Ngunit bago pa makuha nang tulayan ni Cindy ang pakete ay bigla naman iyon inilayo ni val. Nangunot ang mga kilay ng babae. "Val, what do you mean by this? Pumayag ka nang tulungan ako di ba? Huwag mong sabihing nagbago–""Shh..... " Biglang tinakpan ni val ang labi ni Cindy ng kanyang daliri. "Of course, I'm still willing to help you. It's just..... Ganu'n ganu'n na lang ba yun? Wala man lang ba ako compensation? Nahirapan kaya akong makuha 'to, alam mo namang ban ito dito sa bansa natin."Napabuga ng hangin si Cindy. Ang akala pa naman niya'y nagbago na ang isip ng lalaki. "Fine. Ano ba ang gusto mo? Sabihin mo agad kasi gusto kong ma-sette itong plano ko nang maaga."Hinawakan ni Val ang pala-pulsuhan ni Cindy. "Relax, maaga pa naman, saka hindi naman tatakbo si Aeros e. For sure, hanggang madaling araw na naman yan dito..... Paligayahin mo muna ako." At hinila niya ang babae sa parking lot.Binawi ni Cindy ang bisig. "Ano ka ba? alam mong hindi puwede di ba? may misyon a
"May kailangan ka ba?" Taas-noong tanong ni Lucy nang tawagin ito ni Cindy. Tila hindi ito magpapataob kahit nakikita niya ang kalamangan ni Cindy sa kanya. Ngumalong-baba si Cindy at ngumiti kay Lucy. "Nakita ko ang mga tingin mo, gusto mo ba ang mga ito? Sayang lang kasi parang hindi ito na-a-appreciate ng mga kasama mo, kung gusto mo, ibibigay ko na lang sayo lahat 'to." Nangislap sa excitement at sa saya ang mga mata ni Lucy. Kahit wala siyang alam sa mga mamahaling brands ng mga skin care at pabango, sa kanyang nakikita ay mukhang mamahalin ang mga ito. "Oo ba! Hindi ko tatanggihan ang mga yan." Yumuko siya para sana damputin na ang mga items nang magsalita si Cindy: "Sandali lang, hindi pa ko tapos. Ibibigay ko sa'yo ang mga ito kung tutulungan mo ko." "A-anong tulong? Basta ba kaya ko, gagawin ko, pero akin na lahat to ha." Nagtawa si Cindy. "Oo naman....... Makinig kang mabuti, ito and ipagagawa ko sayo. Kinasapakat ni Cindy si Lucy para makapasok sa kwarto ni aer
"S-ser–" hindi na naituloy ni Agnes ang sasabihin nang bigla siyang halikan ng amo. Nanlaki ang mga mata ng dalaga sa hindi akalaing gagawin ni Aeros sa kanya, ito pa naman ang first kiss niya. "Bitiwan mo ko, ano bang ginagawa mo?" Pumiglas siya inilayo ang kanyang mukha."P-please..... Give this to me...." Namamaos na wika ni Aeros at hinuli niya ang mukha ng dalaga para sana halikan nang bigla siyang matigilan. Napatitig siya sa mukha ni Agnes na takang-taka. Alam niyang si Cindy ang dapat makakaniigan niya, ngunit bakit tila ang pangit na mukha ni Agnes ang kanyang nakikita. Dala ng siphayo at paghihirap na nararamdaman, kailangan na niyang makipag-niig kaya naman hindi na niya inisip pa kung sino ba talaga ang babae sa kanyang harapan. Simulan niya uli itong halikan."Hayop! Bitiwan mo ko! Ayoko.... Huwag! Bitiwan mo ko!" Nakaramdam ng matinding takot si Agnes. Sa kabila ng pagdi-disguise niya ay tila magaganap pa rin ang kanyang ipinag-aalala. "Tulong! Tulungan n'yo
Tinawagan ni Ivan ang kanyang assistant at ipinadala ang gamot ng kanilang ospital pangontra sa aphrodisiac. Pagdating ay agad niyang ipainom iyon kay Cindy. Nalalaman ni Ivan kung gaano kahirap ang pagdadaanan ng taong nagamitan ng aphrodisiac kapag hindi nito nagawang makipag -niig agad. Ang gamot ay may pampatulog kaya nakatulog si Cindy. Tanging si Ms. Mildred at ang doktor lang ang naiwan kay Cindy dahil abala ang mga katulong sa paghahanap kay Agnes. "Kapag nawala na ang epekto ng aphrodisiac sa sistema niya, magigising na rin siya." Ani Ivan habang inililigpit ang kanyang mga gamit. "Pero maiba ako Ms. Mildred, bakit nandito itong si Cindy at bakit siya naka d**ga? Alam ko, may kinalaman ito kay aeros pero nasaan si Aeros?"Napahimas sa kanyang noo ang mayordoma at inilahad ang ginawa ng babae. Napanganga si Ivan, ngunit bigla niyang naisip kung bakit humantong pa sa pagdo-d**ga kay aeros ang lahat. Na-excite ang doktor. Tila may bagong Chismis na naman itong uungkati
Napatayo si Agnes. Tila hindi nito matanggap ang katotohanan. "A-ano po? Wala na ang matandang Villacorte?....... H-hindi..."Nagtaka si Ms. Mildred sa malaking reaksyon ng dalaga. "Agnes, ano ba ang nangyayari sayo? Matagal nang namayapa si señor Miguelito, labing dalawang taon na siyang patay."Napasalampak ng upo si Agnes, natulala ito. "Hindi.... p-aano?" Tila gumuho ang kanyang pag-asa. Ang huling pag-asa nila mag-ama ay tuluyan nang nawala, paano niya ito matatanggap?Dali-daling nagpa-alam si Agnes at nagkulong sa maid's quarter. Nang may katulong na papasok ay hindi ito nakapasok dahil nakalock ang pinto sa loob. Hindi pinansin ni Agnes ang pagtawag nito sa labas, patuloy lang itong umiiyak sa kanyang higaan. Wala na siyang magagawa pa para matulungan ang ama, higit sa lahat, nawala ng ganu'n na ganu'n na lang ang v***inity n'ya.Buhat nang may nangyari sa kanila ay hindi na makatingin nang maayos at diretso si Agnes kay Aeros, habang ang binata naman ay normal la
"Oh my god! She's out of her mind!""Dali, tulungan n'yo si Jasper, he's bleeding!"Nagkaroon bigla ng komosyon na nagpalabas kay Ms. Mildred na noo'y abalang naghahanda ng ipupulutan ng mga bisita. "Anong nangyayari? Bakit nagkakagulo?""Ms. Mildred..... S-si Agnes po kasi...."Napamaang si Agnes sa nagawa ngunit hindi niya iyon pinagsisisihan. Katunayan ay nasiyahan siya dahil nagawa nyang lumaban at ipagtanggol ang sarili. Kahit nakita niyang dumugo ang ulo ni Jasper, hindi siya natakot dahil alam niyang hindi naman ikamamatay ng lalaki iyon.Sumama ang tingin ng mga kaibigan ni Aeros kay Agnes. Nalalaman nilang si Jasper ang nagsimula ngunit para sa kanila ay hindi dapat iyon ginawa ng dalaga. Malinaw na anuman ang ginawa ni Jasper, dito pa rin sila kakampi.Lumapit si Aeros at hinatak sa braso si Agnes. "What do you think you're doing? Do you want to murder my friend? Paano kung mabasag ang bungo niya? Agnes.... Your cruel."Ito ang kauna-unahang tinawag siya ng binata
Magbuhat nang bumalik si Agnes sa villa ng mga Dela Fuentes ay palagi nang maasim ang mukha ni marina. Ang tanging masaya lang sa kanyang pagbabalik ay ang kanyang ama at si Alfie. Ngunit hindi mababakas sa mukha ng ama ang kasiyahan dahil natatakpan iyon ng malamlam na aura nito. Nabagbag ang loob ni Agnes nang makita ang hitsura ng ama dahil tila mas tumanda pa ito kaysa sa huli niya itong makita. Ang mga uban nito ay nadagdagan. Magbuhat nang huli nitong pakikipag-usap kay Agnes sa telepono ay nanatili na lang ito sa bahay dahil na rin na-ban ito sa kagagawan ng nag-traydor dito sa negosyo. Nasabi na ni Agnes ang malungkot na balita na namayapa na pala ang Don ng mga Villacorte na nangako noon ng isang daang milyon kay Marina. Ngayon ay nakaupo ang apat sa kanilang sala at pinag-uusapan ang susunod nilang gagawin:"May kumare ako, nagta-trabaho ang anak niyang lalaki sa casino. Puwede si Agnes doon bilang cocktail waitress." Mungkahi ni marina.Pasimpleng umirap si Ag
"Kumusta ka na Agnes, hindi ko akalaing makikita uli kita at sa ganitong pagkakaton pa." Wika ng lalaki habang hawak pa rin ang kamay ng lalaki, namimilipit ito.Gustong matawa ng dalaga, nakikipag-kamustahan ang lalaki habang may pinipilipit ito. "Ayos lang ako, mabuti't dumating ka.""Binitiwan mo ko! Hindi mo ba alam kung ano ako dito! Ipapasisante kita!" Sigaw ng interviewer habang pilit hinihila ang kanyang kamay ngunit wala siyang laban sa lakas ng matangkad na sumusupil sa kanya.Doon lang napukaw ang atensyon ng lalaki, malamig niyang tiningnan ang interviewer. "Hump! Wala akong pakialam kung ano ang posisyon mo dito o kahit Ikaw pa ang may-ari nitong kumpanya, akala mo ba natatakot ako sayo? Sinong may sabi sayong bastusin mo siya?""Ged..." Tawag ni Agnes sa lalaki. "Bitiwan mo na siya."Nang binitiwan na ni ged ang lalaki ay nagsisigaw ito. "Humanda kayo, sisiguraduhin kong hindi kayo matatanggap dito!" Dinuro-duro nito si ged. "At ikaw! Sisiguraduhin kong mata