Biglang kumuha ng alak si Lilith sa bag niya at linagok ito ng biglaan. The fuck? She even brought alcohol with her. She lit up her cigarette butt and took a smoke. She's smoking again? Bakit binibigla-bigla niyang uminom at mag-yosi? She should slow down a little bit. 

"Alam mo... tama na 'yan," I tried stopping Lilith. Lilith kept silent and continued drinking her drink. She doesn't even want to stop what she's doing. I got annoyed and took her drink by force and drank it all at once.

"HOY!" Lilith almost screamed in disbelief. Inubos ko 'yung alak na nasa bote ni Lilith at pagkatapos no'n ay tinapon ko sa basurahan 'yung kanyang cigarette butt.

"BA'T MO—" 

"What?" I asked in a stern manner. Lilith looked really pissed. Atleast finally, I got her attention. 

"BA'T MO?!" she shouted at me with her jaw dropped and eyes opened wide.

"What's wrong with you?" Ang sama ng tingin niya sa'kin. Just look at her face. She looks like a mad gorilla on the loose.

"BA'T MO?! BA'T MO, HA?! BA'T MOOOOO?!" Kada 'ba't mo' niya, sinasabayan niya ng palo sa ulo ko, what the—

"Aray, masakit! Anong 'ba't mo' pinagsasasabi mo, ha?!" Sinasabunutan niya na ako na parang inagaw ko 'yung asawa niya. She's hurting me like a bitch! What the fuck?

"'TANG INA MO! BA'T MO KINUHA ALAK KO?! TINAPON MO PA SIGARILYO KO!" Parang 'yon lang? Ang lutong naman magmura ng babaeng 'to.

"Ayaw mo makinig, eh. Can you stop acting like a kid? It looks so unprofessional," ani ko tapos sinabunutan niya ako ulit. Oh my—

"Mama mo unprofessional, hayop ka! 'Tang ina mo, sama-sama ng ugali mo! 'Di ka ba mahal ng nanay mo ha? 'Tang ina mo, mukha kang bayag! Bait-bait ko sa'yo tapos gaganituhin mo lang ako!" I can just enter this girl in a FlipTop battle, she'll do a pretty good job. 

"Aray! Aray! Edi bumili ka na lang ng bago—ARAY LILITH!" Nag-headlock pa siya sa'kin. What the—

"Kamukha mo 'yung itlog ng lolo kong nasa langit! Pakyu ka! Bad ka! Ikaw ha... ikaw! Ito ka oh! Ito ka!" sabay pakita ng daliri niyang naka-middle finger. Mababaliw na ako dito kay Lilith! Pati ba naman yung itlog ng lolo niyang nasa langit nadamay.

"Hmph! Diyan ka nga, bayag ka. Buwiset!" tinulak niya ako palayo at nag-cross arms siya sabay talikod. Just a second ago, she looked like a devil in the interrogation room then now she acts like a kid just because I stole away her liquor and threw away her cigarette butt?

Wow. Just... wow!

"Lilith," I tried calling out for her. She didn't even look back at me.

"Lilith," I called her name once again.

"Lilith," Kahit ilan beses ko siyang tawagin ay hindi niya ako papansinin. Binilhan ko na lang siya ng tig-dadalawang cheese sticks, kwek-kwek, squid ball, fish ball, chicken ball, kikiam at dynamite tapos bumalik na ako sa office. I'm just hoping that bribing her with food works.

"Lilith," Sabay middle finger niya sa'kin.

"Sarap nito, oh," Liningon niya 'ko at ngumiti pero napasimangot din siya agad. Napatawa na lang ako ng mahina. Kunyari pa, gustong-gusto rin naman. Kinuha niya 'yung in-order ko para sa kanya. Nag-middle finger siya sa'kin sabay lumamon. I can't help but scoff at Lilith.

"Bayag ka pa rin." I shookt my head and looked at the printed files on my table. Oh, what's this?

"Para saan 'to?" I asked while scanning at the document's contents.

"Uso magbasa," inirapan ako ni Lilith. Kababaeng tao, pero galing kalye 'yung asal. What a peculiar girl, indeed. Nakita ko 'yung mukha kong may naka-edit na bigote sa ID picture ko, tapos si Lilith naman ay may naka-edit na bob-haircut at may kasamang nunal sa ilalim ng kanyang mata. Kasunod naman no'n ay binasa ko ang mga pangalan sa tabi ng mga ID pictures namin.

Natalia Isabelle Le Maitre

Age: 24

Birthday: November 16, 1995

Blood type: AB+

Andre Josue Le Maitre

Age: 26

Birthday: March 5, 1994

Blood type: AB-

"These are fake identities?" I said with furrowed eyebrows. What are these for?

"Alam ko," sagot ni Lilith. Napasimangot ako sa kanya. Of course, I need an explanation. I don't even know the purpose of these fake identities.

"Oh, para sa'n 'to?" I asked.

"Gagamitin," sagot niya.

"Gagamitin sa'n kako?" Ang pilosopo ni Lilith. I dislike getting useless answers because I find them quite annoying.

"Lahat na lang i-eexplain! Na-hack ko lahat ng mga personal information ng mga hotel dito sa Pilipinas. Nalaman kong nag-check-in si Eduardo Jose Cordova sa Lorietta Hotel Casino. 'Di siya nag-iisa kasi may pokpok siyang dala-dala. Nag-book din ako ng Hotel Suite do'n para sa'tin." Napanganga na lang ako kay Lilith. Wow, she's actually working. I'm practically witnessing a miracle.

"Oh, do you have a plan?"

"Magpapanggap tayong mag-asawang mayayaman at makikipagsugal kasama nila." Pinitik ko 'yung ulo ni Lilith. She's thinking like a weirdo again. 

"Ano ba!" nakanguso niyang ani sa'kin. Napangisi na lang ako kay Lilith.

"This is not a Hollywood action movie," I scoffed. Lilith just gave me a weird big smile. Her smile looked extra cringy.

"Ang cool kaya! Tapos babarilin natin lahat ng mga nasa loob ng casino. Pew pew! Bratatatatata—" 

"Malinis tayong magtratrabaho, okay?" I said while messing her hair.

"Maayos naman 'yon, ah. Maangas pa!" Umiling ako dahil sa sinabi niya. She just pouted at me. 

"No no no— I've got a plan." Napangiti ako ng malawak habang tinitignan si Lilith na nakakunot ang noo.

~•~

"Grabe si Lilith, 'no?" ani ng isang babaeng co-agent na nakikipagkuwentuhan sa kanyang kaibigan na binabae sa cafeteria dahil lunch break nila.

"Oo nga, mamsh! Balita ko may sinaksak siyang longgadog ng isang inmate na naman!" kuwento ng co-agent na binabae. 

"Nakakatakot siya, inday! Hindi lang 'yon, mars. Napakapangit pa ng ugali no'n. Lagi niyang inaaway si Ma'am Elizabeth natin, palibhasa inggitera!" the unknown female co-agent said while rolling her eyes.

"Oo! Tapos inday grabe... 'yung recent partner niya nag-quit, kasi nga daw minamaltrato ni Lilith. Siya rin 'yung dahilan kung bakit umalis 'yung dating Supreme Commander ng District 10, 'di ba?" her gay friend added.

"True ka diyan, inday! Baka 'yon din 'yung dahilan kung bakit nag-quit si Ma'am Elizabeth sa pagiging partner niya, 'no?" Nagtawanan parehas ang dalawang co-agents.

"Walang-wala si Lilith kay Miss Elizabeth. Si Ma'am, napakaperpekto lalong-lalo na pagdating sa kilos niya, tapos si Lilith... Diyos ko, inday! 'Kala mo kampon ni satanas. Ganda pa lang, alam mong talo na si Lilith!" I can't help but frown at their conversation. Another thing I dislike the most are useless gossips coming from other people. 

"Speaking of Ma'am Elizabeth, grabe ang galing ng paghawak niya sa assignment nila noon! Sa Russia ata 'yon eh... 'di ko lang matandaan kung saan," the unkown female co-agent gossiped which immediately caught my attention. 

"Kasama ako do'n mamsh. Siya yung may pinakamaraming nailigtas do'n sa Kazan," the female agent said proudly of herself.

Wait what— Kazan?

"Partida bata pa lang, agent na siya!" Natutuwang sabi ng mga co-agents ko. 

Elizabeth?

But I feel sorry for Lilith. I've been hearing a lot of rumors about her these past few days. Ang daming may ayaw sa kanya. Ang ayaw ko lang kay Lilith ay 'yung katamaran niya... and her snobby, rude, cocky and childish attitude. I just produced a sigh while sitting down at one of the cafeteria tables. Habang tumatagal kasi, nasasanay ako sa pagiging gago niya. Others say na hooker daw siya at gabi-gabing nasa bar, iba-iba rin 'yung lalaking kasama. Mayroong nagsasabi na walang puso at cold daw si Lilith, pero sa nakikita ko, parang 'di naman.

To be honest... I don't believe a shit they say.

"Uy, ikaw 'yung bagong partner ni Lilith, 'di ba?" ani ng binabaeng co-agent ko na pinagtsitsismisan si Lilith at Elizabeth. Nakita ko kung paano niya tinaas-baba ang kanyang kilay sa'kin. A smirk escaped from my lips.

"Me?" kunot-noo kong tanong. 

"Oo, kuya! Ang guwapo-guwapo mo pa tapos naging partner ka lang ni Lilith," the gay co-agent said to me. Are they actually dragging me into their useless gossip? 

"Mag-ingat ka sa kanya, ha? Baka sa susunod ikaw naman mapatay niya," Humalakhak ng malakas ang dalawang tsismosa. I scoffed.

"Have you ever tried minding your own business? I'm pretty sure that gossiping doesn't give you a salary raise, am I right?" Ngiti kong sabi sa kanila. 'Di sila sumagot at napayuko.

I might be a guy... but I can be a dick sometimes.

Nakita kong paparating si Lilith. Nagulat ako nang tinulak ni Lilith 'yung dalawang co-agents namin na nagtsitsismisan kaya agad silang bumagsak sahig. 

Pffft—

"Ay, may natamaan ba ako? I'm so clumsy talaga!" Lilith exclaimed while imitating Kris Aquino's tone, showing an obviously fake expression of shock.

"Oh my god, Bexan! My hair is so kati-kati na!" she said, scratching her forehead using her middle finger kaya napatawa na lang ako ng mahina. What's with that random Taglish sentence though?

"Oh my god, ate! My lips are so itchy na rin," Pinakita ni Lilith 'yung middle finger niya na kinakamot 'yung bibig niya. Tumayo 'yung dalawang tsismosa at agad linayuan si Lilith. Hinawakan ni Lilith 'yung kamay ko at kinaladkad ako kung saan. 'Di ko malaman kung saan ako dadalhin ni Lilith. 

"You know? That was kinda badass," ani ko habang kinakaladkad niya ako. 

"Huh?" Lilith answered. Napasimangot na lang ako. Dami-dami kong sinabi, 'huh' lang 'yung sagot?

"Wala!" how annoying.

"Can't even take a compliment, tss!" pabulong kong sambit. Bigla kaming tumigil sa isang malaking pintuan ng District 10. Nag-scan siya ng kamay do'n sa scanner kaya agad bumukas 'yung malaking pintuan.

Wow...

This is paradise! 

Ang ganda ng training hall dito sa District 10. May mga baril, archers, melee weapons at marami pang iba.

"Ano 'to?" I asked. And yes, I'm lowkey expecting for a sarcastic answer from her again.

"Training hall," papilosopo niyang sabi. Yep, my guess was right. Napakamot ako ng ulo kahit medyo inasahan ko na 'yung sasabihin niya. I'm getting pretty irritated now.

"Alam kong training hall 'to. Ano gagawin natin dito kako?" I annoyingly asked.

"Training." Ngumiti si Lilith ng malademonyong ngiti. Just how could she?

Nagpalit kami ni Lilith ng training gear and outfit. Pinaglalaruan ko ang mga targets gamit ang mga nakatambak na throwing knives sa training room.  'Yung unang hagis ko ay napunta sa magpie na sobrang lapit na sa inner. 'Yung pangalawang kutsilyo naman ay tumama sa inner at 'yung pangatlong kutsilyo naman ay—

"Bull's eye," ani ni Lilith.

"Hey... stop stealing my throw," sabi ko kay Lilith. 'Yung pangatlong tira ko kasi naging tira niya, inagawan niya ako ng throwing knife. Saktong tumama 'yung throwing knife niya sa bull's eye at first try niya pa lang 'yon, ah. I'm impressed.

"Bano mo," ani niya.

"Fuck you," tugon ko at binato ko 'yung pangatlo kong throwing knife at sumakto na ito sa bull's eye.

"Wow, sinuwerte!" ani niya kaya nag-middle finger ako sa kanya. She's taking me lightly, eh? I didn't train for another 6 years just for her to belittle me. 

"Gun training?"

I smiled, "My personal favorite."

🎵 I Just Want To Make Love To You by Foghat 🎵

"Kita niyo 'yon? Grabe ang galing!"

"Gago, ang angas!"

"Halimaw, gago!"

"Shit, magkasama sila ni Satanas oh!"

Ang daming nagkukumpulan sa labas ng bulletproof glass window, dahil lahat ng mga vital points ng mga body target ay perpekto kong natatamaan gamit ang Smith and Wesson SW22 Victory pistol. Lilith and I are just fucking around with the body targets. I'm enjoying this, I admit. Parang magkasing galing lang kami sa target shooting. I think I got myself a pretty good partner.

"How about moving targets?" Lilith asked.

"My pleasure," I smirked. Pinalitan namin ang settings ng gun training room at dahil sa high tech ang Onic. Nawala ang mga body targets na ginamit namin kanina at napalitan ito ng mga virtual enemies na gumagalaw, parang laro lang. Sobrang laki ng natutulong nito sa training ko.

"Select difficulty," the system said.

"Hard." I selected the hard difficulty. Biglang nanahimik ang buong paligid para bang nararamdaman ng katawan ko 'yung paggalaw ng paligid. Hindi lang baril kailangan sa virtual training na 'to, pati na rin ang physical skills. 

"Go." sabay naming sabi ni Lilith. Parehas kaming gumamit ng mixed martial arts sa pag-ubos ng targets at dahil sa magaan lang si Lilith, madali lang kaming nag-duo combo at inubos ang mga moving targets.

"Wow... you're actually good," ani ni Lilith. Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"You're better than someone I know," dagdag pa niya. Ng dahil sa sinabi niya, ay agad namang pumasok sa utak ko si Elizabeth. I'm starting to think she's referring to Elizabeth because Elizabeth was Lilith's ex-partner. Naalala ko tuloy 'yung sinabi ng tsismosang co-worker kanina na si Elizabeth ang may pinakamaraming naligtas sa terror attack sa Kazan, Russia. Kung siya nga talaga 'yon, does that mean—

"Oy, tulala ka! Crush mo 'ko, 'no?" ani ni Lilith. Napasimangot ako kasi panira ng mood 'tong babaeng 'to. Sigh, Lilith.

"Seriously... you're such a weirdo." I scoffed and shookt my head. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status