Share

Chapter 12

MAGKASABAY na pumunta ng sala ang mag-ina, iyon talaga ang paborito nilang spot ng bahay ang sala dahil doon sila madalas mag kuwentuhan, manood ng movies at magmeryenda.

"Tita bakit hindi mo ako sinama?" Nagtatampo na sabi ni Maya sa kanya. Katabi niya itong nakaupo sa sofa.

"Sorry, Maya, may dinaanan kasi ang tita na bawal sa mga bata. Next time na lang ha, papasyal tayo nina lola." Guilty niyang sagot sa pamangkin.

"Promise?" paniniguro ng bata.

Itinaas ni Marilyn ang isang kamay na parang nanunumpa.

"Promise!"sagot ng dalaga at pinisil ang tungki ng ilong ng pamangkin.

"Kumain na tayo habang mainit-init pa ang pizza na pasalubong ng tita mo," Ani Aling Pacing nang iabot nito sa dalaga ang platito na may isang slice na pizza.

"Salamat, nay," magalang na sabi ni Marilyn.

   

Binigyan din ng isang platito na may isang slice na pizza ang apo at ang asawa ni Aling Pacing.

Masayang nag-kukuwentuhan sa sala ang mag pamilya

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status