Share

Kabanata 27 Love and Guilt

Tinakpan ni Liam ang kanyang bibig. “Mika, ako ‘to.”

Nag-iiyak siya at yumakap sa binata. Hinagod nito ang kanyang likod. “Sorry, hindi ko alam na matatakot ka.”

Ang totoo ay mas lamang ang takot niya sa sinabi ng lolo nito. Takot na hindi siya mahal ng kasintahan. Takot na baka niloloko lang siya nito. Sasabihin ba niya na nakausap niya ang lolo nito? Baka magkagulo pa. Nalilito siya at hindi alam ang gagawin.

Pinahid nito ang kanyang luhang nag-uunahang pumatak. “Tahan na. Huwag kang matakot. Andito na ako.”

May kakayahan ang binata na alisin ang lahat ng kanyang pangamba sa dibdib. Inangat niya ang mukha at sinalubong ang mga mata ng nobyo. “Mahal mo ba ako.”

“Oo, mahal kita. Bakit bigla kang nagtanong? Hindi pa ba sapat na ibinibigay ko ang katawan ko sa’yo?” sabay tawa nito.

Ngunit hindi siya sumakay sa biro nito. “Paano si Ava? Ikakasal ka sa kanya, hindi ba?”

“Sino ang nagsabi sa’yo?” Naging mailap ang mata ng binata.

“Si Ava mismo, noong huling nagpunta siya sa apartment.” Kai
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status