"C-Ciel anong nangyari sayo?" Nanlalaki ang mga mata na tanong ng ate Beth niya ng pagbuksan siya ng pinto. She was wet all over, nangingikig rin sa lamig ang kanyang katawan. Matapos ang pag-uusap nila ni Leandro kanina ay wala sa sarili niyang minaneho ang kanyang sasakyan. Hindi na niya namalayan na napalayo siya ng husto. She drove for almost two hours and found herself at the seashore of Buenavista. Ang karatig bayan ng San Isidro.She was really out of herself. Hindi kayang tanggapin ng puso niya na maghihiwalay sila ni Leandro. It was tearing her apart. Hindi pa nga sila nagsisimula, heto at gusto na nitong tapusin. She remained at the seashore sitting on the bench for a time she didn't even remember. Kahit noong umulan ay hindi niya ininda. Gusto niyang ibuhos ang lahat ng sakit at ang mga luha niya kasabay ng ulan. But then, it didn't go away. The pain is so deep that no matter how hard she cried her heart out, hindi pa rin iyon nawala. Ganoon niya kamahal si Leandro."P
--Beth--Mahina niyang isinarado ang pinto ng lumabas siya mula sa kwarto ng hipag. Nakatulugan na nito ang pag-iyak. She was obviously tired and in so much pain, pero wala man lang siyang nagawa para tulungan itong maibsan kahit konti ang sakit. She can't even gave her comfort or advice dahil sa sarili niya mismo ay hindi niya magawa. Parehas lang din ang kanilang pinagdadaanan, parehas lang silang nasasaktan ng mga sandaling iyon. "A-Anong sinabi ni Ciel? May ginawa ba sa kanya si Leandro?" Napabaling siya sa boses na iyon ng asawa. Hindi pa pala ito bumabalik sa kanilang kwarto. Malamig niya itong tiningnan. "Leandro has file for an annulment.""Eh di mabuti, mawawala na sa landas natin ang hayop na iyon!" Matigas nitong sagot.Sarkastikong siyang napalatak. "Nagbubulag-bulagan ka ba? Hindi mo ba alam kung gaano nasasaktan si Cielo ngayon?""Malalampasan niya rin ito. Balang araw magpapasalamat siyang naghiwalay sila. Hindi Ang hayop na iyon ang lalakeng nararapat para sa kanya
Madilim na ang paligid ng muli siyang magmulat ng mga mata. Ang mukha ng hipag ang kanyang unang nasilayan. Bagama't manaka-naka'y nagigising siya kanina, muli rin siyang hinihila ng antok pabalik sa karimlan. Napakasama ng pakiramdam niya kanina. "Kumusta na ang pakiramdam mo Ciel?" Agad na tanong ng ate Beth niya saka sinalat ang kanyang noo. Isang maginhawang hininga ang pinakawalan nito ng maramdamang hindi na siya gaanong mainit."Thanks God." Sambit nito. "Nagdedeliryo ka sa lagnat kanina." Isang nanghihinang ngiti ang sumilay sa kanya mga labi. Suddenly her chest tightened at the concern she heard in her voice. Ganoon din sa mga mata nito.They are not that close, dahil minsan lang naman siya kung umuwi rito noon, pero higit pa sa isang kapatid o matalik na kaibigan ang ginawa nitong pag-alaga sa kanya. She look at her, partikular sa maumbok nitong sinapupunan. Tila hirap na itong magkikilos sa laki ng tiyan nito, but she still take care of her. Namuo ang luha sa gilid ng
Two years later...Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan niya habang inililibot ang paningin sa buong loob ng NAIA international airport. Hila ang isang di kalakihang trolley ay inihakbang niya ang kanyang mga paa papunta sa arriving area."Ciel!" Napabaling siya sa tawag na iyon. Sa kumpulan ng mga taong naghihintay rin sa kani-kanilang mga pamilya ay nakita niya si Lovie na kumakaway-kaway.She walk towards her. At ng makalapit ay isang malungkot na ngiti ang sumilay sa labi nito."Condolence friend." anas nito sa nakikiramay na boses. She then hold her arms sympathetically.Isang malungkot na ngiti rin ang sumilay sa kanyang labi bago marahan na tumango. "Salamat Vie." Mahina niya ring sabi. "He's in God hands now."Tumango-tango ito. "Yeah, he is.." Ini-angat nito ang mga mata sa kanyang bisig. "You look tired, ako nang magdadala kay Briel sa--"Umiling siya. "Ako na, magta-tuntrums iyan kapag nagising at makitang hindi ako ang may hawak sa kanya." Isang mabining
Mariin siyang napalunok ng makitang tumigil sa di kalayuan ng kotse nila si Thunder at bumaba si Leandro.If she was shocked, ganoon din ang nakarehistro sa mukha ni Lovie ng lumingon sa kanya."Ciel..." Anas nito sa nag-aalang boses. "Anong gagawin natin?"She winced and swallow again. Nakita nilang humahakbang ito palapit sa kotse. Doon siya nagsimulang magpanic. Nilingon niya agad ang anak na noo'y mahimbing pa rin ang tulog. "Y-You go out first.." Sabi niya. Trying to hide the tremor on her voice. "Kapag lumabas ako, siguradong iisipin niyang magkasama tayo. Malalaman at malalaman pa rin niya na may tao sa loob kahit na tinted ang salamin ng kotse, he will--""Lalabas din ako maya-maya." mahina niyang sabi, pagkunwa'y tiningnan muli ang anak. "T-Talk to him away from the car. Huwag mong hayaang lumapit siya sa kotse, h-hindi niya pwedeng malaman ang tungkol kay Briel. Sige na.. lumabas ka na Vie." She said, already in panic when she saw Leandro nearly approaching.At dahil sa n
Kahit na nakalabas at nakalayo na sila sa hacienda Montenegro ay hindi pa rin napanatag ang loob niya. No... actually, sa simula pa lang talaga ay hindi na panatag ang buong loob niya sa isiping uuwi siya kasama ang anak. When she went to America, nangako siya sa sarili na hinding-hindi na siya tatapak pa sa San Isidro. But cruel fate play its game again, nagkasakit at nawala ang kuya William niya dahilan para mapilitan siyang bumalik. Isiniksik niya lang sa isip na malayo ang posibilidad na magkita sila dahil malawak naman ang San Isidro. Isa pa, alam naman niyang hindi ito pupunta sa kanila para makiramay sa kanilang pamilya. So chances of them seeing each other again was rare as the solar eclipse. Or thats what she thought.Dahil ang taong pinakaiiwasan niyang makita, ay nakaharap niya sa unang tapak pa lamang ng kanyang mga paa sa bayang iyon, sa unang araw pa lamang niya doon sa San Isidro. She gritted her teeth bitterly. Ang sama talagang magbiro ng tadhana. "Ciel?"Bahagya
Isang linggo na ang nakalipas buhat ng mailibing nila ang kanyang kuya William. At buhat ng araw na iyon, ang kanilang bahay ay naging napakalungkot at puno ng kahungkagan ang bawat sulok.Hindi na iyon nakapagtataka. Her brother was always the pillar of the house, of that land. Ang lupang ipinundar ng kanilang ama. Ngayong wala na ito, hindi nila alam kung saan sila magsisimula. They are all lost.Katok sa pinto ng kwarto niya ang nagpa-angat ng kanyang tingin. Kasalukuyan siyang nagbibihis ng pumasok ang kanyang ate Beth. "Ciel pwede ba kitang makausap?" Tanong nitong unti-unting humakbang palapit sa kanya."Oo naman ate Beth.. tungkol saan?"Umupo ito sa kama at muling tumingin sa kanya."Ngayong naihatid na natin si Will sa kanyang huling hantungan, pwede ko bang malaman ang plano mo? Are you going back to America? or are you going to stay?"Sandali siyang natigilan. Actually, sa simula pa lang ay wala na siyang planong manatili. Her plans was to go back to America matapos si
Dalawang taon. Dalawang taon na ang nakakaraan mula ng lisanin niya ang bahay na iyon, pero parang kahapon lamang ang lumipas. Nothing's change. It was still like what she remember it was two years ago.And standing infront of that giant gate right now sent shiver down her spine.Isinumpa niyang hinding-hindi na siya babalik doon, ipinangako niya sa sarili na ang pagkikita na nangyari sa kanila ni Leandro noong nakaraan ay ang una't huli na nilang pagkikita, but it seems that heaven wasn't in favor of the promise she made with herself."Babayaran natin ang perang ibinigay ni Leandro para sa operasyon ni kuya ate Beth. Ayokong magkaroon tayo ng utang na loob sa kanya. I have this little savings, and Mama has hers too. Ang kulang, kinausap na namin si Tito Alfredo and he's willing to help hanggang sa mabuo ang dalawang million."Napayuko ang hipag. Tila nagui-guilty na naman. "Pasensiya na talaga Ciel, Mama. Napakalaking abala itong ginawa ko sa inyo. And to think na kay Leandro pa ako